Before ... Math is an exact science.
Nowadays ... It is used to describe the branches of knowledge which had precise mathematical formulas in mathematics, physics and chemistry. It excludes sciences where analyses and predictions were probabilistic rather than deterministic.
Thanks! Ang sabi ni Mam Noemie Lucas ng Rizal High School - Senior High School teacher noong mabasa niya ang Blog 6: Education for Life, "Sayang, hindi natapos ang sinabi ni Sir Albert ang tungkol sa algebra at science." Ang totoo niyan, 'yung sinasabi kong public opinion o paniniwala ng mga tao, kapag tinanggap natin at pinag-aralan sa kaalaman at hindi lamang sa magandang pananalita, ay magkakaroon tayo ng kakaibang katwiran, at hindi tayo basta Yes ng Yes', ay magiging isang ganap na kaalaman mula sa matututunan sa karanasan ng pag-aaral.
Sa kaso ng nakaraan nating pagtalakay, kung sinasabing 'math is an exact science,' ay may nagsasabi naman, hindi na ngayon! Dahil ang matibay nilang katwiran, ay bakit may assumption (palagay) gaya sa premise o kundisyon ng lohikang katwiran na "If A is equal to B and B is not equal to C then, A is also not equal to C." Ang ganitong palagay sa katwiran ay hindi sakto sa kaalaman ng Science.
Remember, kaya tayo may scientific method na pormulado ni Sir Francis Bacon sa pag- aaral ng science ay upang pag-aralan ang esensiya o pinagmulan ng isang bagay na sa palagay natin ay isang phenomenon o kababalaghan. Kumbaga sa proseso, Sa scientific method "do an experiment to test the prediction" tulad sa kung bakit ang isang bagay kapag hinagis o binitiwan ay nahuhulog: make an observation, ask a question, form a hypothesis, then answer the question, make a prediction based on hypothesis, do an expert to the prediction, analyze the results, and test the hypothesis. If the hypothesis is not valid, try again the process till you come up with a generalization.
Masasabing isang phenomenon (phenomena is plural) sa pananaw ng siyensiya ang mga bagay na maaaring maobserbahan na nagaganap, lumilitaw o nangyayari batay sa 'senses' ng paningin ng mata, pang-amoy ng ilong, pandinig ng tainga, panlasa ng dila o pandama ng balat ng katawan. Kabilang sa mga sinasabing halimbawa ng phenomenon ay ang gravity (hilabigat), tides ( pagtaas at pagbaba ng tubig), biological processes and oscillation (pag- ugoy ng isang bagay). Maliban sa 6th sense of perception o pang-unawa na hindi kabilang sa limang unang nabanggit.
Ipinaliwanag ni Dr. David Joyce, Ph.D. Mathematics na popular noon ang "math is an exact science," ngunit hindi na sa ngayon, sa dahilang ang saktong science ay tumutukoy sa theoretical na aspeto ng kaalaman at hindi iyong nasa ilalim pa lamang ng eksperimento ng pag-aaral.
Sa theoretical knowledge ay nagkakaroon talaga muna ng hinuha o pala-palagay, at ang patunay sa teorya ay nakabatay sa prediksyon at gaano ito katotoo sa aktuwal na obserbasyon. Kaya nga sa math ng Statistics ay laging mayroong tinatawag na 'law of probability' at 'margin of error' sa bawat prediksyon ng pag-aaral upang mataya ang kasaktuhan.
Ang math is an exact science ay ginagamit lamang para sa mga natuklasan at napatunayan nang may saktong pormula sa pag-aaral. Kabilang dito ang mathematics, physics and chemistry.
Magkaganito man, mahalagang ikonsidera ang assumption o palagay dahil magiging daan ito ng pagtuklas sa tamang kaalaman gamit ang "finding the value of 'X' and 'Y' na pormula ng sanhi at dahilan. Alinmang tuklas na kaalaman o imbensyon ay dumaraan sa masusing pag-aaral. Hindi ito nalalayo sa pagpapatupad ng 'quarantine' bilang ECQ - Enhanced Community Quarantine, MECQ - Modified Enhanced Community Quarantine at GCQ - General Community Quarantine sa panahon ngayon ng coronavirus. Magiging mabisa lamang ito kung susundin natin ang mga gabay kaugnay nito.
Samantala, kundi natin susundin, hindi rin natin saktong malalaman ang mabilis na paglaganap ng corona virus o 'exponential growth' nito. Dahil din dito, tinitingnan ang tinatawag na 'productivity rate' ng Covid 19 at kung may 'flattening of the curve' na o humihina na ang bilis ng paglaganap para sa pagbabago ng community quarantine dahil nakataya rito ang kabuhayan ng ating bansa kung mananatiling 'lockdown' ang lahat ng tao at ang pinagkukunan nila ng kabuhayan.
Kung sinasabi ng iba na tila iniiksperimento ang pagpapatupad ng 'quarantine rules,' ay dahil kailangan maging sakto ang patnubay sa atin dahil hindi rin naman saktong maliwanag pa sa agham ng kaalaman ang Covid - 19 kung paano lumaganap. Ok na lamang daanin sa magandang biro ang tungayaw na "hindi lang quarantine ang kailangana natin, kundi kuwarta rin!" Kaysa naman sa mga bagay na makakabigat sa ating loob at alalahanin. Mahalagang maunawaan natin ang kaalaman para makamit ang tamang karunungan.
Ang IN FACT, MATH-ALINO ay paglalahad ng kaalaman sa paraang 'integratibo' kung saan makikita ang pagkaka-ugnay- ugnay ng mga kaalaman saka sa karanasan para maging isang ganap na karunungan.
Karugtong ...
Ipinakikiusap kong sundan ninyo ang mga paksa ng pag-aaral dahil para itong kuwento kung paano tutuklasin ang pambihirang talino sa paraan ng pagkukuwento at paliwanag upang madali ninyong maunawaan.
Comments