top of page

BASIC PROBLEMS



 

Sa pagkakasunud-sunod, ano ang problem mo – pag-ibig, pera o pamilya? Which one do you think is the root of all these problems, but once you settle it well there will be

lesser or no problem at all? Ang birong totoo sa facebook, ang problema nga yata ay pag-ibig na kapag nagmahal ng taong walang pera pati pamilya nagiging problema. Ano ‘say’ ninyo? Totoo bas a karansan ninyo?


 

Sir Bogir Torres

Mobile number: 09272450838




 
BASIC PROBLEMS...

Kahit pabiro ang sinabi sa isang post na ang stress ay dahilan ng tatlong problema: pera, pamilya at pamilyang walang pera. Ngunit sa paniniwala ko ay kasama na rito ang problema sa pag-ibig na una-de-primerang dahilan kung totoo nga ba. Kung puro pera lamang ang pag-ibig, magiging problema talaga kapag naubos na. Katwiran pa dito, kung mahirap na ang pamilya mo at wala kayong kapera-pera at humanap ka pa ng mamahalin mo ng wala ding pera pati ang pamilya, labu-labo na problema ng pamilya ninyo sa kawalan ng pera. Tapos sasabihin pa nating “Buti pa ang pera may tao, ang tao walang pera?” Papilosopo siya, ngunit dito natin maisip sag anito kung bakit ng aba?


 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 63949970474




 
BASIC PROBLEMS...

Ang sinasabi ni wise girl, hindi raw bale sabihing mukha siyang pera basta wala siyang problema sa pera. Marami sa atin sige pa rin aarya ng pag-ibig kahit walang pera, bago kapag nagsama sasama loob sa kawalang ng pera. Totoo para sa mga taong mas naniniwala sa kapangyarihan ng pera na it is a top cause of relationship strife o pagtatalo na kalimitan ay nauuwi sa matinding awayan at paghihiwalay. Kawawa tuloy ang mga nagiging anak nila. Pero hindi kaya dahil iyon ang inilagay sa isip na pera ang siyang dahilan ng problema at iyon ang pinaka-kailangan kaya nangyayari? Alinman daw ang ating iniisip ay malakas na hihigop na magkakatotoo. Read back ninyo sa blog natin ang Watch Your Thoughts ni Lao Tzu, doon ninyo mauunawaan na ang kapalaran ng tao ay nagmumula sa iniisip niya. Ang isipan natin ang naglalagay ng tadhana sa kapalaran natin. Baguhin ninyo kaya ang takbo ng isip ninyo?


 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 0966930040




 
BASIC PROBLEMS...

Kung tutuusin ang humanap ng magiging kasundo sa pagsasama ay napakahirap lalo na kung isasama pa ang usaping problema sa pera, ga-grabe na siya! Idagdag pang parehong hindi marunong humawak ng pera ang mag-asawa. Ngunit kung sensitibo ka, sa panahon pa lamang ng ligawan ay malalaman mo na kung marunong bang humawak ng pera ang manliligaw at nagpapaligaw; kung hindi pareho silang maliligaw. Remember: Building a relationship and sharing a life isn’t just a romantic gestures. Hindi siya labing-labing lamang. Kapag ganito, masarap lang sa una ang pagsasama, ngunit, dusa na sa susunod na mga araw na wala na silang pera. Kapag inilagay ang sarili sa pakikipag-relasyon, kasama na rito ang mga bagay tungkol sa pera. Kung kaya ba nilang mabuhay nang maayos sa bubuuin nilang pamilya hindi lamang sa ngayon o bukas kundi hanggang sa pagtanda nila. Pasok ngayon dito ang ugali ninyong dalawa sa pera. Compatible ba kayo sa panunutunan ninyo sa pera?


 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741




 
BASIC PROBLEMS...

Madalas ito ang nagiging problemang ugali sa pera: Financial infidelity, iyung hindi nagsasabi ng totoo sa pera ang bawat isa gaya ng, magkano ba talaga sinusuweldo at gastusin sa bahay? Kapag natuklasan na ng isa ang paglilihim, simula na ito ng walang tiwala pati na sa ibang aspeto ng buhay may asawa. Dapat pinag-uusapan ito ng buong katapatan. Bawal ang maglihim sa isa’t-isa. Maging kasunduan sa pag-uusap ninyo kung magkano ang gagastusin ng walang paghihinala. Pagbabadyet ang unang kailangang planuhin ninyong dalawa. Kailangan regular ang pag-uusap hinggil sa bagay na ito at kapwa kayo magkaroon ng iisang financial goals sa pag-iipon at pamumuhunan para sa darating na panahon. Isama na rin ang pagpapa-insured para walang namomoroblema sa sakaling may mangyaring hindi magansa. Huwag basta arya nang arya kapag may pera o kaya gastos nang gastos pagkasuweldo. Hindi lahat ng araw ay glorya kayo sa pera. May pagkakataong susubukin talaga kayo ng kapalaran sa problema sa pera. Ngunit ang pinakamahalaga ay magkasundo kayong dalawa sa inyong financial plans. Sa bagay na ito, kung sino ang maalam, siyang dapat mabigyan-daan sa pagpapasya. Huwag ding hayaang ang mga isyu sa pera ang siyang sisira sa inyong pagsasama. Mas magiging kapwa maligaya kayong dalawa kung magtutulong sa gagawing layunin at plano sa pagpapapa-unlad ng kabuhayan.


 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407

Kris Torres 639499704741




 
BASIC PROBLEMS...

Aral-aral din ng mga nababasa kada araw. Minsan ‘kala natin biro at kalokohan lang, ngunit kung lalagumin ay malalim pala ang karunungang matututunan natin sa ating pagbabasa. Ang birong totoo sa facebook, ang problema nga yata ay pag-ibig na kapag nagmahal ng taong walang pera pati pamilya nagiging problema. Sabi nila, “Money Matter In Love.” Ngunit kung tutusin, ang pangunahing problema ay pag-ibig na nawawala sa bawat isa dahil na rin sa nawalang tiwalang kaya ng pag-ibig kung magtutulungan ang bawat isa. Ano masasabi ninyo? Pero, mga friends, hindi naman talaga pera ang problema natin, kundi ang ugali natin sa pera. Pansinin ninyo kung bakit nakasimangot at naka-kalumbabang nag-iisip si Benigno S. Aquino Jr. (Ninoy) sa limandaang pisong papel? Kasi nga ang tao walang pera, ang pera may tao. Buti na lang may positibong mensahe sa papel nating pera na “Pinagpala Ang Bayan Na Ang Diyos Ay Ang Panginoon.” Paalala, huwag lulukutin at susulatan ang pera, hindi dahil sa pinagbabawal ng batas kundi pinahahalagahan natin siya. Kung mahal natin ang pera, mamahalin niya rin tayo hanggang sa wakas.

Read, Share and Subscribe:

IN FACT, MATH-ALINO!

https://www.prosperlife thrueducation.com/post/heart-of-wisdom

July 23, 2021

Comments


bottom of page