top of page

CAN’T WE SEE LISTENING?













 

Sa pag-aaral ng wika sa pakikipagtalastasan o komunikasyon ay mayroong apat na kakayahan ang kailangang malinang ng tama upang mabigyan bisa ang mahusay na pagkatuto. Una, ang pakikinig sa binabasa, bago ang pagsasalita hinggil sa binasa. Panghuli, ang pagsusulat ng natutunan sa binasa. Binanggit ko ang bagay na ito upang inyong maging gabay sa proseso ng mabisang pagkatuto sa pag-aaral. Kung magiging ugali ito, hindi malayong maging math-alino. Pakiusap: Makinig muna sa binabasa bago magsasalita at magsusulat. Mangyari, sa isang ginawang pag-aaral, sinubukan ng mga researcher na ang unang pangkat ng klase ay nakikinig lamang sa sinasabi ng guro habang nagtuturo. Samantalang sa pangalawang grupo ay inatasan ang mga mga estudyante na magsulat ng itinuturo ng kanilang guro. Nang bigyan ng iksamen ang dalawang pangkat ng klase, consistent na mas natututo ang mga nakikinig muna bago magsulat. Kaiba naman ang binanggit sa kawikaang ito:

“Most of the successful people I’ve known are the ones who do more listening than talking.”

-Bernard M. Baruch-

 

Mary Joy Torres Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407

 

Kung simpleng uunawain ang proseso, ganito ang mangyayari: Kapag nakikinig, unang matutuhan ang pagsasalita. Samantalang, kapag nagbabasa, kasunod na matutuhan ang pagsusulat, at lalong higit na magkakaroon ng pag-unawa sa binasa. Ang mga kasanayang ito ay itinuturing na makro, ibig sabihin, malaki o may malawak na saklaw sa pagkatuto dahil may nakapaloob na comprehension o pag-unawa. Ang nakapaloob sa makrong kasanayan sa komunikasyon ay mga mikrong (maliit) kasanayan tulad ng wastong pagbigkas, balarila o paggamit ng salita at bokabularyo na may kinalaman sa paggamit ng salita. Mangyayari ito kung mauunawaan muna ang ibig sabihin ng isang salita. Halimbawa, ano ang ibig sabihin ng bourgeosie? Sa ingles, ito ay middle class. Binibigkas na borz-zhwaa-zee. Taliwas sa pakahulugan natin sa katumbas na salita nitong burgis sa tagalog ay mayaman, ngunit tama naman sa diksyunaryo ng tagalog ang kahulugan na middle class.

 

May kakilala ako, noong nasa Grade III siya, hindi nagtuturo ang kanyang titser. Puro pasulat lamang nang pasulat ng nasa sa apat na pisara na ready na tuwing umaga. Pagkatapos nilang sulatin ay ipababasa sa kanila ni teacher isa-isa ang nakasulat. Kinabukasan, kailangang saulado o kabisado na nila ang pinasulat sa kanila, dahil isa-isa silang haharap sa klase para ire-recite ang kanilang sinulat at binasa. Hindi ba mahirap magkabisa ng hindi mo naiintindihan? Sabi niya, dusa dahil halos isang buong taon ganoon ang ginagawa ng kanilang guro.

Oh my God!

Iba ba ang Diyos ko sa inyo?

 

Noong Grade 6 naman siya, puro pasulat nang pasulat din ang teacher niya. Kumbaga sa araw ng kuwaresma (Mahal na Araw), walang pabasa at recitation na nangyayari. Puro ganoon lamang hanggang abutin ng oras ng uwian. Hindi siya nagreklamo kahit pudpod na daliri niya sa kasusulat. Pero noong nag-hayskul siya at bawal magbasa ng report, magaling na siyang magkabisa at masipag na siyang magsulat ng research paper niya. Noong mag-college na siya ay unti-unti niyang naunawaang hindi naman dapat kinakabisa kundi iniintindi lamang ang report at ipaliliwanag sa sarili niyang pagkaka-unawa, at may point and view pa siya sa report niya at reaction sa nilalaman ng nabasa niyang report. Kasi nga naunawaan na niya lahat. Ganoon din ang nangyari sa research niya. Totoo ang sinabi ni Teacher Aristotle, “The roots of education are bitter, but the fruit is sweet.” Grumaduate siya sa college ng cum laude – with distinction o high cumulative grade point average. Kapag magna cum laude ‘with great distinction’ at ang summa cum laude naman ay with ‘highest distinction.’ Ngayon, bahagi ng de-stress (mag-alis ng stress) niya ang magbasa at magsulat kaya lalo pa siyang humuhusay.

 

Ilan kaya sa inyo ang masipag magbasa?

Maraming magulang ang dumaraing sa DepEd ng nararanasan nilang hirap sa pagtuturo sa kanilang mga anak. Sila ‘yung mga concern parents na nababahala. Ngayon nila naiintindihan ang hirap ng isang guro na magturo sa mahigit na limampung estudyante sa bawat klase lalo na’t online classes na sa new normal in education. Kumbaga, sa kanilang mga magulang ay hanggang dalawa hanggang tatlong anak lamang, hirap na sila. Pero, my dear parents, noon bang nag-aaral kayo ay ‘di rin nahirapan ang mga guro ninyo sa pagtuturo, pati na kayo sa inyong pag-aaral? Hindi kaya nahihirapan kayo sa pagtuturo ninyo ngayon dahil nahirapan din kayo sa pag-aaral ninyo noon?

 

Ph 275 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741


 

Kung naging matalino kayo sa pag-aaral noon, marahil dapat na mas matalino kayo ngayon sa pagtuturo sa inyong mga anak, at asahan ninyong lalong tatalino ang inyong mga anak dahil personalan na ang pagtuturo! Pero, hindi ninyo na dapat problemahin iyon habambuhay, kung babasahin ninyo ang IN FACT, MATH-ALINO at ipababasa rin ninyo sa inyong mga anak saka ninyo pag-uusapan ang diskarte sa pagtuturo at pag-aaral na matututunan ninyo dito lalong hindi kayo mahihirapan. Ang adbokasiya ng blog na ito ay mahubog ang independent learning o hindi palaasa ng bata dahil doon siya lalong magiging math-alino.

 

Sa nabasa kong pag-aaral, “We cannot ‘see’ listening.” Upang makita ang antas nito, maging sa ugali sa pakikinig ay sa pamamagitan ng pagtingin sa mga kakayahang may kaugnayan sa pakikinig. Halimbawa na lamang sa speech lesson ng guro, hindi lamang pakikinggan ng estudyante ang pagbigkas ng salita kundi pati ang pagbuka ng bibig ng guro kung paano bibigkasin ang salita. Like ‘yung kaklase ko, ang bigkas niya noon sa coup ‘ etat ay kup-de-etat, pero kung titingnan sa dictionary at pakikinggan sa bigkas ng guro, simpleng koo-day-taa ang bigkas.

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741

 

Sa pag-aaral ng pagbabasa, maliwanag na kailangang isa-isahin sa pagkatuto ang komposisyon ng wika ng komunikasyon gaya ng graphemes (mga titik) at phomemes (pagbigkas), at magpapatuloy sa morphemes (bahagi ng mga salita), bago sa semantics (kahulugan ng salita) at sa syntatics (wastong paggamit ng salita sa pangungusap) hanggang sa maunawaan ang kabuuan ng nilalaman ng komunikasyon. Kaugnay ng pagbabasa ay ang pag-unawa sa kahulugan ng salita. Dahil dito ang pagtuturo ng vocabulary o kahulugan ng salita, pagbigkas at paggamit nito ng tama ay itinuturing na, “Cinderella of foreign language teaching,” dahil tulad sa kuwento ni Cinderella ay mayroon namang hiwaga ng kaalaman matutuklasan. Gaya nang ang salitang boondocks ay bundok ang ibig sabihin. Nagpakahirap ka pa, nasa tunog lang pala ng salita ang kahulugan.

 

Ngunit, higit pa sa tamang pagbaybay (spelling), pag-unawa (comprehension) at pagbigkas ng salita (pronunciation), ang karunungan na nagmumula sa matyuridad ng pag-uugali ay matibay na patunay ng kaantasan ng pakikinig sa nagsasalita. Kung isasalin natin sa wikang Ingles ay ganito ang sinasabi, “The wisdom that comes from true maturity is often the most powerfully evidenced in the level of our listening to others.” Ngayon, makikinig ka na? Good listening is not merely that pays attention to what is said than what a person is trying to say. Dapat makuha natin ang ibig ipahiwatig ng sinasabi ng ating kausap, hindi kung ano iyong kanyang sinasabi dahil naroroon ang tunay na pakahulugan.

ENGAGE IN LEARNING.READ, SHARE AND SUBSCRIBE.


Comments


bottom of page