Naiintindihan mo ba ang sarili mo?
Alam mo kung ano ang gusto mong mangyari na tama at makabubuti?
Mahirap na baka ang sarili mo ang maging kaaway mo … bago damay pa ang ibang tao … lalong malaking gulo!
Emotional Intelligence ang basahin at pag-aralan mo.
Ang tinatawag na Emotional Intelligence ang siya ring tinutukoy na EQ or emotional quotient. Ito ang sumasalamin sa abilidad ng tao na maunawaang lubos ang kanyang sarili. Kaya mong tumanggap ng mali/puna o defensive ka masyado? Ang paggamit ng emosyon o damdamin sa positibong paraan ay upang mapawi ang stress bunga rin ng hinanakit. Sa maayos na damdamin ay maipahayag ng wasto sa tamang pagkakataon ang mga hinampo at makadama ng pakikiramay sa kapwa. Malalagpasan ang mga pagsubok at maisasaayos ang mga problema sa buhay. At dahil din sa karanasan mong ito ay madali mong maunawaan ang pinagdaraanan ng iyong kapwa dahil naranasan mo na ang ganoong kalagayan.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
EMOTIONAL INTELLIGENCE...
Mahalagang salik na paunlarin natin ang ating talinong emosyunal sa pamamagitan ng ating personal awareness o kaaalaman at kamalayan sa ating sarili kung saan mauunawaan natin ang ating kilos, ugali at naisin na maaaring makaapekto sa ating pakikitungo sa kapwa. Nararapat ding pag-aralan natin ang kalooban ng ating kapwa para sa tama nating pakikitungo gaya ng isang estudyante na nakaranas na magkaroon ng pinakamahigpit na guro. Ngunit dahil alam ni estudyante na ganoon din halos ang ugali niya ay alam niya ang diskarte sa kanyang guro. Lagi niya itong binabati kahit na nagalit pa ito sa klase nila. Tinutulungan din niya si guro sa pagbitbit ng mga gamit at pagbubura ng pisara. Kaya kalaunan ay naging mabit sa kanya ang nasabing guro dahil siya naman ang unang nagpakita ng kabaitan dito. Bukod tanging siya lamang ang hindi takot kay titser sa kanilang klase. Ang hindi natin kabatiran kung paano pakikitunguhan ang ating kapwa ay hindi lamang nagiging problema kundi pabigat din sa buhay lalo na sa ating kalooban.
Gaano mo nauunawaan ang iyong kalooban o damdamin?
Paano mo siya ginagamit nang mahusay sa positibong paraan?
Mahalaga na alam mo ang mga bagay sa mga nabanggit na katanungan dahil dito nakasalalay ang tagumpay at kaligayahan mo sa buhay. May pagkakataong matagumpay nga ang tao sa buhay, ngunit hindi pa rin siya maligaya. Ano ang dahilan na kailangang unawain nila sa kanilang sarili. Pansinin ninyo ang ibang mayayamang tao, nagkakawang-gawa sila sa kanilang kapw at nakadarama sila ng ganap na kasiyahan sa kanilang tagumpay sa buhay. Share your blessings ang sikreto nila upang maging maligaya. Subalit ang ibang mga taong gumagawa nito na hindi naman taos sa puso ang pagtulong ay nananatiling hungkag ang buhay. Kadalasan din ay nauuwi silang bigo sa kanilang inaasahan. Ang pagtulong kasi ay hindi dapat naghihintay ng kapalit o inaasahan upang huwag mabigo at lalo lamang masaktan.
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
EMOTIONAL INTELLIGENCE...
Pinaniniwalaan ng mga dalubhasa na “EQ matters just as much as IQ.” Hindi lamang sa talino nakukuha ang tagumpay at kaligayahan sa buhay, bagkus sa kasiyahan ng puso at kalooban sa bawat ginagawang kabutihan. Kasama na rin ang kakuntentuhan. Bakit may mga mahihirap ang masaya sa kanilang buhay sa kabila ng kasalatan kumpara sa mayayamang sagana sa lahat ng bagay? Ang dahilan – sa kanilang pasasalamat ay naroroon ang kakuntentuhan nila sa buhay. Hindi sila labis-labis na mapaghangad. Ang pasasalamat nila sa buhay, ay mabuti na ang kahit papaano meron kaysa sa wala! Hindi katulad sa mayayaman na labis na naging mapaghangad. Dito sila labis na nagkakaroon ng problema dahil hindi nila kaya ang mga pagsubok ng kanilang labis na hangarin. Tinatalo ng kanilang damdamin ang kahusayan ng kanilang isipan.
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
EMOTIONAL INTELLIGENCE...
Dapat na matutunan din sa bawat pag-aaral kung paano mapapalakas ang kalooban o damdamin na kalimitan ay nagiging sanhi ng anxiety o pagkabalisa at depression o kalungkutan saka nauuwi sa mabigat na karamdaman o kaya ay pagpapakamatay kapag lubos nang hindi makayanan. Kung tutuusin simpleng bagay lamang ito kung mauunawaan ang sariling kalooban. Dadalhin ka nang matalinong kalooban ng matagumpay sa tunay na mithiin mo sa buhay dahil magiging malinaw ang iyong naisin sa kabutihan at kikilos ka upang ito ay magkaroon ng katuparan. Mangyari pa, mauunawaan mo rin nga ang kalooban ng mga taong katulad ng iyong pinagdaanan. Kung may ginawa kang hindi maganda sa kapwa mo, ano sa feelings mo kung gawin din sa iyo? Sa kabilang banda, hindi ka magiging mapanghusga sa iyong kapwa. Alam mo na rin sa bawat desisyon mo ang pinakamahalaga sa iyong sarili at hindi dinidikta ng ibang tao dahil mas kilala mo ang sarili mo kaysa sa kanila. Ikaw din naman kasi ang mananagot kung anuman ang mangyari.
Sa alinmang iksamen o pag-aaral man lamang, ang laging nagtatagumpay iyong nakapaghandang mabuti, panatag ang loob at kumpiyansa sa sarili. Ngunit gaya ng sinasabi ko noong una, hindi lahat ng matatalinong tao ay nagiging matagumpay sa buhay o kaya ay lubos na nagiging maligaya. Marahil nagtataka pa kayo kung bakit yung hindi matalino sa inyo sa klase noong kayo ay nag-aaral ay naging matagumpay, samantalang kayo na ‘di hamak na mas magaling sa kanila ay palaot ang kapalaran. Intellectual ability is not enough on its own to achieve success in life. Oo nga’t mahalaga ang IQ o talino para magtagumpay sa buhay, ngunit ang inyong EQ o talino ng kalooban ang higit na makatutulong upang maiwasan ang stress bunga ng pressures sa pag-aaral. Ang sabi, “IQ and EQ exist in tandem and are most effective when they build off one another.” Tama na sabay natin silang paunlarin sa ating sarili. Huwag lamang ang isa.
Ang pinakamahalaga sa EQ ay ito ang ganap na magpapakilala sa iyong katauhan na magsasabi kung anong kalseng tao ka. Maliban na lamang kung ikaw iyung tipong tao na minamanipula ang kalooban sa sarili. Kumbaga, arte at scenario o palabas lamang pala ang iyong ipinakikita. Hindi siya talagang totoo, sapagkat may gusto kang mangyaring iba. Ito yung sinasabing you can manage your emotions at your advantage. Pero, anong klaseng tao ka? May mabuting dahilan ba ang pagkukunwari?
Comments