top of page

MISSION AND VISION



 

Ano ang bisyon mo sa buhay,

kaugnay nito ano ang mission mo na ibig mong makamit kaugnay din ng layunin mo?


Simula pa lang ng klase, dapat maunawaan ng lahat na ang bisyon na ibig natin makinita sa darating na panahon ay ang pagsasakatuparan ng misyon kung saan naka-ugnay ang layunin sa pagkakamit nito kalakip ang core values na kailangan nating maisabuhay. Ang vision ay walang iniwan sa am-bisyon ibig nating makamit sa buhay, ngunit tulad sa hangarin ng isang misyonero, ito ay dapat na banal na hangarin para sa ikabubuti ng lahat. Upang maliwanag na maisagawa ito, tayo ay may susunding layunin taglay ang pagpapahalaga na makabubuti para ating sarili, sa ating paaralan, sa ating komunidad, at sa pangkalahatan para sa bayan.

 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407

Kris Torres 639499704741


 

Mula sa institutional vision tulad sa ating Kagawaran ng Edukasyon, nararapat na maging kaisa ito sa ating personal vision, mission, goal and core values na siyang magiging batayan ng ating buhay sa mundong ibabaw mula sa pagganap ng ating tungkulin hanggang sa pakikitungo sa ating kapwa na makakamit pa rin natin ang pangarap natin sa buhay, kung kaya’t sinasabing ang ambisyon ay I Am My Am-Vision. Tayo ang kabuuan ng pangarap natin sa buhay. Nasa isip, nasa puso at nasa pagsisikap natin ang ipagkakamit ng lahat ng ito. Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito ay dapat taglay natin ang mabuti at mapayapang kalooban.

 


Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 63949970474

 

Hindi sapat na basta mayroon tayong bisyon, misyon, layunin at pagpapahalaga, mahalagang sinusuri natin ang pagkakamit nito kada takdang panahon o ‘quarterly’ man lang ng ating buhay. Sa ganitong paraan ng pagsusuri ay makikita natin kung umuunlad ba at may magandang pagbabagong nagaganap sa ating buhay at panunungkulan. Ang sabi ni Helen Keller na isang social activist, “The only thing worse than being blind is having sight but no vision.“Nakakakita nga ang mata ngunit walang bisyon o ambisyon sa buhay. Wala itong iniwan sa naglalakbay tayo sa pansamantalang buhay na ito, ngunit walang taglay na liwanag sa paroroonan. Kaya nananatiling walang pagbabago sa buhay, kung mayroon man ay hindi nakabubuti sa atin at sa ating kapwa at pamayanan, sapagkat labag sa panunutunan ng kabutihang asal. Ang winika ni Seneca na malaon ng pilosopo sa buhay ay “There is no favorable wind for the sailor who doesn’t know where to go.” Bagyuhin man ng katakut-takot na pagsubok ang ating buhay, kung maliwanag ang ating bisyon kasama na ang misyon, mananatiling matatag tayo sa paglalakbay natin sa mundong ibabaw taglay ang kabutihan ng isip at kalooban.


 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407

Kris Torres 639499704741



 

Sakaling mayroon tayong malinaw na bisyon sa buhay, magiging madali para sa atin ang gumawa ng mga desisyon, gagabayan tayo nito sa tamang direksyon, mas mababatid natin ang ‘long-term and short-term goals’ natin, magsisilbi itong motibasyon lalo na sa mga panahon ng mga pagsubok at hamon sa buhay. Higit sa lahat, makatutulong ito sa pagbabalanse natin sa mahahalagang desisiyon. Karaniwan sa atin ay nasa isip lang nila ang kanilang bisyon sa buhay at hindi nasusulat na mabuti na kumpleto sa misyon, layuin at pagpapahalaga, kaya hindi ganoon katibay sa pagsasakatuparan o ‘di kaya ay hindi umuusad dahil wala naman pagsusuring isinasagawa sa pagkakamit nito.

 

Sir Bogie Torres

Mobile number: 09272450838



 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741



 

May bisyon (ambisyon), misyon, layunin at pagpapahalaga ka bang gumagabay sa iyong buhay? Sinusuri mo ba ito kada takdang panahon kung naisasakatuparan mo nang maayos. Kada pagpasok ng bagong taon ng buhay ay nararapat na isulat natin ang gusto nating maging kapalaran sa buhay. Wala nang pinakamalungkot sa buhay ng isang tao ang lumisan siya sa mundong ibabaw na walang nakamit na mahalaga sa buhay. Ang payo ko sa inyong lahat, simulan itong isulat at pagsikapang matupad. Makikita ninyo kung gaano kaayos, mapayapa at matagumpay ang inyong magiging kapalaran sa paglipas ng mga araw. Mamyang pagkapahinga ninyo ay isulat ninyo ito nang buong talino at pagmamahal.


Read, Share and Subscribe:

IN FACT, MATH-ALINO!





Recent Posts

See All

Comments


bottom of page