May limang n “Qs” ang pagiging matalino.
Unawain ang IQ, EQ, AQ, SQ, at CQ sa buhay.
Karaniwan ang alam lamang ng marami sa atin ay ang panlibrong pagsosolusyon sa problema ngunit, ang isagawa ito sa tunay na buhay nang mahusay ay nakakaligtaan natin o hindi natin alam kung sa papaanong paraan isasagawa o gagamitin. Kulang nga raw kasi sa talino. Kaya rin daw paulit-ulit ang problema sa buhay, ay dahil hindi tama ang paraan at hakbang na ginagawa kung paano mareresolba ang mga hamon ng buhay na ang dulot ay kawing-kawing na problema. Ang totoo nito, ang mga kabiguang nangyayari sa atin ay bunga ng kawalan ng kaalaman o kakulangan sa Intelligence Quotient (IQ) o angking talino sa isip na hinuhubog sa mahusay na pag-aaral at karanasan sa buhay, sa Emotional Quotient (EQ) o matyuridad ng emosyon sa bawat sitwasyong kinakaharap na pagsubok sa araw-araw na pamumuhay bunga ng ‘immaturity,’ ng Spiritual Quotient (SQ) na may ispiritwal na paniniwala sa katalagahan ng lahat at hindi basta pananampalatayng panrelihiyon na hindi naman ganap palang nauunawaan, sa Adversity Quotient (AQ) o katatagan ng kalooban sa bawat pagsubok sa buhay dahil ‘mentally strong’ na ay ‘emotionally matured’ pa, at Cultural Quotient (CQ) o paggalang sa kultura na bahagi ang paniniwala at gawi ng tao sa lipunan pinagmulan nito.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Ang Rings of Human Being na ginamit kong logo sa blog na ito ay ang aking sariling pagtataya hinggil sa angking talino ng ating pagkatao na kailangan nating hubugin sa mabisang pag-aaral hindi lamang mula sa aklat kundi pati na sa mga karanasan. Sakaling mahuhubog ang iba’t ibang aspetong ito ng talino ng tao sa pagbabasa at pagsang-alang-alang ng mga karanasan kung paano matututo sa mga nakaraang pagkakamali, ay madali nang magabayan ang matyuridad ng emosyon o damdamin na siyang bibigyan karagdagang kapanatagan ng diwa ng ispiritwal na pananampalataya upang higit na maging matatag ang kalooban na lubhang mahalaga sa sandali ng mga pagsubok sa ating pamumuhay, at dito rin mamumulat ang pagpapahalaga sa kultura ng ibang tao kung saan magkakaroon ng paggalang ang bawat isa.
For more information, please contact:
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
Ang bente mo barya na ngayon.
Inflation
Aren't you afraid? 5-10yrs from now baka ang 100 pesos, coins na lang din..
Yung value ng pera pababa ng pababa, ang gastusin pataas ng pataas! Kaya this is the right time to do more in your 2021! Because you deserve even more!
Start this year by investing with PROTECTION
Invest it wisely.
ASK ME HOW!
Hinuhubog ang mga pananiwala sa karunungang nagmumula sa mga kaalamang napag-aaralan sa pagbabasa o pag-aaral. Kaya nga pinakamahusay na guro ang karanasan kung atin lamang pag-aaralan ang kanyang mga aral dahil ito ay awtentikong karunungan. Take note, sa salitang pag-aaral ay pinakamahalaga ang salitang aral!Ipinahihiwatig ng salitang ‘aral” ang natutunang kaalaman sa binabasa at karanasan. Samantala, bilang angkop na paglalarawan sa ‘multiple-intelligences’ ng pagpapakatao: ang IQ (bright mind) ay ang matalino sa kaalaman, kasanayan at karunungan; ang EQ ng tao ay tumutukoy naman sa ‘emotional maturity’ na, kayang i-handle ng tao nang tama ang anumang makaliligalig sa kaniyang damdamin kaya puwedeng sabihing ‘stress-free’ ang matured na tao; hindi naman limitado ang SQ o ispirituality sa pananampalataya, bagkus higit pa ito sa pag-unawa sa sarili at ang layuning ispiritwal sa buhay na dapat taglaying gabay sa buhay ninuman para sa pagpapakabuti, at ito ay sa tulong ng kanyang relihiyong kinaaaniban; ang AQ ay pagiging matatag sa mga suliranin o hamon sa buhay na dinaranas sa paghahangad ng sariling layunin bunga ng naisin sa buhay; samantala, ang CQ ay tamang pakikitungo sa tao, anumang lahi o estado mayroon ang mga ito, kumbaga, ‘people-oriented’ sa pakikipag-kapwa.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
Sa maikling paliwanag, ang taong matalino ay hindi lamang mahusay mag-isip, bagkus taglay niya rin ang kapanatagan ng loob, matatag na nahaharap nang tama at mabuti ang mga suliranin ng buhay, may ispirutuwal na paniniwala hinggil sa layunin ng tao sa buhay at kaya ding makitungo sa lahat ng uri ng tao ng walang anumang pagtatangi. Ang lahat ng ito ay hinuhubog ng karanasan sa matalinong pag-aaral at pagsasakatuparan. Aralin natin ang lahat ng bagay na ito sa blog ng tunay na matalino sa buhay. Alalahanin nating ang buhay ay patuloy na pag-aaral para magtagumpay. Ang lahat ng talinong ito ay magkaka-ugnay na magiging sanhi at epekto ng pagbabago tungo sa tunay na pagpapakatao basta’t unawain natin sa ating mga pag-aaral na, “Education is not just for living, education is better if it is for life.” Ang layunin natin upang mag-aral ay hindi lamang basta mabuhay kundi maayos na makapamuhay na tayo ay maging malusog, maligaya, mapayapa at masagana.
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Sa pangkalahatan, ang tunay na matalino ay ismarte sa buhay. Ibig sabihin ay madiskarte, ngunit tama ang iniisip, niloloob at ginagawa sa buhay at may paggalang. Suriin sa inyong sarili ang taglay ninyong talino at isulat upang mapag-isipang mabuti kung tama at mabuti, upang sa ganoon ay maiayos sa nararapat na mangyari. Mahalagang kilala natin ang ating sarili para sa pagpapaunlad ng ating pagkatao. Huwag dadayain ang sarili sa totoong bagay at pangyayari sa buhay para sa maayos nating paglalakbay sa mundo ng buhay. Kung mangyayari ito, ay maipagmamalaki ninyo na hindi lamang kayo naging matalino sa kaalaman ng paaralan, bagkus higit lalo sa buhay. Ikaw, ano ang “Q” ng talino mo?
Read, Share, and Subscribe.
Comments