top of page

IMPORTANT LESSONS



 

May mahalagang lesson sa buhay ang matututunan hindi lamang sa paaralan.

Karaniwan saka lamang natin nalalaman na dapat pala ay natutunan na natin ito bago pa nangyari.

 

Sa ating buhay, karaniwang tayo ay nagtatagumpay, ngunit minsan ay hindi pinapalad sa gusto nating mangyari. Tunay na ang pinakamahalagang lesson sa buhay ay matututunan sa karanasan bagama’t ang iba ay mula sa mga napapanood sa mga panoorin at sa nababasa sa mga iba’t-ibang uri ng babasahin. Gaano man ang natutunan natin sa mga mga ito ay iba pa rin ang matutunan natin sa tunay na buhay. Kaya naging sikat ang punchline na ‘lesson learned.’

 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407

Kris Torres 639499704741


 

Kapag lesson learned, ibig sabihin tandaan nating mabuti bilang panuntunan sa mga darating pang panahon nng pagsubok. Iwasan nang magkamali pang muli at magkaroon ng bagong pamamaraan. May iba-iba mang pakahulugan ang ‘lesson learned sa bawat grupo ng tao, ang mahalaga ay pagkatuto sa nakaraan karanasan. Huwag hanash nang hanash na experience is the best teacher pero hindi naman ginagawang aralin ang karanasang dapat matutunan.

 


Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 63949970474

 

From theoretical knowledge sa iskuwelahan at practical wisdom na natutunan sa karanasan sa buhay, ay mas nakahihigi dahil sadyang may mga bagay na hindi natin malalaman at mauunawaan hangga’t hindi natin nararanasan. Iba kasi ‘yung nasasaisip lang sa tunay na nangyayari. Kadalasan din ay may hindi tayo alam na bigla na lamang darating sa ating buhay - mga problema at pagsubok na hindi natin napaghandaan pero nagbibigay ito sa atin ng magandang aral. Mahalagang sa tuwing may mangyayari sa ating buhay ay lagi nating pag-iisipan ang paghahanda hindi kung kailan oras na nasa atin na. Alerto ito sa buhay gaya ng regular nap ag-iipon ng pera at pamumuhunan kahit pakonti-konti sa simula ay malaking tulong sa panahon ng kagipitang hindi inaasahan. Lesson learned sana ito sa marami nang magkaroon ng pandemya ng COVID-19.


 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407

Kris Torres 639499704741



 

Upang maging masaya at matagumpay sa ibig matamo sa buhay, marapat na magkaroon ng sariling ambisyon at plano sa buhay. Huwag hayaan na ang kagustuhan ng iba ang makapangyayari sa sariling mga desisyon at mga plano sa buhay. Magkaroon ng sariling bersiyon, hindi gaya-gaya o susunod na lang sa iba. Huwag din mag-alinlangan sa anumang gagawing hakbang sa buhay na pagsisikapan. Minsan ang pagkakataon ay hindi natin masasabi kung mauulit o darating pang muli, kaya dapat grab the opportunity right there and then na kahulugan ng carpe diem na kapag may nakitang oportunidad ay kumilos agad at huwag sayangin ang oras upang pagdating ng panahon ay wala tayong pagsisihan hindi natin nagawa o nakuha ang isang bagay na gusto nating makamit. Matuto rin tayo sa bawat karanasang ibinibigay sa atin ng buhay. Huwag puro sa aklat lamang ang pag-aaral. Higit nating mauunawaan ito sa aktuwal na karanasan. Isipin nating – ang mabubuting bagay ay hindi dumarating nang madali. Kailangan nating pagsikapan, sapagkat hindi lahat ng bagay ay suwertihan sa buhay o kapalaran. Baka kasi ikaw an gtaong kailangang pagsikapan ang lahat. Alalahanin natin, tayo mismo ang gumagawa ng ating kapalaran. Kaya naman nasa atin pa rin ang ikapagtatagumpay o ikalulugmok ng ating buhay. Huwag susuko sa anumang laban o pagsubok sa buhay hangga’t hindi nakakamit ang mithiin ibig na makamit. Ang nagtatagumpay ay hindi umaayaw. Simulan nang maaga ang pangangalaga sa kalusugan ng katawan, isipan at kalooban upang iwas sa karamdaman na magiging pabigat sa ating buhay at sa ating mga minamahal. Gawing mahalaga ang bawat sandali ng ating buhay sa mga pagsisikap at pagbibigay kasiyahan sa ating sarili upang pagdating ng panahon ay wala tayong pagsisihan. Huwag nating problemahin ang hindi naman natin problema at huwag din nating ipilit ang gusto natin na sundin ng iba na lilikha lang ng hindi pagkakaunawaan. Tantiyahin natin ang mga pagkakataon kinakailangang maganap ang ating adhikain sa buhay. Huwag gawing hinog sa pilit. Isipin nating – alinman ang gawin natin sa buhay ay may kapalit itong ganting-kapalaran.

 

Sir Bogie Torres

Mobile number: 09272450838



 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741



 

Alalahanin natin palagi ang mga nabanggit na aral sa buhay. Ang pagbabasa mo pa lamang nito ay ‘lesson learned’ na sa buhay. Ang sabi nga, “Take the pieces of advice as guidance, not as a rule. Our life is our own, and we know what is best for us. However, keep in mind that morning is wiser than evening.


Read, Share and Subscribe:

IN FACT, MATH-ALINO!





Comments


bottom of page