Sino ka ba?
Ano nga ba buong pagkatao mo?
Naalala ko ang kuwento ni Narcissus sa Greek mythology. Napakaganda niyang lalaki bilang prinsipe. Subalit sa likod ng kagandahang lalaki nito ay ang masamang ugali ng pagiging maramot at maka-sarili. Napatunayan ang ugali niayang ito noong may isang matandang pulubi ang humihingi sa kanya ng konting tulong ay pinagkaitan niya. Isinumpa ng matanda na iibig si Narcissus, ngunit kailanman ay hindi niya makakamit ang pag-ibig na iyon kahit kailan.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
BEGINNING OF ALL WISDOM...
Minsan ay naligaw sa gitna ng kagubatan si Narcissus. Sa labis na pagka-uhaw ay naghanap siya ng batis na maaaring mainom ang tubig. Nakakita naman siya. Labis niyang ikinahanga nang masdan sa malinaw na tubig ang kanyang kagandahang lalaki. Lalo na’t nakikita niya ang kasiyahan sa pagmamasid nito sa kanya. Paulit-ulit niyang minamasdan ang kanyang imahe sa napakalinaw na batis ng tubig. Tuwing aalisin niya ang pagmamasid ay nahihikayat siyang masdan mili ang kagandahang lalaki ng sarili niya. Na-inlab si Narcissus sa sarili niya. Hindi siya umalis sa batis hanggang sa mamatay siya. Pagkaraan ng maikling panahon ay may umusbong na halamang namumulaklak sa tabi ng batis. Ang sabi nila – iyon si Narcissus, ang lalaking umibig nang labis sa kanyang sarili. Umibig nga siya, ngunit hindi niya nakamit kailanman!
Ang “narcisstic” ay isang personality disorder. Sinasabing isang mental na kondisyon o pangkaisipan kung saan ang taong nagtataglay nito ay labis-labis ang pagpapahalaga sa sarili, masyado silang “attention-seeker”, gustong laging napupuri at walang empathy o pakikiramay sa kapwa. Nagdudulot ang ganitong ugali ng problema sa pakikitungo sa kapwa, sa trabaho at pananalapi. Totoong an gpinakambigat na pagsisinungaling na magagawa ng tao ay ang dayaoin ang kanyang sarili sa katotohanan. Feeling ng mga taong may ganitong disorder ay rich sila kahit poor pa sa daga! Feeling beautiful kahit na alam nilang kinapos sila sa ganda! Nuknukan din sila ng arte! And yet pakirmadam nila talaga ay lovable sila kahit buwisit na mga tao sa paligid nila! Napakasungit naman nila kapag sila ay hindi napapansin. Kuntodo maktol na dinadaan sa galit!
For more information, please contact:
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
ADVANTAGE OF INVESTING EARLY
Let me help you secure your future and your family for as low as P 1,500 / month.
Get insured online, no meet ups needed. Message me for more info
BEGINNING OF ALL WISDOM...
Ang sabi ni Aristotle “Knowing yourself is the beginning of all widom.” Isa ngang dakilang karunungan ang kilalaning mabuti ang sarili. Kung ang ibang tao ay inaalam mo at kinikilala, mas mahalagang ang sarili muna ang kilalanin bago ang ibang tao. Sino ka nga ba? Gaano mo kakilala ang iyong sarili – ang buo mong pagkatao? Ang paniniwala ng mga paham “The greatest knowledge that exists is the knowledge of self.” Mangyari, kung ibig mong paunlarin ang iyong kaalaman, unahin mong gugulan ng sapat na panahon ang pag-aaral sa iyong sarili dahil kung mayroon mang pinakamahalagang pakikipag-relasyon, ito ay ang sa sarili. Kung hindi mo kilala ang iyong sarili, paano mo makikilala ang kabutihan ng ibang tao? Kaya walang pasubali ang inaral ni Lao-Tzu na “Knowing others is intelligence; knowing yourself is true wisdom.” Mangyari na sa bawat araw ay kilalanin natin ang ating sarili mula sa mga magaganda at hindi magagandang karanasan na dapat nating matutunan sa araw-araw na buhay. Sa ganitong paraan ay maisusulong natin ang pagbabago sa ating sarili.
Karaniwan sa mga tao ay may ugaling “self-denial.” Hindi nila matanggap sa kanilang sarili kung anong mayroon sila at anong nangyaring talo sa kanilangbuhay. Lalo na iyong mga taong nagkaroon ng mga kabiguan sa buhay. Natutunan na nilang takasan ang katotohanan at mabuhay na lamang sa pagkukunwari. Kaya naman sila ay parating nabibigo at nasasaktan sa katotohanan. Kalimitan ay sinasabi kong mayroong salamin para may alam-in. Pagkaminsan ay uugaliin nating masdan mabuti ang ating sarili sa harap ng salamin. Kausapin ng totohanan upang malaman natin ang ating mga pagkukunwari. Maaaring tayong magising sa ating sarili para sa pagbabago kung magkakaroon ng “auto-suggestion” sa ating sarili na: “Ito ako, ito ang mga bagay na dapat kong baguhin sa sarili ko dahil ibig kong maging mabuti at maging maayos ang buhay ko.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407
Kris Torres 639499704741
BEGINNING OF ALL WISDOM...
Ang pagiging malusog ng ating isipan at pananaw sa ating sarili ay napakamahalagang respeto na ibibigay natin sa ating sarili. At marahil pa, pinakamabisang handog na maghahatid sa atin sa maligaya at kasiya-siyang pamumuhay sa paglipas ng panahon. Magiging mabisa lamang ang bagay na ito kung matututunan nating tanggapin ang ating sarili at huwag ihalintulad o ikaiinggit ang mayroon sa iba. Ang problema ay hindi ito ganito kadali dahil sa umiiral na “pride” sa sarili. Sila yung mga taong magsasabi nga ng problema o hinaing sa buhay, ngunit naroroon pa rin ang pagkukunwari sa tunay na kalagayan. Kaya naman kahit anong payo ang ibigay sa kanila ay sila pa rin ang nakapangyayari kahit alam nilang mali sila. Ang siste, dito na rin nagmumula ang paninisi nila sa ibang tao o kaya sa kapalaran sa nangyayaring kabiguan nila sa buhay.
Mahalagang sabihin natin sa ating sarili ang winika ni Rumi “Yesterday I was clever, so I wanted to change the world. Today I am wise, so I am changing myself.” Lubhang napakadaling isisi sa iba ang ating kabiguan, ngunit ang gawin ang sarili nating pananagutan ay hindi natin maisip at magawa, sapagkat iba naman talaga ang laynin natin ng paninisi. Para lamang sa sarili nating kapakanan! Narcisstic nga! Hindi magbabago ang anumang bagay sa ibig nating mangyari hangga’t hindi natin binabago ang ating sarili. Mas malala pa rito ay ang hindi makalimot sa kabiguan at nakakaisip ng masama sa kapwa para makalamang. Ngunit, sa kaibuturan nito ang lungkot at kawalan ng kasiyahan at kapanatagan ng loob. Saka dadalihin tayo ng depresyon o matinding kalungkutan na maaaring maging sanhi ng ating karamdaman.
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
BEGINNING OF ALL WISDOM...
Kung mamasdan ng mga taong may ‘nacisstic personality ang kanilang sarili sa salamin ay napakabilis sa panahon na mababakas sa kanilang mga mukha ang kalungkutan at mabilis na pagtanda mula sa mga gatla sa kanilang noo, pisngi, gilid ng mata at mukha. Palatandaang hindi sila maligaya. May lamlamn ng kalungkutan sa kanilang mga mata. Hindi nga ba ganito ang hitsura ng matandang bruha sa kuwento ni Snowhite nang tanungin sa sarili kung sino ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa? Hindi niya kasi matanggap sa kanyang sarili, bagama’t, nagdudumilat na katotohanan sa harap ng salamin na ang larawan ng kanyang mukha ay punum-puno ng pagkamuhi at inggit sa kapwa.
Mirror … mirror on the wall, who is the fairest of all?
Syempre, kung sino ang may pinakamalinis ang kalooban sa pagpapakatotoo sa sarili at kaninuman.
Hindi pa huli ang lahat. Tanggapin ang sarili mula sa mga hindi kainaman at kahinaan. Tao tayong may kani-kaniyang taglay na katangian. Kailangan nga lamang nating gawin kung paano mapapaunlad nang mahusay. Kung gagawi natin sa ganitong paraan ay makakamit natin ang tunay na kaligayahan, kasaganahan at kasiyahan. Ang buhay sa kabuuan ay kasiglahan nagmumula sa sariling pagpapahayag ng katotohanan, sa halip na ipilit ang isang bagay na malabo sa totoong pangyayari.Hanapin ang sarili sa tamang landas ng buhay. Hayaan sa sarili ito ay natural na magkaroon ng kaganapan. Ang sabi ni Ophrah Winfrey “Let us turn our wounds into wisdom.” Lahat naman ay nakararanas ng sakit at kabiguan. Bahagi ito ng paghuhubog sa atin na maging mahusay na tao. Ang paalala sa atin. “What you choose to do with the wounds you have endured is what dictates your path.” Maging tamang math-alino tayo sa pagtanggap sa ating mga sariling kabiguan. Magandang aral siya upang ayusin pa ang ating karakter bilang mabuting tao.
Comentarios