top of page

DECISION-MAKING














 

The world is a tragedy to those who feel, but a comedy to those who think.


Kung mayroon mang bagay na pinakamahalagang pagsasanay sa gagawing pag-aaral ng mga estudyante, ito ay ang ‘decision-making’ and ‘problem-solving.’ Hindi naman kasi lahat ng problema sa buhay ay sinasabi sa libro, bagkus, ang pangkalahatang pundasyon lamang ng kaalaman ang mapapasa-atin sa pagbabasa ng libro, ngunit kung paano natin ito uunawain at gagamitin ito sa tunay na buhay ang suliranin.

 

Sa pag-gising pa lamang natin sa umaga ay may desisyon na tayong kinakailangang gagawin. Kadalasan hindi na ito napaghahandaan basta bahala na lamang kung ano ang mangyayari. Ang kinamulatan nating ugaling bahala na na ay minana pa natin sa ating matatandang ninuno kung saan sa labis na pananalig nila kay Bathala ay ipinabahala na nga nila. Lagi sana nating isa-isip ang kasabihang, “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.” Kailangan din tayong kumilos. Marapat na pag-aralan nating mabuti ang gagawin nating desisyon sa buhay dahil dito nakasalalay ang ating kinabukasan. Lalo na ang hinggil sa kursong pag-aaralan at ang gagawing paghahanda.

 

 

Minsan naman ay nakamamangha ngang isipin na ang dating natutunang akala natin ay hundred percent na totoo gaya ng Batas ng Suplay at Demand ay hindi pala ganoon parati sa pangyayari, at kaya pala may ‘ceteris paribus’ na sinasabi na ang ibig sabihin kung mananatiling hindi magbabago ang ibang salik kaugnay ng batas nito. Ang ibig kong ipunto ay palawakin natin ang ating isipan sa mga bagay na ating pinag-aaralan dahil hindi lahat ng bagay ay sakto sa mga mangyayari. Lagi siyang may pasubalit na higit nating dapat tuklasin at maunawaan lalo’t may kaugnayan sa bawat desisyong gagawin natin sa ating kinabukasan.

 

Pinili kong kumuha ng Liberal Arts o Bachelor of Arts noong nagsisimula palang akong mag-aral sa kolehiyo dahil sa nabasa kong ang pinakamahalagang matutunan natin ay kung paano tayo lulutas ng problema sa buhay at magdedesisyon. Mangyari, nauna ko kasing nabasa ang kawikaang, “Life is problem-solving and decision-making.” Kalaunan, ay naging kasang-ayon ako ni Sir Francisco Colayco sa kaniyang pananaw na importante ang liberal arts dahil tinuturuan tayo nito kung paano mag-isip, kung paano suriin ang problema (maghanap ng solusyon), at kung paano magdagdag ng halaga tulad sa ating kakayahan at pagkatao. Noong una ay malabo pa sa isipan ko ang kahalagahan nito., ngunit habang lumilipas ang panahon at maraming nangyayari sa buhay, saka ko unti-unting naunawaan ang mga bagay na ito.

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741


 

Ang Liberal Arts ay tumutukoy sa academic subjects tulad ng literature, philosophy, mathematics, social and physical sciences na naiiba sa mga kursong pampropesyunal at teknikal. Noon kasi ang paniniwala kapag kumuha ka ng AB o BA ay inaakala na ikaw ‘yung estudyanteng hindi pa alam ang gustong pag-aralang kurso kaya preparatory subjects lang muna na puwedeng ma-credit sa ibang kurso. Hindi nila alam na ang mga estudyanteng nag-aral ng liberal arts degree ay nalilinang gumawa ng epektibong argumento, mahusay makipag-talastasan, at mag-solb ng problema na mahalaga sa buhay lalo na sa pagiging propesyunal. Dito pa naman karaniwang maraming mahina sa mga estudyante. Bukod pa rito, ang mga nabanggit na skills ang karaniwang hinahanap ng mga employer sa mga aplikante ng trabaho.

 

Ang BA (Bachelor of Arts) degree na katumbas rin ng AB na Bachellor of Arts ang kursong napapabilang sa liberal Arts. Iba siya sa BS (Bachellor of Science) degree na nakapokus sa major course o field of specialization nito. Sa kursong BA o AB ay makakapili ng free electives ang estudyante kaya mayroon siyang major and minor subjects na gusto niyang matutunan o hasain sa kaniyang pag-aaral. At batay sa kurikulum ng lberal arts, kung pakakasuriin ay naglalayon itong ibahagi ang tinatawag na general knowledge o basikong kaalaman at karunungan, ang mahahalagang intellectual capacities tulad ng critical thinking at creativity o pagiging malikhain kumpara sa mga kursong pampropesyunal, vocational at teknikal na kurikulum. Sa kasalukuyang modernong pag-aaral sa unibersidad at kolehiyo, sama-samang pinag-aaaralan sa liberal arts ang panitikan, wika sa komunikasyon, pilosopiya (lohika ng pangangatwiran), kasaysayan, matematika at science bilang general education.

 

Nasa liberal arts din ang pag-aaral ng mahahalagang kasanayan na makapagpapaunlad sa career ng isang nagtapos ng propesyunal na kurso o kursong teknikal dahil kabilang din dito ang pag-aaral ng kahusayan sa pagsusulat, foreign language at ang tinatawag na cross-cultural knowledge, numeracy, pananaliksik, matalinong pagsusuri at pagiging malikhain at pati na ang pag-aaral ng mga bagong ideya kasama din ang pagbubuod nito o paglalagom. Naririto ang ilan sa mahahalagang natutunan ko sa Liberal Arts noon:

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741

 

Ang ‘the spirit of the laws,’ na may kinalaman sa dahilan o layunin kung bakit ang batas ay ginawa at paaano susuriin ang konstekto nito. Kaya marami sa kumukuha ng liberal art ay nauuwi sa pag-aabugado. Samantala, sa history naman ay ang batayang karunungan sa pagbibigay kahulugan nito gaya nang, “national history is a composition of local histories” na, ang lahat ng pangyayari sa kasaysayan sa bansa ay bunga ng pangyayari sa lokal na komunidad. Sa Ekonomiks, ang “law of diminishing marginal returns” na bumababa pala ang pakinabang natin sa isang bagay habang patuloy natin itong kinokonsumo o ginagamit dahil nababawasan ang ating kasiyahan o kapakinabanagan mula rito. Puwede mo rin itong gamitin sa pagpapataas ng halaga mo bilang tao kung pag-aaralan mong mabuti.

 

Samantala, ang “economic growth and development,” ay tulad din sa buhay na hindi palibhasa malaki, maganda at kumpleto sa gamit ang bahay ay mayaman na ang taong nagmamay-ari nito, bagkus, ang umuunlad na kakayahang sustentuhan ang uri ng pamumuhay ang sukatan ng tunay na kayamanan. Sa Ethics ay ang sinabi ni Albert Schweitzer na “The truly wise person is colorblind” dahil wala siyang basta pinaniniwalaan kundi ang sarili pa rin niyang katwirang pinaniniwalaan batay sa karunungan. At sa logic naman ay ang sinabi ni Einstein na “Logic will get you from A to B. Kumbaga, sa husay mong mag-isip ay makakamit mo ang iyong ibig kaugnay ng paggamit ng kapangyarihan ng imahinasyon dahil “Imagination will take you everywhere.”Sa pag-aaral din nito, naganyak ang isipan ko sa sinasabing “The mind is not a vessel to be filled, but a fire to be rekindled” na naging lubhang mahalagang kaisipan ko sa pagtuturo sa mga bata pati na sa malikhaing pagsulat.

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407

Dear Moms and Dads!

How to Secure your Baby's Future? Start Saving as early as NOW!

Let me make a personalized proposal for you!


 

At ang mas importante raw ay inihahahanda ng pag-aaral ng liberal arts ang ating isipan para maging punla ng ‘intellectual capital,’ na para sa marami sa atin ay siyang tunay na panghabambuhay na capital. Kaya naman sinasabing pinakamahalagang resource o pinagkukunang-yaman ang tao lalo na kung bibigyan sila ng sapat at may kalidad na edukasyon ng ating pamahalaan. Pero bakit ako naging guro?

 

Ang dahilan nito ang reyalisasyon ko sa paniniwalang “life is continuous education.” Kumbaga, doble oportunidad niya - nag-aaral ako para magturo at ako rin mismo ay natutututo pa parati. Hindi kasi komo’t tapos na tayo ng pag-aaral sa iskuwelahan ay hindi na tayo mag-aaral ng tungkol sa buhay. Manapa’y binigyan ito ng katwiran ng kawikaang binanggit ni Prof. Maria E. Velasquez na “Never stop learning because life never stops teaching.” Kaya nga kahit sa araw-araw na pagbabasa ay hindi lamang nahahasa ang utak natin sa pagkakaroon ng kaalaman kundi pati na ang utak natin ay nahahasa pag-iisip na pagdating ng panahon ay magagamit natin sa paglutas ng mga problema sa buhay at pagdedesisyon ng mabuti at tama. Mabuti at tama, dahil hindi lahat ng tama ay mabuti. Sabi nga sa pag-aaral namin, ang pagdedesisyon ay for the common good o sa ikabubuti ng higit na nakararami. Ibig sabihin, huwag bias o selfish – tama lang para sa nakararami.


Ikaw, paano ka naging mahusay sa decision-making?


Read, Share, and Subscribe.

Comments


bottom of page