Yes, its true na kailangan natin makinig, ngunit hindi lahat ay ating dapat dinggin. Kung mayroon mang bulong na ating pakikinggan, ito ang kutob na hindi maaaring magsinungaling. Kaya sinasabing making tayo ng tatlong ulit, mag-isip ng dalawang beses, at magsalita ng minsan lamang. “Listeningis is the loudest form of kindness and the most sincere form of respect.” Sang-ayon kay L.J. Isham, “Ang pakikinig ay ugaling nakapaloob sa puso, isang pagnanais na makiisa upang mapaghilom ang alinmang hindi pagkakaunawaan.” Kaya nga kapag may hindi pagkakaunawaan ay dapat mag-usap nang maayos. Sa kabilang banda, sa obserbasyon naman ni Stephen R. Covey ay sinasabi niyang, “Most people do not listen with the intent to understand; they listen with the intent to reply.” Kumbaga, wala pang sinasabi ang magsasalita, ready na ang kontra at depensa kaya lalong hindi nagkakaunawaan. Ang mahalaga ang pagpapakumbaba.
For more information, please contact:
Mary Joy Torres Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
Dear Wives/Husbands,
Life Insurance is NOT an EXPENSE. Help your husband/wife make a better decision.
Be an #InsuredMister and #InsuredMisis now. It's one of the best gifts for your family.
Lalo na this time of pandemic, kelangan ng enough protection. Health is wealth! Invest in your health, more than anything.
I can help you set up your insurance policy. Let's meet online!
ctto
Ang katwiran ni Urjit Patel ng India, “An owl is traditionally a symbol of wisdom, so we are neither doves nor hawks but owls, and we are vigilant when others are resting.“ Angdahilan - kahit na gabi na at ang lahat ay nahihimbing sa pagkakatulog, ang kuwago ay gising pa at naghihintay sa mga kaganapan ng pangyayari sa paligid niya. Samantala, dito rin masasalamin ang kakaibang ugali ng kuwago. Eh, anong ibon nga ba ang unang napatay sa gubat - ang nakakita o nagsalita?” Masasagot ninyo ito ng tama kapag nabasa ninyo ang kuwentong ito:
Ang isang matalinong kuwago ay dumapo sa sanga ng isang puno. Bagama’t malaki ang kanyang mga mata at nakita niya ang pulu-pulutong tong ng mangangaso ng hayop sa gubat, hindi siya masyadong nagsasalita. Mas marami ang kaniyang nakikita sa nangyayari, mas kaunti ang kaniyang sasabihin, kaya marahil maikli ang kaniyang tuka.Ganunman, mas kaunti ang kaniyang sasabihin, mas marami siyang napapakinggan sa usapan, at dahil mas marami siyang napapakinggan sa usapan, marami siyang natututunan. Lingid sa kaalaman ng marami, ito ang dahilan kung bakit nananatili ang kuwago na ligtas sa kaniyang tahanan sa gubat hindi tulad ng ibang ibon na agad napurupuhan ng mangangaso.
See …?
Ang kuwago ay hindi gag – ‘O’ sa buhay!
Paano mo tutularan ang kuwago upang maging maalam ka at hindi mapapahamak sa iyong buhay? Ang paliwanag ni Samuel Smiles: “Practical wisdom is only be learned in the school of experience. Precepts and instruction are useful so far as they go, but, without the discipline of real life, they remain of the nature of theory only.” Ang matha-alinong ugali ng tao, nagmamasid … nakikinig … nag-iisip at nagtatanong kung hindi alam. Hindi siya basta nagbibitiw ng salita, sampung ulit niya munang pag-iisipan bago inhale at exhale para bumuwelo.
Pansin ko sa mga kalaseng aking nahawakan noon, lalo na sa magagaling na seksyon, kalimitan ang pinakamath-alino ay tahimik lamang na nakikinig sa turo. Ngunit, kapag mahirap na ang tanong saka lamang sila magsasalita para ibahagi ang kasagutan. Namamamangha pa ako sa pambihirang katwiran gaya nang itanong ko kung bakit hindi saktong nasukat ni Erastosthenes ang sukat ng daigdig. Kinaya niyang ipaliwanag sa math gamit ang sitwasyon sa pag-aaral at kasalukuyang pagbabago ng kalagayan sa sukat ng daigdig gamit ang nalalaman sa science o agham.
Hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam sa nangyari sa kanyang buhay, ngunit alam kong gugulatin niya ang marami sa nangyaring tagumpay sa kanyang buhay pagdating ng araw. Lubhang tahimik kasi siya talaga at malihim na mahirap mawari. Marahil naniniwlaa siya, na may mga bagay daw na hindi natin dapat sinasabi kahit kanino na kailangan ninyong pag-isipan kung bakit. Ang iba palagay ko ay alam na ninyo ang dahilan. Kabilang dito ay ang tungkol sa pera, kung sino ang ating special love at ano ang plano sa buhay. Ang sabi ng iba, takot na maindulto o hindi magkaroon ng kaganapan. Kaya, wait and see na lang muna sa mangyayaring pagsisikap.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
Paalala ko lamang ang sinabi ni Eleanor Roosevelt, “Great minds discuss ideas, average minds discuss events, small minds discuss people.” Ikaw, kapag nakikipag-usap, ano ang dini-discuss mo? Malamang kasi ganoon din ang paboritong usapan ng friendships mo, at siyempre pare-pareho ang utak ninyo. Mangyari, sa pagtataya sa nabasa kong lathalain, ang utak daw natin ay average ng pinagsama-samang utak ng limang taong malapit sa atin. Totoo kaya ito? Aber, alamin mo nga ang utak ng mga nakakausap mo nang malaman mo! Pero kung tutuusin, wala naman problema kung ano ang pag-uusapan, basta makatutulong ito sa pagkakamit ng karunungan at hindi tsismisan lamang.
Naisip ko sa katanungang, “Anong hayop ba sa gubat ang unang napapatay?” na idugtong ito sa mga obserbasyon ko sa pagtuturo. Kung sino iyong palasagot sa klase ay siyang nakukulelat sa iskor sa iksam. Kung sino ang kuntodo malaki ay siyang wala naman. Ang bibo sa pananalita na paulit-ulit ang sinasabi tungkol sa sarili ay hindi naman pala totoo. Ang matindi nilang kalaban, ang tahimik at pangiti-ngiti lamang. Nagugulat na lamang ang marami sa kanilang tagumpay na sa bandang huli lamang malalaman, at sa ibang tao pa!
"Bakit ka gagastos sa kuryente ng mahal kung may solar Christmas lights naman?"
Php 400.00 only, 100 bulbs, available in gold, blue, green colors,
send your order to Kris – 639499704741.
Sa kabilang banda, hindi naman lahat ng bagay ay pinakikinggan. Mga bagay na dapat pinapakinggan ay ang payo ng mga magulang at matatanda. Ang sabi nga mas alam nila ang buhay dahil naranasan na nila iyon. Pakinggan din ang sinasabi sa iyong binabasa na mahalaga at hindi naman ikasasama. Ang suhestiyon nga dito, Don’t just consume this content and then go on with your life as if nothing has read. Put this knowledge into action and become smarter than ever! Kumbaga sa sa science, laboratory of learning ang buhay. Puwedeng mag-eksperiment para lalong maunawaan at masakto sa karunungan. Alam mo naman ang scientific method na dapat sundin: identify the problem, formulate hypothesis o palagay sa problema, tentative o pansamantalang solusyon saka ang paglalahat o generalization. Kung hindi mo pa rin nakuha ang tamang kaalaman na inaasahan, baguhin ang pamamaraan hanggang sa makamit ang tunay na karunungan.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Sa aking aklat na I Am My Am-Vision, pinakikinggan ni Emerald ang ‘ika niya sinabi ng kanyang dating guro - Ang Tatlong Bulong ng My Guardian Angel” na: 1. Ano ka sa mundong ito?; 2. Ano ang gusto mong mangyari sa buhay? at; Ano ang ginagawa mo sa buhay mo ngayon? Ang mahusay na guro, may natatandaan ang kanyang estudyante sa kanyang itinuro tungkol sa buhay gaya ng sinabi ko kapag nagtatakip-silim, agaw dilim at liwanag (twilight) dapat buksan ang ilaw at huwag magbabasa ng kahit ano. Kaya sinasabi ng matatanda na lalabo ang ating mga mata, ay dahil nagpapalit ng lente na pang-umaga ang ating mata nang para sa gabi. Pansinin mo, nagdodoble tingin mo at nagpapatong ang mga letra. Bukod pa sa rito, iba ang emosyon ng tao kapag madilim – madaling mag-init ang ulo, kaya may kawikaan tayo sa pagdidilim ng paningin.
Read, Share and Subscribe.
Comments