top of page

PROBLEM APPROACHES



 


Kapag binabayo ka ng problema, tandaan na minsan ang pinakamadaling paraan na magagawa natin ay magpokus sa problema, ngunit hindi natin alam na lalo lamang palang dumarami ang ating problema. Bakit hindi na lang magpokus sa oportunidad na ibinibigay ng problema? Ganyan daw mag-isip ang mga nagtatagumpay na tao sa buhay; kada may problema sila ay iniisip nila kung ano ang pakinabang na mapapala nila sa problema. Wala itong iniwan sa utak ng mga naging imbentor. Inaalam nila ang punto ng problema at iniisip kung paano magkakapera sa gagawin nilang imbensyon. Para sa kanila “Neccessity is the mother of invention.” Kumbaga, nakakaimbento ang tao dahil sa pangangailangan dulot ng problema. Creative and resourceful, hindi ba?


 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407



 
PROBLEM APPROACHES...

At hindi nga ba pagkatapos ng bawat bagyo ay sumisikat ang araw? Kumbaga, nakikiraan lamang ang lahat ng bagyo, padaanin mo at palipasin nang maayos dahil kapalit nito ay kaligayahang hindi matutumbasan – sisikat din ang araw na ang dala ay liwanag ng pag-asa! Huh! Kaya siguro ang weather bureau natin ay tinawag na PAG-ASA for positive thinking! Hindi naman kasi solusyon ang magpakalungkot o magsentimyento-de-asukal kapag may problema. Bibigat lamang lalo ang kalooban natin, hindi tayo makapag-iisip ng maayos at lalo pang darami ang iyong problema. Ang mahirap ay kapag nagkasakit pa tayo. Ang pinapayo sa atin ng maalam sa buhay “Solve the problem or leave the problem, but don’t live with the problem.” Kalimitan sa atin ay sinasabing iwan ang problema sa bahay, huwag dalhin sa iskuwelahan o sa trabaho o sa labas para walang ibang kaaway dahil mainit ang ulo natin. Kapag ganito, hindi na nga lalaki ang problema dahil iniwasan na antin!

Pagkaminsan din naman ang solusyon sa problema ay huwag sumali dito. Ang dami kasi sa atin mahilig makisawsaw sa problema ng may problema. Simpleng rule, huwag problemahin ang hindi natin problema para tahimik. Ngunit, kung tatakbuhan naman ang problema ay lalolamang pinalalayo ang agwat ng problema at ang posibleng magagawang solusyon. Mainam na solbin ang problema nang ini-enjoy lang at huwag masyadong seryoso, nakakabigat sa puso baka atakihin ka ni “corazon” (cora is puso). Kailangan lamang maging malikhain para malaman ang gagawing kalunasan. Nasa tamang pag-iisip lamang ang pamamaraan. Kung tutuusin wla naman talagang problema, ang problema ay nasa iniisip natin saka ano ang nagiging reaksyon natin dito. Madalas sinasabi nating paulit-ulit ang ating problema na naging gawi na natin, bakit hindi na lamang ang magagandang bagay hinggil sa problema ang sabihin natin sa ating sarili bilang pantakip sa kalungkutang dulot ng problema gaya nang “Natural lang ang problema sa buhay, tinuturuan akong maging mahusay.” Sa totoo lang, kapag puro tayo problema ay iiwasan tayo ng ibang tao dahil puro tayo problema.


 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 63949970474



 
PROBLEM APPROACHES...

Kailangan maging matiyaga tayo dahil wala naman talagang problema na walang solusyon. Totoo ang sinasabing “In God’s time, andoon ang tamang pagkakataon.” Pero hindi naman ibig sabihin nito ay tutungangaan lang natin ang problema. Isip at kilos din kahit papaano. Minsan kasi may oras na hindi natin inaasahan na makakaisip tayo ng paraan kung paano mareresolba ang ating problema. Hindi nga ba may pagkakataong kung kailan tayo naliligo saka sasagi sa isip natin ang paraan? Lahat ng problema, kung bibigyan natin ng tamang panahon at espasyo ay mapapawi rin, minsan nga hindi nating inaasahang wala na palang problema namomoroblema pa tayo! Hinga lamang nang malalim, isiping malakas ka para harapin ang hamon ng problema sinusuong. Maging matalino sa paghahanap ng lunas at isiping may kakayahan kang magawa ang dapat gawin para solb ang problema.


Talagang ang problema ay hindi naman problema, ang nagpapalala sa problema ay ang sobra-sobra kung ito ay isipin parati. Hayaan mo na lang kaya muna? Ngunit kung ibig mong resolbahin, alamin ang ugat ng pinagmumulan ng problema. Huwag ang sanga-sanga para kita mo kung saan punto ka dapat magpokus. Pagkaminsan ay hindi natin alam na ang malulunasanan ang problema kung pag-uusapan natin ng tapatan sa puso sa halip na pag-usapan ang bawat isa sa atin o magpuna nang magpuna sa mali ng bawat isa. Ego or pride ang umiiral sa taong hindi matapos-tapos ang problema. Feeling magaling kasi at hindi nagkakamali. Karaniwa pa sa ating problema ay dahil sa gumagawa tayo ng bagay-bagay nang hindi muna nating pinag-iisipan ang ibubunga o kaya ay iniisip natin agad pero hindi naman tayo kumikilos ng dapat nating gawin.


 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741



 
PROBLEM APPROACHES...

Ang tunay na kaligayahan ay hindi kung wala tayong pinapasang problema kundi kung paano natin ito dinadala. Ang isa pang katotohanan ay bahagi na ng buhay ng tao ang problema, kung walang problema, walang kabuhay-buhay ang tao dahil walang nababago! Hindi natin mareresolba ang anumang problema nang puwersahan gamit ang galit, kundi sa pamamagitan ng pagmamahal, pagiging mahinahon at mabuti. Mahirap gawin ngunit kung isasaloob ay makikita ang magandang bunga. Samantala kaya may mga problemang hindi na nareresolba ay lumalaki at dumarami pa … ang dahilan ay ayaw nating makinig, at kung nakikinig naman tayo ay may katwiran agad tayo sa paniniwala natin. Eh, kadalasan ang taong puno ng problema ay parang nasa loob ng banga na walan gmakita kundi ang kadiliman sa paligid niya, Iangat mo ang iyong ulo sa banga, makikita mo ang liwanag na pagreresolba sa iyong problema. Makikita mo ang bagong bukang-liwayway ng buhay.


Huwag padadala sa problema, sa halip ang magabayan tayo sa ating pinamabuting layunin sa buhay. Wala naman perpektong buhay. Kahit sinong tao ay wala rin nito. Bawat isa sa aitn ay may kani-kaniyang problema, ngunit sadyang may mga taong maalam kung paano dadalahing perpekto ang problema kaya tinging wala silang problema. Kung tutuusin nga mas madali pang resolbahin ang malaking problema kaysa sa maliliit na problema dahil likaw lamang pala ang malaking problema na nag-uugat sa pagsasanga-sanga. Ibig sabihin kung tayo ang malaking problema at mareresolba natin ang ating sarili, solb na ang maraming problema dahil andoon lang sila sa ugat.


 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407

Kris Torres 639499704741



 
PROBLEM APPROACHES...

Sa sinasabi naman na “I do not fix problems, I fix thinking, the problems fix themselves.“ Kailangan din ng sandali ng katahimikan at samahan ng ngiti ang bigat ng problema. Dito maiiisip talaga na ikaw pala ang tunay na problema. At kung ikaw ang problema, ikaw din ang kalunasan ng pinorpoblema mo! Pinakakawawang tao ang walang iniisip kundi ang sarili nila ‘Yung problema lang nila inaaalala nila at ang kanilang pananaw sa kanilang problema, siste nito walang naaalis na problema. Alalahanin natin, hindi natin masosolusyunan ang anumang problema na katulad ng naisip natin ng nilikha natin ang gayung problema. Think … “Life is not a problem to solve, but a reality to be experienced.” Dito tayo matututo kung paano magiging mahusay sa problema at mawawala ang mga alalahanin.


May problema ka pa?

O baka ikaw na talaga ang problema?

Read, Share and Subscribe:

IN FACT, MATH-ALINO!

https://www.prosperlife thrueducation.com/post/problem-approaches

July 9, 2021


Comments


bottom of page