May puso sa karunungan …
A Deeper View on Intuition says ”The heart is the source of wisdom, higher intelligence and intuition.” Sa usaping physiological – relating to branchof biology that deals with the normal functions of living organism and their parts – Dictionary). Ang puso ang pinagmumulan ng lahat mula sa karunungan, pinakamataas na kaalaman at pandama.
Hindi nga lamang talaga ito batid na karunungan ng marami sa atin. Kala ninyo basta may kinalaman lamang sa … oh pag-ibig na makapangyarihan! Kaya iniisip na dudang kaalaman na malaman sa hindi ay hindi raw tiyak. Ngunit, ano’t anuman pa man ay mahalagang may matutunan tayo at makita natin iyon sa totoong pangyayari bilang bahagi ng karunungan. Take note, “We learn from experience and it is what we called wisdom!” Ito ang saktong paggamit ng kaalamang ating natutunan para ganap na maunawaan mula sa karanasan.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 63949970474
HEART OF WISDOM ...
May dunong ba ang puso gaya ng utak para tayo ay magmahal? Iba ang karunungan ng puso, sa isip at sa nadarama sa sarili at lalo na sa panloob na katauhan. Minsan ba ay tinangka natin sa ating sarili na hanapin ang talino ng ating puso upang gawing makapangyarihan sa ating buhay? O baka naman iniisip nga lang natin ito sa pag-ibig? Sino ang talo sa lagay na ito ng pag-ibig? Ang sabi, kung ano ang nasa ating puso ay siya nating magiging kaligayahan o kasawian sa buhay. Kumbaga, kung nais mong magpaka-martir ay ginusto mo iyon, ngunit naisip mo ba kung masaya o nakakatulong sa iyo? Naramdaman mo ba ang sakit o ligaya? Think …
Ano nga ba ang sinasabing ‘heart of wisdom’ o karunungan ng puso?
Ilagay nating halimbawa sa taong ibig mong mahalin, ngunit hindi ka naman pala kayang mahalin. At dahil dito, kapag nabigo ka sa inaasahan mong kapalit na pag-ibig ay nagkakaroon ka ng galit sa dibdib pati na sa iyong isipan. Sino bang may sabi sa iyong magmahal ka at mag-expect na mamahalin ka rin? Dapat sa umpisa pa lamang ay alam mo na sa sarili mo kung mahal ka niya dahil mahal mo siya! I believe, love is a two-way traffic para kapwa lumigaya ang mga puso at walang atake-de-corazon sa sama ng loob. Kung nagmahal ka sa kabila ng kapintasan at kakulangan ng minahal mo, dapat mahalin ka rin sa kakulangan at kapintasan mo. Kung nagmahal ka dahil sa yaman, dapat mahalin mo rin siya kahit walang anuman, hindi iyong aasa, hihingi ka at magde-demand kapag wala.
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
HEART OF WISDOM ...
Ang tanong na pamagat sa isang lumang pelikula ay “Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?” Ang iba kasi ay maghahanap ng pagmamahal sa iba kahit napakahirap matagpuan sa ‘crystal ball’ ng mga pekeng manghuhula na pinaniniwalaaan naman dahil hilo sa pag-ibig bunga ng labis na naisin magmahal at mahalin. Hindi nila natatanto na “True love does find you no matter where you are.” Kung matututo kang magmahal, ikaw rin naman ay mamahalin, kaya sa sarili natin unang matatagpuan ang pag-ibig, hindi sa hinahanap natin, at kung naniniwala ka sa estorikong karunungan na mahirap paniwalaan, marahil nga mayroong kaluluwang laan sa ating makatagpo at mahalin. Minsan nga sa panahon, lugar at pangyayaring hindi natin inaasahan. May kakilala ako, hinulaan na taga malayung-malayong lugar ang kanyang magiging kaisang dibdib. Hindi lumipas ang isang taon, ang napangasawa niya ay dingding lang ang pagitan ng kanilang higaan dahil magkadikit ang kanilang bahay. Naisip tuloy ng iba kung sa bulong ng mga puso sa mga butas ng dingding dinaan ang kanilang pag-ibig.
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407
Kris Torres 639499704741
HEART OF WISDOM ...
Ang ‘da best’ na nangyari, sila pa rin hanggang sa wakas ang nagmahalan. Hindi pumayag si lalaki na nang yumao si love niya ay hindi rin siya susunod agad. Kaya nga may sinasabing kabiyak ng puso. Ibig sabihin ay may kaparis talaga, at hanggang sa wakas ay may langit na tagpuan din. Pero sabi ng iba soul mate daw. Ganyan kagara ang tunay na pag-ibig, may dala-dalang misteryo at kabanalan sa dulo ng walang hanggan. Ang isa kasing problema ng mga bigo ay kung kailan nila mararanasan ang ‘mythical glory’ sa pag-ibig. Pero, hindi yata nauunawan ang kahulugan ng ‘mythical’ ay kathang-isip lamang, hindi totoo at hindi kailanman mangyayari. Kapag ganito kulang talaga sa kaalaman at pang-unawa ng heart of wisdom, kaya hindi maunawaan ang bagay na hindi alam! Eh, sa totoo lang talaga, ang ‘heart wisdom’ ay nasa puso mismo ng may katawan, mula sa uri ng pag-ibig nila kung totoo ba o hindi. Ibig sabihin, sa puso mismo nagmumula ang tunay na pag-ibig. Hindi sa ganda ng mukha at katawan na nakakaakit. Ibang usapan na iyon baka nasa ng katawan na dapat alamin kung umiibig na! Hindi rin iyon sa ginusto ng isip kundi sa nadarama ng puso.
Sir Bogir Torres
Mobile number: 09272450838
HEART OF WISDOM ...
Ang puso ang simboliko ng pag-ibig at pagmamahal. Mangyari, hindi lamang isang basta organ ang puso na nagpapadaloy ng dugo sa ating katawan na kundi mangyayari tayo ay mawawalan ng buhay. Nasa nadarama natin ang sulak ng dugo ng pag-ibig. Kung walang puso ng pagmamahal ay walang kabuhay-buhay ang pag-ibig. Malamang, hindi magtatagal at malalagot ang naunang inaakalang pag-ibig. Iba na ang madarama sa puso at isipan na posibleng ikawakas niya. Yes, nasasagap ng isipan ang nadarama ng puso. Kaya nga maraming nakamamanghang bagay sa puso na hindi lubos na nauunawaan ng marami sa angking talino nito sa pagmamahal na ninanais. Mangyari, kulang tayo sa pagbabasa at pag-aaral. Kadalasan ay kung kani-kanino lamang tayo umaasa ng kaaalaman gayung puwede naman nating gawin sa ating sariling pag-aaral. Pagkaminsan naman puro ‘fairytales’ lamang ng pag-ibig ang nababasa at napapanood, tuloy ngayon, napupuno ng pantasya ang pag-ibig kaya nauuwi sa kanilang matinding kasawian dahil hindi makatotohanan ang pinag-aralan. Masyado silang pinaniwala ng “ … and they live happily ever after.”
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
HEART OF WISDOM ...
Ilan ba ang maliwanag na nakakaunawa ng tunay na pag-ibig na kapag-umiibig ka ay nararamdaman mo, gayundin kung iniibig ka nararamdaman mo rin siya. Maliban na lamang kung dinadaya ang damdamin at iba ang inilalagay sa utak. Pagkatapos ay ikakatwiran pang hindi maunawaan sa sarili kung bakit may nagmamahal, hindi naman mahal. Katulad din ng hindi naman minamahal, pero nagmamahal. Biro ng isang kaibigan kong masayahing magmahal kahit sampung beses na yatang siya lang ang nagmamahal, hindi naman siya minahal ay “presyo lang naman ng bilihin ang araw-araw ang nagmamahal to the max.” Para sa inyo, ano nga ba ang heart of love at paano nagmamahal ang puso? Malinaw dapat ito sa inyong isipan at damdamin bago ka pa magmahal!
Read, Share and Subscribe:
IN FACT, MATH-ALINO!
https://www.prosperlife thrueducation.com/post/heart-of-wisdom
July 17, 2021
コメント