top of page

ANG EMOTE NG MATH-ALINO



 

Kung ano ang nasa isip siyang madarama. Ang sabi ni Prasad Mehes“Your mind is like water … When it is turbulent, it is difficult to see … But when it is calm, everything becomes clear. “ Sa sandaling nakararanas tayo ng pagkaburyong sa buhay, sikapin nating iwaksi, ipokus natin ang ating isipan at kalooban sa masasayang sandali ng ating buhay. Higit na pagtuunan natin ng pansin ang mga blessings na karaniwan ay hindi natin napapansin dahil masyado tayong nakatuon sa masaklap na pangyayari sa ating buhay at mga pagsubok pang dumarating. Huwag malugmok. “Good times will come again!” At kung tunay na nananalig tayo kay Lord, iisipin nating paparating na magandang kapalaran “In God’s own time.” Sooner makakaraos rin sa problema.


 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741


 

Ako, sa aking sarili ay lagi kong sinasabing “God is good all the time.” Good morning agad bati ko sa aking sarili sa harap ng salamin pagkagising na pagkagising sa umaga. Sabay ngiti nang napakaganda at bulong ng “I am blessed, I am healthy, I am happy, I am prosperous, and I am protected. Kasunod nito ang maikling panalangin ng pasasalamat at pagsamo ng iba pang kahilingan. Kaya rin lagi kong sinasabi na ang ibig sabihin ng “Good Morning is God’s morning.” Ipasa-Diyos natin ang lahat ng ating pagsisikap sa mga hamon sa buhay. Makikita ninyong magaang lilipas ang bawat araw. Kaya pala nating talunin ang mga higanteng problema sa pamamagitan ng maligayang kalooban.

 

Sa totoo lang, maaaring isipin ninyong napakadali ngang sabihin, ngunit mas mahirap gawin dahil kadalasan tinatalo ng ating damdamin ang ating isipan. Kumbaga, nagtatalo ang IQ o talino ng utak sa EQ o kalooban. Again, isipin ninyo uli, “Your mind is like water … “ Mahalagang paulit-ulit na sabihin ito para makundisyon ang ating isipan ay ganap na mauunawaan natin na kapag maalon sa sigwa ng problema ang ating buhay ay mahirap talagang makita ang hinahanap solusyon, ngunit kapag naging ganap na ang kapayapaan ng loob ay saka natin maiintindihan ang lahat pati na ang ating naging pagkakamali o pagkukulang na, tayo pala sa sarili natin ang puno’t ugat ng mabigat na problema dahil sa maling takbo ng ating isipan, at sa ganitong paraan ay maiiisip natin ang nararapat na gawin.

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407

Kris Torres 639499704741


 

Marahil kaya may ganitong pangyayari na aking nabanggit ay dahil inaakala ng marami sa atin na ang katalinuhan ay naroroon lamang sa isipan. Dahil na rin siguro sa paniniwala tungkol sa mind over matter kung saan maaaring makontrol ng isipan ang mga hindi magandang pangyayaring dumarating. Hindi tuloy nila alam na kahit ang emotion o damdamin ng ating puso at kalooban ay nararapat ding maging math-alino. Dito pumapasok ang tinatawag na EQ – Emotional Intelligence. Kung naniniwala kang makapangyarihan ang pusong feeling in love kaysa sa isipan, dapat maniwala kang mas makapangyarihan dalhin ng masayang kalooban ang problema kaysa sa isipan. Puwede rin itong gawin, kumbaga, kung ano ang malakas sa inyo – puso o isipan?

 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407




 

Ang puso ang pintig ng buhay na kung nalulungkot tayo ay walang kabuhay-buhay ang ating buhay na sana ay laging masigla. Hindi ito nauunawan ng iba dahil nga kulang sa pagbabasa. Inaasa na lamang sa pangyayari ang kaganapan ng lahat. Fatalism o bahala na kapalaran ang nagiging ugali natin. Subukan nating magbasa ng mga masasayang pangyayari o karanasan sa buhay, hindi mo lamang matututunan ang sikreto kung paano maging masaya, bagkus, pupukaw din ito sa puso mo na kailangan talagang maging maligaya … come what may! Kaya may may mga “sitcom” o situational comedy tayo na napapanood sa telebisyon upang pasayahin tayo sa ating buhay. Importante siya sa mental health o kalusugan ng ating isipan upang huwag tayong laging maging negatibo. Ngunit importante rin kung makakapanood ang dramedy - iyong drama na may halong comedy para mailalabas natin ang bigat ng ating kalooban saka tayo bubunghalik ng tawa sa sobrang saya.


 

Hindi lamang nakalilibang at nakakaaliw ang sitcom, may dala rin siyang talino sa pag-aanalisa ng problema sa buhay sa paraang hindi seryosong-seryoso. Dahil hindi dito, tinatayang ang isang mahusay na komedyante ay mataas ang IQ - intelligence Quotient. Mula sa isinasagawa nilang komedya sa buhay ay pumapasok sa kanilang kamalayan ang pagiging masaya sa gitna ng mga dramang dulot ng suliranin ng buhay. Kuwidaw kayo, kapag kayo naman ang nagpapatawa at walang natawa, ibig sabihin ay hindi ka math-alino mentally at emotionallu. Marahil kulang ka pa sa eksperiyensa ng buhay kung paano magbalanse ng lungkot at ligaya. Maging sa timing ng mga kaparaanan.

 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741


 

Isang mabigat na salik sa pagpapa-unlad ng ating emotional intelligence ay ang ating personal na kamalayan sa sarili at pag-unawa kung paanong nakakaapekto sa ating sarili ang iba’t ibang karanasan sa buhay. Aware ka bang kapag nabuburyong ka ay napakadaling mag-iinit ang ulo mo at madaling magsiklab ang kalooban mo? Hindi mo na kasi naiisip, kaya bigla kang nagwawala sa galit bunga ng sama ng loob na hindi na makayanan sa sarili. Ngunit pwede naman maiwasan sana kung nauunawaan mo ang iyong sarili. Kulang ka nga kasi sa pagbabasa kaya hindi mo alam ang iyong ginagawa. Subukan mong basahin pa ang mga susunod nating paksa para may matutunan ka pa!

 

Ang kaalaman kasi kasama na ang karunungan ay hindi naman natututunan ng minsanang pagbabasa at karanasan. Kailangan continuous reading at pagsasagawa nito sa buhay sa iba’t ibang antas ng karanasan hanggang sa lumaon ay emotionally matured na tayo, at sasabihin nating “we are not only intelligent in mind, we are also intelligent in heart. Kapag ganito, masayang math-alino na tayo sa ating buhay. Siguradong hahaba pa ang ating buhay kumpara sa matha-lino lamang sa isipan, ngunit hindi sa puso at kalooban. Sino ba ang madalas magkasakit sa puso? Hindi ba ang malulungkuting tao? Kasi hindi nila naisip ito dahil hindi sila nagbabasa ng tungkol sa buhay para maging math-alino.Huwg nga raw tayong matutulog ng may galit sa puso o bigat sa kalooban dahil doon umaatake si corazon ang sakit sa puso na wala tayong kalaba-laban. Sleep lang na masaya.


Read, Share and Subscribe:

IN FACT, MATH-ALINO!

Comments


bottom of page