top of page

WORRY-FREE?



 

How much worrying is too much?

Gaano ba kabigat ang pagwo-worry mo na hindi naman dapat?


Ang mga pagdududa, takot at pangamba ay normal na nangyayari sa atin. Kung hindi natin ito nararamdaman, manhid (insensitive) tayo o kaya ay walang pakialam. Mas nakakatakot! Oks lang naman ang mag-worry sa problema kasi challenges ito na susubok sa galing natin magresolba sa problema. Ngunit ang normal na pag-aalala ay nagiging labis kapag hindi na maalis sa isipan at hindi na rin mapigilan. Ang mag-alala kasi sa problema na “pano kung …?” Pati na ang mangyayaring hindi maganda ay nakakabahala sa kalooban at isipan. Dangerous siya na makaapekto sa araw-araw nating pamumuhay.


 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741


 
WORRY-FREE?...

Negatibong ugali ang sobra-sobrang pag-aalala lalo na kung iniisip na grabe ang mangyayari, posibleng maapektuhan ang lakas ng ating kalooban dahil apektado na ang mental health natin o kalusugan ng isipan. Nakakapagpapahina ito ng katawan dahil malamang hindi tayo makakatulog bunga pagkaligalig. Minsan may kasama pang sakit ng ulo natin, pangangasim ng sikmura, panginginig ng buong katawan kaya nahihirapan tayong magpokus sa pag-aaral o pagtatrabaho. Sabi nila, simple lamang ang solusyon dito, huwag mag-isip at gumawa nang masama. Iwasan malulong sa alak at droga para lamang maiwaksi ang takot na nadarama. Hindi ito makakatulong sa atin, bagkus, mas nakakasira sa ating katawan lalo na sa takbo ng utak kung magumon pa sa ganitong bisyo. Kapag malubha ang pag-aalala, posibleng mauwi sa mga delikadong sintomas ng General Anxiety Disorder o GAD. Daglian tayong makararanas ng pagkabalisa na tinatawag naman na anxiety attack. Karaniwan may dala itong tensyon o kaba at nerbyos, kawalan ng kapanatagan at palagay na nakakawala sa sigla ng buhay.


 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 63949970474




 
WORRY-FREE?...

Ang kulay ng worries ay gray o abuhin. Malabo siya sa kulay. Karaniwan iyan daw ang pinipiling kulay ng mga taong laging nababahala, samantalang ang yellow o dilaw ay pinipili ng mga taong ibig maging malusog sa kanilang buhay physically, mentally, emotinally and spiritually. Sa kabilang banda, ang dalawang pangkat na taong ito ay kulay blue o asul ang kanilang paborito alinsunod sa pag-aaral ng BMC Medical Research Technology.


Change your mood sa kulay ng pipiliing damit pati na ng gamit para maging positibo sa pandama. Bukod sa ganitong kaso, ang mga taong labis na tensyunado, ay sinasabing kaya naman baguhin ang kanilang nadarama sa pamamagitan ng pagwawaksi ng alalahanin sa mga iniisip. Ibig sabihin, mental habit (lagi ka kasing nagpapanerbyos) din ang sobrang pag-aalala na maari naman maalis unti-unti. Kailangan lamang i-train o sanayin ang isipan na maging kalmado at gawing balanse ang mga ginagawa at tanawin ang buhay ng positibo ang pananaw na may magandang mangyayari. Sabi nga ‘pray’ nang magabayan.


 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407

Kris Torres 639499704741



 
WORRY-FREE?...

Ngunit bakit ba mahirap pigilan ang pag-aalala na nauuuwi sa nerbiyos at takot bagama’t alam na natin ang masamang pekto nito sa pisikal nating katawan at kalusugan? Batay na rin sa pag-aaral ay dahil sa postibo at negatibo nating paniniwala hinggil dito. Sa negatibo ay naniniwala talaga tayo sa pagkabalisa. Paniniwalang ang palaging pag-aalala ay masama na parang nakaksira ng takbo ng isipan o may masamang dulot sa kalusugan ng pangangatawan na nasabi. Maari din naman sa pag-aalala na mawala ng kontrol sa pagkabahala – na manaig itong lagi sa atin at hindi na mawala ni minsan. Lubhang lalo itong nakapagpapasama sa pag-aalala na mag-aalis sa postibong paniniwala natin sa pag-aalala. Samantala, sa postibong pagkabahala, naniniwala naman ang tao na makabubuti ito upang maiwasan ang problema, maihanda ang kanilang sarili sa hindi magandang pangyayari o kaya maghatid sa atin ng solusyon sa ating pinoproblema na nakakabahala. Pagkaminsan nga, sa katagalan ng pag-aalala ay nauunawaan natin ang dahilan ng ating pagkabahala. Lubhang mahirap na iwaksi ang pag-aalala kung iisipin din nating postibong layunin nito. Kapag inisip natin na ang pag-alala ay problema, at hindi kalunasan, saka lang tayo makababawi na kontrolin ang ikinababahala ng ating isipan at kalooban


 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407




 
WORRY-FREE?...

Tinatayang nadaragdagan ang pagkabahala ng tao habang siya ay nagkaka-edad na. Hindi gaya noong bata pa siya ay halos wala siyang masyadong alalahanin. Ngunit kapag nasa malay na ang resposibilidad at magiging kinabukasan at kalagayan ay saka pumapasok ang pag-alala lalo na kung hindi pinaghandaan ang kanilang kinabukasan. Mainam na gabayan ng mga anak o nakababata ang mga nagkaka-edad sa kanilang alalahanin. Bigyan sila ng kumpiyansa sa sarili lalo na sa panahong sila ay may karamdaman. Simpleng pakikipag-usap sa kanila at pag-aalaga ay nagkakaroon sila ng kapanatagan ng loob. Samantala, mayroon naman mga nagkakaedad na ang mas lubhang nag-aalala sa kanilang pamilya kaysa sa sarili nila. Kaya pagkaminsan ay ayaw pa nilang lumisan at patuloy na nakikipaglaban sa karamdaman. Noong nasa ganitong kalagayan ang aking ina ay ibinulong ko sa kanIyang huwag niya kaming alalahanin, ipasa-Diyos namin ang lahat para sa kanyang tahimik na paglisan.


Damhin ang pagmamahal sa bawat binabasa.


Read, Share and Subscribe:

IN FACT, MATH-ALINO!

https://www.prosperlife thrueducation.com/post/worry-free

July 30, 2021

Comments


bottom of page