top of page

CONFUSED AND ENLIGHTENED














 

Kung confused ka - nalilito kayo at naguguluhan ang inyong damdamin at isipan lalo na sa inyong mga binabasa, alalahanin ninyong si Confucious, ang Dakilang Guro ng Buhay ay sandali lamang nagulo ang isipan at damdamin, ngunit sa pamamagitan ng pamamahinga at pagmumuni-muni ng mga pangyayari sa kanIang buhay ay natuto siya sa mga aral na dapat tandaan upang magtagumpay. Tunay na natuto siya sa Paralan ng Buhay at itinuring siyang Pinakadakilang Guro ng maaalam sa buhay. Ayaw ba ninyong matulad sa kaniya. Tahimik ang loob at payapa ang kalooban sa buhay at nagkaroon ng simpleng kasiyahan sa buhay. Hindi gaya ng nangyayari sa marami sa atin sa panahong ito ng pandemya – naguguluhan, na-i-i-stress, nade-depress, bumibigay ang kalusugan at ang iba ay maagang pumanaw.

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741

 

Sad ka pa rin ba sa iyong buhay?

Isipin mo na lamang maikli daw ang buhay ng laging malungkot sa buhay.

Sila ang maagang pinapanawan ng buhay dahil sa kapabayaang hindi

nagbasa ng tungkol sa buhay.


May isang magandang payo - kung sakali raw sa sandali ng ating buhay ay nakararanas tayo ng kalungkutan bunga ng mga problema at kabiguan sa buhay, mahalagang ilayo muna natin ang ating sarili sa karamihan. Kahit pansamantala, manahimik tayong mag-isa. Bigyang laya natin ng pagkakataon ang ating sarili na makapagmuni-muni tulad ng ginawa ni Gautama Buddha sa kaniyang sarili noon siya ay nakaramdam ng pagkukulang. Isipin ninyo, ang kalungkutan ay bunga ng walang maliwanag na bisyon sa buhay.

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407


 

Sa pamamagitan ng tahimik na pagmumuni-muni, itanong natin sa ating sarili ang sumusunod hinggil sa maikling paglalakbay natin sa buhay: Sino ba ako sa mundong ito? Ano ang layunin ko sa buhay na ito? Nasaan na ba ang buhay ko sa mundong ito? Saan patungo ang aking kapalaran sa ginagawa ko? Tatanggapin ko bang ganito na lamang ang magiging buhay ko at ng pamilya ko?


Be enlightened!

 

"Bakit ka gagastos sa kuryente ng mahal kung may solar Christmas lights naman?"

Php 400.00 only, 100 bulbs, available in gold, blue, green colors,

send your order to Kris – 639499704741.



 

Maliliwanagan ka sa buhay kung pag-iisipan! Sabi nga sa kolum ni Mam Thea: MERALCO, Mas pinaliwanag ang buhay ng mga consumer dahil walang disconnection hanggang Oktubre, ngayon naman hanggang December. Bulgarific News talaga siya! At dahil sunud-sunod ang nanalasang bagyo baka nga ma-extend pa. Let us pray na mapagbigyan tayong lahat para sa kaginhawaan! Huwag munang magsentimyento-de-asukal sa buhay. Matamis ang asukal, huwag gawing kasimpait ng inyong buhay.

 

Mabubuksan ang isipan sa mga tunay na kaganapan ng pangyayari sa buhay gamit ang isipan sa pagninilay-nilay. Gaya ni Buddha, isa-isa ninyong mauuunawaan ang mga pangyayari kung bakit ganito at ganoon ang buhay. Ngayon naman, sa puntong ito ay magiging mabisa ang pagkakataon upang mabuksan ang pagbabagong hahangarin ninyo sa buhay. At sa ganitong pagkakataon, mabubuo sa inyong imahinasyon ang gusto ninyong mangyaring maayos na buhay dahil babalangkasin ninyo ang tiyak na mithiin at layunin para malunasan ang mga suliraning nakagugulo at nakalulungkot sa inyong buhay na siyang nais mangyari sa inyo sa pagbabasa ng blog na ito. Kung magkakaganito, ‘di lamang pangmatalino sa kaalaman ang blog na ito, kundi pangmatalino rin sa karunungan buhay. Kaya dapat ninyong laging subaybayan ang lathalain nito kada tatlong araw sa loob ng isang linggo. Tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Sadyang may patlang na araw para naman magkaroon kayo ng pagkakataong pag-aralan at pag-isipang mabuti ang inyong nabasa para sa inyong pagpaplano sa buhay.

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741

 

Ang pangalang BUDDHA ay nangangahulugang, “Ang Naliwanagan.” Naunawaan ni Gautamma Buddha ang Apat na Dakilang Katotohanan hinggil sa pagdurusa ng tao sa buhay tulad ng katotohanan sa kabalisaan o stress. Ang katotohanang dahilan ng pagdurusa ay ang kawalan ng kasiyahan sa sarili, ang katotohan sa pagtigil ng pagdurusa ay ang pagsupul sa walang kasiyahan sa sarili, ang katotohan ng landas tungo sa pagtigil ng pagdurusa ay ganap na kapayapaan ng kalooban sa sarili. Sa pagtuturo ko noon ng Asian History ay natutunan kong upang makamit ang apat na dakilang katotohan na sentral na doktrina ng Budismo, kinakailangang isagawa ng tao nang buong katapatan ang Maharlikang Makawalong Landas gaya ng tama at mabuting pananaw, tamang layunin, pag-iisip, pananalita, aksiyon, pamumuhay, pagsisikap, katanyagan at konsentrasyon.


ENGAGE IN LEARNING.

READ, LIKE, SUBSCRIBE, and SHARE.

IN FACT, MATH-ALINO!

Comments


bottom of page