Karaniwan ay namamali tayo sa pamagat at sa nilalaman ng babasahin natin. Pagkaminsan kasi lalo na sa headline balita at maski na sa social media ay nilalagyan nila ng nakatatawag pansin na catchline para lamang basahin, ngunit kapag binasa natin ay biglang lilitaw ang hindi nating inaasahan sa nilalaman. Taliwas sa pamagat. Alalahanin natin, kaya tayo nagbabasa para sa tamang impormasyon ng kaalaman, na kung mamamali tayo ay mali na rin ang karunungang matututunan natin. Upang matutong mabuti basahin ng buo ang nilalaman ng babasahin.
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407
Kris Torres 639499704741
READ WELL...
Una sa lahat, hingin muna sa Diyos ang liwanag ng inyong isipan bilang gabay sa pagtuklas ng kaalaman at karunungan sa pagbabasa. May kilala akong isang dating estudyante ang lagi munang nagdarasal bago mag-aral. Iba siyang magdasal dahil para talagang nakikipag-usap kay Lord diretso at walang hiya-hiya. Ang tanging hiling niya sa kanyang dasal ay bigyan liwanag ang kanyang isipan at kalooban sa alinmang mangyayari at buksan ang kanyang puso sa pag-unawa nang may katatagan.
Nagbabasa nga ng horoscope ang iba sa atin para sa gabay sa buhay. At may mga nagpapabasa pa ng kapalaran gamit ang baraha para sa kapalaran lalo na kada sasapit ang bagong taon, ngunit nagbabasa ba tayo ng iba’t ibang aklat ng kaalaman at karunungan kung bakit ganito at ganyan ang ating buhay? Hindi lamang ang aklat ang dapat na binabasa, matuto rin tayong basahin ang nangyayari sa ating buhay. Kung mauunawaan natin ang nangyayari sa ating buhay, matututunan natin kung paano makakapamuhay ng maayos, mapayapa at masagana.
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
READ WELL...
Sa pagbabasa, kinakailangang maglaan ng takdang oras upang maging handa ang isipan, magkaroon ng pokus at maayos ang pagkikintal ng mga kaalaman sa utak nang maunawaan ito sa punto ng karunungang higit na kinakailangan. Sinasabing ng mga dalubhasa na mabisa ang pagbabasa pagkagising sa umaga o kaya pagkapahinga. Mayroon nnaman iba na ginagawa nila ito bago matulog bilang kanilang pahinga dahil nakadarama sila ng kakaibang kasiyahan sa kanilang natututunan lalo na kung inspirational ang binabasa. Ngunit, anuman ang oras ang nakaugalian natin at kahit na anong abala ugaliin nating magbasa kada araw.
Mahirap unawain ang binabasa kapag magulo ang isipan at kalooban. Kalma muna at siguraduhing tahimik, maayos ang paligid at walang anumang sagabal upang magkaroon ng konsentrasyon sa pagbabasa. Hindi sinasang-ayunan ang pagbabasa sa harap ng panonood ng telebisyon dahil ang isa nga sa mahalagang layunin ng pagbabasa ay pagkakaroon ng pokus o atensyon sa nilalaman ng binabasa upang lubos na maunawaan. Lalong hindi tama ang nagbabasa habang kumakain.
Sa mga estudyante, ang araw-araw na pagbabasa ng aralin ay mabisang kahandaan sa alinmang pagsusulit na kukunin. At iyong mga tapos naman na sa pag-aaral, nagtatrabaho o nasa bahay lamang ay kinakailangan din magbasa upang lagging may matututunang mahalaga sa buhay. Makakaiwas na tayo sa karamdaman dulot ng pagka-ulyanin ay napapatalas pa natin ang ating isipan sa kaalaman, karunungan at pangangatwiran. Lalo na kung tungkol sa karanasan sa buhay ang laging binabasa.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 63949970474
READ WELL...
Kung hindi pa bihasa sa pagbabasa, hindi ito dapat madaliing matapos dahil nagsisimula pa lamang sa kasanayang ito bilang habit formation at proficiency o kahusayan sa pagbabasa. Ang mahalaga ay tumanim sa isipan ang nilalaman at ganap na maunawaan, makonekta sa iba pang kaalaman lalo na sa sarili man o iba’t ibang karanasan ng tao sa buhay. Sa pamamagitan ng mga ito ay masusuring mabuti ang mga kaalamang inilalahad bago maituring na tama at mahusay. Kumbaga, “Stop, Look, and Listen to the Ideas” kada sandali ng pagbabasa. Higit na mabisa ito kung isusulat sa isang notebook na laan para dito. Pansinin ninyo, may mga taong laging opinyon lamang ang kanilang katwiran, ngunit walang sapat na kaalaman at karunungang susuporta sa mga problema at desisyon sa buhay.
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
READ WELL...
Gayunman, huwag ding kalimutang lagyan ng marka ang mahahalagang kaisipan (kaya may gumagamit ng pang-highlight) para sa nararapat na pagtuunan ng pansin saka isusulat ang reaksiyon o karagdagang kaalaman sa notebook para sa pagpapatibay ng ng kaalaman sa pamamagitan ng pananaliksik sa kaugnay na paksa. Pagkatapos naman magbasa ay magkaroon ng reflective thinking o pagmumuni-muni sa kaugnayan nito sa sariling karanasan o karanasan ng iba na nalalaman. Makabubuti sa kahusayan ng pang-unawa ang pagbibigay kahulugan nito sa pamamagitan ng ugnayan ng kaalamang matututuhan batay sa karanasan. Siguraduhin din sa sarili na maisasabuhay ang natututuhan sa pang-araw-araw na buhay ng pag-aaral at karanasan upang masubukan ang bisa ng natutunang kaalaman at karunungan.
Sir Bogir Torres
Mobile number: 09272450838
READ WELL...
Tandaan, nawawalan ng silbi ang pinag-aralan kundi magagamit sa buhay dahil ang sabi nga sa Kolb’s Learning Model “Application is the end and the beginning of experiential learning.” Walang silbi ang pinag-aaralan kung hindi magagamit ng tama sa buhay. Samantala, kalimitan ay nalilito tayo sa mga salitang parang magkapareho tulad halimbawa ng sympathy and empathy dahil halos may pagkakatulad sa salita. Sang-ayon sa brainly.ph, ang empathy o empatiya ay abilidad na makibahagi, makaunawa, at madama ang kalooban ng ibang tao, samantalang ang sympathy ay pakikiramay sa isang taong malungkot o nagdadalamhati. Ang kalituhang ito ay hindi nalalayo sa sinabi ng kakilala kong si Edward na kung hindi ako makaka-attend sa binyagan ng kapatid niya ay puwede naman akong pa-xerox, sa halip na proxy. Sayang daw kasi dahil sa Baguio Fiesta gaganapin ang handaan, sa halip na Barrio Fiesta.
Read, Share and Subscribe:
IN FACT, MATH-ALINO!
https://www.prosperlife thrueducation.com/post/worry-free
August 2, 2021.
Comments