May isang kuwento: Sa isang klase ay tinanong ng guro kung kailan na-discover ni Magellan ang Pilipinas. Ang sabi ng estudyante, “Hindi si Magellan ang naka-discover sa Pilipinas dahil bago pa man makarating siya sa ating bansa ay marami na ang nakapunta rito. Hindi nga lamang na-record para sa history. Aniya pa ng estudyante ay re-discover ang nangyaring pagkakatuklas ni Magellan. Mangyari, sa English, ang prefix na ‘re’ means again kaya muling natuklasan sa tagalog.
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407
Kris Torres 639499704741
Napakunot-noo si titser. Sumagot ang isang estudyante na “Magellan discover the Philippines in March 16, 1521.” Kinorek ni teacher si estudyante. “Discovered not discover – past tense!” Sumabat ang naunang estudyante na hindi March 16, 1521 na rediscovered ang Pilipinas kundi noong March 17, 1521. Napataas ang boses ni titser, Sinong may sabi sa iyo niyan? Saan libro ni Mahoma mo nabasa ang pinagsasabi mo. Thirty years na akong nagtuturo, kahit nakapikit ako, kabisado ko na ang Philippine History.” Katwiran ng estudyante, “Ma’m si Pigafetta na historyador ni Magellan ay nagkamali ng pagre-record. Hindi siya aware na natawid na pala nila ang International Date Line kaya dapat March, 17, 1521.”
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 63949970474
Dahil sa pakikipagtalo ng estudyante ay pinatawag siya sa Office of the Principal. Pinagpaliwanag siya hinggil sa pakikipagtalo sa guro. Sagot ng estudyante sa Principal, “Mam, history changes over time dahil may natutuklasang bagong kaalaman at naiwawasto ng dapat.” Comment ni principal, “Revisionism ba, eh, isang araw lang naman ang diprensiya, huwag mo nang problemahin pa!” Shock si student sa katwiran ni principal. Bakit nga ba niya poproblemahin kung ayaw nilang maniwala? Sapul noon, hindi na sumasagot sa klase si estudyante, basta nakikinig na lamang siya sa sinasabi ni titser, pero nag-aaral siya ng sarili niya.
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407
Kris Torres 639499704741
Learning is essential to our existence. Mahalaga ang pagkatuto sa ating buhay. Tulad sa pagkain na nagpapalusog ng ating katawan. Ang wastong kaalaman ay nagpapalusog naman ng ating isipan. Ngunit, paano nga ba kung mali naman ang natututunan at hindi naiwawasto? Mangyari, kaya sinasabing kung nagbabasa ka nga, ngunit hindi mo pinag-iisipan ang binabasa mo ay mabuti pang huwag ka nang magbasa. Please take note: Mahalaga ang international date line sa pagtatakda ng petsa sa pagtawid sa linyang ito na na naghahati sa mundo sa dalawang bahagi nito sa East (Silangan) and West (Kanluran).
Ano ba yung sinasabing lifelong learning?
Ito yung pagkatuto sa mahahalagang bagay na dadalhin nating karunungan habang tayo ay nabubuhay at magagamit natin ang kapakinabangan nito. Kaya naman sa kasalukuyang, ang continuous learning o patuloy na pag-aaral ay mahalagang bahagi sa paglinang ng critical thinking o matalas na isipan. Kung hindi naunawaan ng estudyante sa kuwento ang tungkol sa International Dateline ay hindi niya masasabing Philippines was rediscovered by Magellan in March, 17, 1521. Angmabuhay sa kasalukuyan ng hindi patuloy na nagbabasa o nag-aaral ay napakahirap isipin kung paanong uusad ang buhay ng maganda at kahanga-hanga satalino. Remember, “The only thing constant is change and one of the most effective ways of dealing with change is lifelong learning.” Patuloy na nagbabago at nadaragdagan ang kaalaman kaya dapat lamang na patuloy tayong nagbabasa at nag-aaral ng tungkol sa buhay.
Sir Bogie Torres
Mobile number: 09272450838
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Hindi komo guro na tayo o estudyanteng tapos na ng pag-aaral sa hayskul man o sa kolehiyo ay hihinto na tayo sa pagbabasa at pag-aaral. Kailangan patuloy ang ating pag-aaral lalo na ng tungkol sa buhay upang alam natin ang gagawin natin sakaling magkaroon tayo ng problema at hindi natin alam kung paano pauunlarin ang ating buhay bilang paghahanda sa ating pagtanda. Sabi nga, Never stop LEARNING because life never stops TEACHING.
Read, Share and Subscribe:
IN FACT, MATH-ALINO!
Comentarios