top of page

APPLE STORIES














 

“The World Is An Apple,”

ang sabi sa award-winning story sa Palanca ni Alberto S. Tolentino.


Hindi ko maubos maisip sa mga kuwentong pantasya at pakikipagsapalaran ay kung bakit lagi na lamang sangkot palagi ang wala naman isip na mansanas. Halimbawa ng isyu at kuwento nito ay alam na natin noong bata pa tayo na nakatulog si Snowhite dahil sa mansanas na ibinigay ng mainggiting bruha sa kagandahan ni Snowhite. Hindi na sana magigising si Snowhite kung hindi dahil sa napakamakapangyarihang kiss ni Prince Charming na naligaw mag-isa sa kagubatan. Ikaw, anong mahalagang kuwento ng mansanas ang puwede mong idugtong dito? May alam ka bang kuwentong maaari mong i-share? Minsan kasi sabi ni Dave Snowded “We only know what we know when we need to know it.” Pero iba pa rin ang advance nang may alam gaya ng mababasa sa blog na ito.

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407


Dear Wives/Husbands,

Life Insurance is NOT an EXPENSE. Help your husband/wife make a better decision.

Be an #InsuredMister and #InsuredMisis now. It's one of the best gifts for your family.

Lalo na this time of pandemic, kelangan ng enough protection. Health is wealth! Invest in your health, more than anything.

I can help you set up your insurance policy. Let's meet online!

ctto

 

Nagkaroon naman ng digmaan sa kuwento ng Iliad ni Homer dahil din sa mansanas at may sequel story pa sa Odyssey. Take note, golden apple ang inihagis ng isang bukod-tanging diyosa na hindi naimbitahan. May nakasulat sa manzana na - “To the Most Beautiful.” Kaya naman ang tatlong diyosang makapangyarihan ay nag-agawan para masabing sila ang pinakamaganda! At siyempre pa, ang nanalo sa paligsahan ay ang diyosa ng kagandahan na na si Aphrodite na nangako naman ng pinakamagandang babae para sa nag-iisang hurado para manalo siya. Ang siste, ‘komo diyosa at hindi puwedeng mapangasawa ang lalaking hurado, inihandog niya si Helen of Troy, ang sinasabing ang mukhang naglunsad ng sanlibong barko para sa digmaan dahil sa umaapaw na kagandahan. Apple of the eye kasi siya ng mga kalalakihan sa kuwentong mitolohiya. Hindi ba, ganito din katukso ang mansanas sa kuwento ni Eba at Adan. Kaya yata sa promo ng Apple Computer ay may kagat ang mansanas para makatakam. Kakaibang marketing strategy ng promo nila!

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741

 

Take note sa isang lungsod ng US (para sa akin hindi lang United States ang ibig sabihin puwede ring Uncle Sam) na New York ay Big Apple pa ang nickname nito. Dahil sa bawat kalye raw nito ay may tanim na puno ng mansananas na hindi naman kalakihan ang bunga para sabihing big talaga! Totoo kaya ito? O baka ginamit lamang ito para sa promotional campaign ng nasabing lungsod. Walang national fruit ang United States of America, pero bawat estado nila ay may kani-kaniyang itinuturing na national fruit – ang sa New York nga ay apple nga!

 

Ano ba ang mortal na kasalanan ng mansanas sa mundo?


Natanong ko ito dahil kahit sa bibliya ay mansanas ang ugat ng kasalanan ng tao na naging dahilan kung bakit kailangan pang isilang si Kristo at tubusin ang sangkatauhan sa kasalanan dulot ng mansanas na ang bunga ay isang malaking tukso. Samantala, kung Paskong Araw ng Pagsilang ni Kristo ay paboritong handang prutas ng mga tao sa buong mundo ang mansanas. Kahit nga sa kuwento ng Unang Baboy sa Langit ni Rene O. Villanueva ay nahatulan ng kamatayan ang isang baboy sa sobrang kalinisan at pinasakan pa ng apple sa bunganga. Ma-took nga naman nila, hindi dapat silang magmalinis dahil baboy sila. Pero, bilang ganti sa magandang ugali ng kalinisan ng baboy ay nilagyan naman ng ito ng isang pulang mansanas sa nakangangang bunganga noong nilitson. Bakit nga kaya? Para kaya magandang tingnan? Pero kawawa naman si pig hanggang kamatayan ginawang apple of the eye din ng mga tao para lantakan siya.

 

Siyemre kung math-alino ka, alam mo ang saktong katwiran sa agham ng karunungan kung bakit may nakasalpak na mansanas sa bunganga ng nilitson na baboy. Ayon sa nabasa kong paliwanag, sadya talagang inilalalagay ang mansanas sa bunganga ng litsong baboy upang mapanatili itong nakanganga at hindi mapanis ang loob nito na maaaring mangyari dahil sa init.Ang mansanas kasi ay may sapat na tigas upang panatilihin ang litson sa pagkakanganga. Ang pagpapanganga ng litson ay paraan upang hindi manatili sa loob ang init nito dahil mapapanis.

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741

 

Tama nga yata ang sinabi sa English-Filipino Literature na The World Is An Apple ni Alberto S. Tolentino na dahil din sa isang mansanas na ninakaw ng isang ama para sa kaniyang anak na may sakit dahil ayaw ng green apple na binili para rito na mura at ang gusto pala ay red apple na mahal ay naparusahan ang kawawang tatay. Ewan para sa iba kung mabigat na kasalanan ang pagnanakaw ng mansanas ng isang mahirap. Teka, may pagkakaiba ba ang mansanas bukod sa kulay o dahil lang yata nakasanayan natin red ang kulay ng apple kaya gusto natin?

 

Batay sa sinasabi sa google, ito ang paliwanag: “The only major difference between the red apple and green apple is the presence of Vitamin A na halos doble sa green apple kumpara sa red apple. Sa kabilang banda (flipside), mas mataas naman ang antioxidant ng red apple kaysa sa green apple.” Pero, bakit naman kaya sa larangan ng pagbabasa ay unang-unang itinuturo sa atin ang A is apple. Puwede naman gawing atis dahil Filipino tayo at little brown brother lamang tayo ni Uncle Sam.” Ang paliwanag ng mga nationalists o makabayan ay pagkukundisyon ng utak kolonyal para tangkilikin natin ang produktong dayuhan kaysa sa sariling atin. Dahil dito, malala ang mental coloniality nating mga Filipino. Buti nga ngayon hindi na gaano. Nagkakaroon ng tayo ng kakaibang sariling pagkakakilanlan.

 

"Bakit ka gagastos sa kuryente ng mahal kung may solar Christmas lights naman?"

Php 400.00 only, 100 bulbs, available in gold, blue, green colors,

send your order to Kris – 639499704741.



 

Kawawa tayong Juan Dela Cruz _ JUANA talaga pati sa ekonomiya kung mansanas pa rin ang paborito sa atin ng marami. Kuntodo gastos tayo ng naipon nating dolya para lang maka-angkat nito. Siguro dahil sa paniniwalaang, “An apple a day keeps the doctor away.” Pero, meron namang “A babana a day keeps the doctor away.” Ngunit sadyang malakas talaga ang hatak ng mansanas kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompyuter, nauso ang tatak na Apple na may unang kagat! Ang paniniwala nina Coens at Samuel Beckett na naging mabisang gabay ko sa buhay at ginagawa ay: “We walk in the ways of righteousness if we know what is good for us.” Ang makabubuti lang para sa lahat ang dapat nating bigyan prayoridad sa mga gagawin sa buhay. Ngunit, siyempre, sariling atin pa rin ang pinakamahalaga.

 

Importante ang pagkokonek-konek ng nalalaman para higit pang maunawaan ang karunungan mula sa kaalamanang natutuhan. At sa pangyayaring ito, unawain ang katanungan o sitwasyong inilalahad sang-ayon sa konstekto upang sa ganoon ay wasto at madaling maitawid ang kaugnayan sa mga dating nalalaman na magpapatibay para ma-reinforce ang learning. Higit sa lahat ay magpapalago pa ng kabatiran natin hinggil sa paksa. At bilang pagpapahalaga, ang layunin ng blog na ito ay maipaunawa na ang mabuting pagbasa ng mga karanasan sa pagkatuto ay makatutulong sa paghahasa ng talino. Unawaing mabuti ang nilalaman ng binabasa at maisakatuparan ito para sa ganap na pagkatuto.


ENGAGE IN LEARNING.

READ, LIKE, SUBSCRIBE, and SHARE.

Comments


bottom of page