Ano attitude mo sa pagbabasa - think before you read or think after you read?
Puwede rin naman maging mas mabisa iyung habang binabasa mo ay iniisip mo na rin.
Pero baka naman hindi na talaga nag-iisip basta basa na lamang nang basa kaya walang naiintindihan?
Mahalagang iniisip natin ang nilalaman ng ating binabasa dahil dito nagsisimula ang pagkatuto.
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407
Kris Torres 639499704741
Marami na tayong narinig at nabasang kuwento ng buhay ng mga taong labis nating hinahangaan na ang kanilang tagumpay ay sinasabi nilang bunga ng kanilang adhikain na matuto sa buhay sa pamamagitan ng palagiang pagbabasa. Kahit sa ating sariling buhay naranasan natin ang bisa ng kahiligan sa pagbabasa. Maraming pagkakataong na alam natin kung paano gagawin ang isang bagay dahil nabasa natin. Tuwirang masasabi natin hindi lamang para sa pagkatuto sa kaalaman sa paaralan ang layunin ng pagbabasa, bagkus, pagkatuto na rin ng karunungan na siyang kuwentong karanasan sa buhay. Ngunit, sa aking sariling palagay, bibihira lamang sa atin ang nagtutuon ng malalimang isipan kung ano at gaano kasapat ang dapat basahin para tumadhana ng ano ang magiging kapalaran natin sa ating pagkatao – magiging doktor ba, inhinyero, negosyante, guro o simpleng mang-gagawa o tagapag-lingkod? Malamang, marami sa atin ang hinayaan na lamang dalhin tayo ng tadhana sa ating kapalaran dahil hindi pa natin malay ang ganitong epekto ng masinsinang pagbabasa ng dapat basahin.
Always read In Fact, Math-Alino na dalwang serye kada lingo.
At sa mga hindi pa nakakabasa, balikan ang mga naunang blog para maunawan ang kabuuan ng paksa.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 63949970474
Ang wika ay mahalagang instrumento sa komunikasyon. Mula rito, ay nabubuo at naisasaayos ang kaalaman at pakikipagtalastasan sa ibang tao sa kanilang karanasan, Mula rin dito ay nagkakaroon tayo ng pag-unawa sa reyalidad ng pangyayari kung ano ang totoo at dapat paniwalaan. Ang mga impormasyon na makukuha sa tulong ng paningin, pandinig, at pandama sa kapaligiran ay lumilikha ng salita at karunungan sa isipan kung paano ang mundo ay gumagana sa sa buhay at pakikitungo. Halimbawang sa karanasan natin lagi tayong naaagrabyado sa buhay ay nasasabi nating “the world is unfair.” Hindi nga ba patas o makatarungan ang mundo sa nagiging kapalaran natin sa buhay? Maaaring sa karanasan ay masasabing totoo ngang hindi patas ang mundo sa lahat ng bagay, ngunit ano ang ginawa natin? Hindi kaya tayo ang hindi nagiging patas sa ating sarili sa nagiging takbo ng ating buhay dahil hindi man lamang natin pinagsisikapang mabago sa pamamagitan ng pagbabasa para may matutunan at alam natin ang ating gagawin?
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407
Kris Torres 639499704741
Kung ano tayo ngayon, ay bunga ito ng anong uri ng babasahin ang pinag-aralan natin. Maliwanag sa mga pananaliksik na, ang mga impormasyong inilagay natin sa ating isipan ay nagtatakda ng uri at paano tayo mag-isip. Critical thinking ba? Mangyari pa nagiging sanhi ito sa paraang paano tayo magdesisyon sa ating buhay tulad na lamang ng pagpili ng tamang tao na makakasama natin sa buhay dahil Malaki ang magiging imluwensiya nila sa paghubog ng ating pagkatao. Kung ang barkada mo ay lagging tambay, tiyak na magiging tambay ka rin pati na ang kapalaran mo sa buhay. Kundi mo inunawang mabuti ang pahayag na ito masasabing basta binasa mo lang siya at hindi pinag-isipan. Maroon talaga kasing mga taong nagbabasa para matuto at mayroon naman nagbabasa lamang para malibang. Mangyari, ang uri, kalidad at layunin natin sa pagbabasa ang siyang huhubog sa ating katauhan: kung magiging ano kalseng tao tayo pagdating ng panahon. Puwedeng seryoso o ‘playful’ lang sa buhay.
May mga nabasa akong karanasan ng mga guro na, noong bata pa sila ay hilig nilang maglaro ng iskuwe-iskuwelahan.
Hindi lamang sila basta naging titser noong lumaki sila kundi kabilang sila sa mahuhusay na guro dahil andoon ang kasiyahan nila sapul pa sa pagkabata.
Sir Bogie Torres
Mobile number: 09272450838
Katwiran ng iba ay wala silang oras magbasa dahil sa dami ng kanilang ginagawa. Totoo naman lalo na’t sa panahong ito ay maraming tungkulin dapat gampanan. Ngunit, katwiran ba ito kung sasabihin “life in this world is continuous learning.’ Hindi lang marahil napag-isipang mabuti kung paano gugugulin ng wasto ang oras ng kapaki-pakinabang na habang may ginagawa ay may natutunan dahil may nabasa. Yung iba sa atin palipas oras lang ang pagbabasa. Hindi nga ba kahit ang ii-scroll ang facebook ay may kasamang pagbabasa, Nababasa natin hindi lamang ang nakasulat kundi pati na ang larawan. Pinipili natin ang makakaganyak basahin kahit na sabihing kuwestiyonable at kaduda-duda ang nilalaman kaya madalas ay biktima tayo ng ‘fake news or information.’ Kapag nag-browse din tayo ng walang anumang dahilan ay kabilang na rin ito sa pagbabasa kahit sabihing hindi intensyunal o sinadya. Hindi kaya ito pagsasayangng oras at nagbubunga lamang ng putul-putol na isipan na hindi maikonekta sa ganap na karunungan?
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Ang epekto ng nasabing uri ng pagbabasa (unintentional) ay sadyang hindi namamalayan sa sarili. Kalimitan pa ay hindi napoproseso ng maayos ng isipan. ngunit patuloy pa rin ang iba sa atin sa ganitong uri na nakamihasnan na walang tiyak na puntong dahilan ng pagkatuto. Hindi kaya lalong nasayang ang oras? Sa kabilang banda, ang tunay at dapat na adhikain ng pagbabasa ay matuto tayo sa kasalukuyang kalagayan ng pagbabago ng buhay sa mundo. Partikular sa mga nangyayaring pandemya dulot ng COVID-19. Hindi naman sinabing huwag tayong mag-iscroll o browse ng ating babasahin kundi gawin nating may sadyang panuntunan kung ano ba ang gusto nating mahalagang matutunan sa buhay na kinakailangan.
Bawasan ang wala naman halagang ‘browsing,’ pagbabasa ng hindi mahahalagng balita at kung anu-anong social media feeds na basta na lamang lumilitaw. Mabuting pagtuuuna natin ng pansin ang pagbabasa ng mga klasiko at real good fiction nang matuto tayong mag-isip nang malalim. Lalo na ang mga kasalukuyang kaganapan sa ating lipunan dahil kalaunan pagkatapos ng maghapong araw, ang pinakamahalagang bagay pa rin ay kung paano tayo mag-isip na, mahahasa ng tamang kasangkapan sa pagbabasa. Makakaapekto ito sa anumang bagay na ating gagawin at kung paano nating tingnan ang buhay natin sa mundo at paano siya papaunlarin. Ang sabi ng isang mayaman, kadalasan daw sa mga kasambahay ar ‘dreamer’, dahil ang hilig ng mga itong basahin ay mga pocketbooks na mala-Cinderella love story.
Read, Share and Subscribe:
IN FACT, MATH-ALINO!
https://www.prosperlife thrueducation.com/post/reading-experience
コメント