Kung may nakakaunawa sa anak, ito ang kaniyang Ina. At kung madaling maunawaan ang aralin sa pag-aaral, ito ay dahil sa Inang wika.
If you talk to a man in a language he understands, that goes to his head. If you talk to him in his language, that goes to his heart. Mother tongue is mother language.
Napakahalagang bagay ang pagtugon sa mga isyung wikang ginagamit sa pagturo na siyang mahalagang bagay sa pagpapa-unlad sa sariling wika. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay mananatili tayo sa sinaunang antas ng wika. Kailangang umagapay ang wika sa pagbabago na higit na tutugon sa interes ng bagong henerasyon ng mga kabataang mag-aaral para higit silang matuto sa pagsasalita, pagsusulat at pakikinig. Hindi naman komo’t binabago natin ay hindi na natin mahal ang ating sariling wika. Masyado kasi tayong literal sa naririnig at ipinapasa sa ating kaalaman na kung ano ang sinabi ‘yun lang intindi natin. Like yung interpretasyon natin sa sinabi ni Dr. Jose Rizal na “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.” sa ingles ay “He who doesn’t honor his own language is worse than an animal and a rotten fish.”
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 63949970474
MOTHER TONGUE...
Teka, ilang taon ba si Rizal ng sabihin niya ang nabanggit na talinghaga sa kaniyang tulang Sa Aking Mga Kababata? Pitong taon siya noon, ngunit nang lumaki na siya ay nag-aral siya ng iba’t-ibang wika kaya masasabing linguist siya o maalam sa maraming wika. Eh, bakit naman sa wikang kastila niya isinulat ang Noli Me Tangere kung inaakala nating nationalist siya o Makabayan hanggang sa salita? Bottomline – para kanino ba isinulat ni Rizal ang Noli at Fili? Para sa akin, si Rizal is internationalist kung sa ngayon, ‘globalist!’
Kung susuriin ang resulta ng 2018 Programme for International Student Assessment o PISA na sinalihan ng 79 na bansa, ang Pilipinas ang may pinakamababang marka sa Reading o Pagbabasa. Marahil dahil ang ingles ay foreign talaga sa ating mga mag-aaral. Ibig sabihin ay bago sa nakamihasnan nila sa pagkabata kaya’t mahirap nilang maunawaan dahil sanay sila sa wikang ginagamit sa bahay. Maliban na lamang kung ingles ang salita sa kanilang bahay. Katunayan daw 94 porsiyento ng ating mga mag-aaaral na edad 15 taong gulang ang gumagamit ng sarili nating wika sa kanilang bahay na iba sa ginagamit sa pagtuturo sa mga paaralan na ingles kaya ‘nosebleed’ sa kanila. Filipino ba o Pilipino? Baka naman Tagalog? Kung hindi maunawaan ang pagkakaiba ng tatlong nabanggit na salita, paano pa natin masasabing mahusay at dalubhasa sa ating sariling wika ang ating mag-aaral?
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407
Kris Torres 639499704741
MOTHER TONGUE...
Lagyan natin ng kuwelang tanong ang ating paksa. Mas matututo raw ang mga bata kung masaya ang ginagawang pagtuturo - Noon nagtataka ako kung bakit ang sarili nating wika ay tinawag na ‘mother tongue,’ saka pumasok sa isip ko kung puwede bang mayroong ‘father tongue?’ Kasi may katawagan naman ‘sister city,’ ewan ko lang kung may ‘brother city.’ May ‘mother earth’ nga, wala naman ‘father earth’! May nakakatuwa naman palang katwiran kung bakit mother tongue, kasi sa bahay - ang madalas daw na daldal nang daldal sa kasesermon ay si mother dear, si tatay tahimik lamang.
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407
Kris Torres 639499704741
MOTHER TONGUE...
Tinataya ng Department of Education na maaaring naapektuhan ng gamit na wika ang kakayahan ng mga mag-aaaral na maunawaan ang kanilang mga aralin sa Science at Mathematics na lubhang napakahalaga sa pagsusulong ng mga bagong kaalaman sa pagpapapaunlad dahil itinuturo sa ingles. Kaya naman ipinatutupad ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) kung saan sa Grade 1 to 3 ng elementary education, ang pagtuturo pati na ang mga kagamitan para rito, at ‘assessment’ o pagtataya ay isinasagawa sa lokal o wikang pang-rehiyon ng mga mag-aaaral. Kaugnay nito, may ‘language bridge program’ naman na isinasagawa para sa paggamit ng Filipino at English mula Grade 4 hanggang 6 upang dalawang wikang ito ang maging pangunahing wikang kasangkapan sa pagtuturo sa sekundarya o hayskul.
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
MOTHER TONGUE...
Maganda ang layunin ng mother tongue bilang wika sa pagtuturo sa pamamagitan ng pagpapatatag ng pundasyon nito sa pagkatuto at kapagdaka ay sa pagtatawid sa kasanayan sa ingles para sa Science and Math. Bagama’t mayroon mga hamong kaakibat sa pagpapatupad nito na nakakaapekto sa kalidad ng edukasyon sa ating bansa sanhi ng mahinang pagkatuto ng ating mag-aaaral, ay hindi malayong makakamit din natin ang layuning ito kung ating pagsisikapan at lahat ay magtutulung-tulong.
Read, Share and Subscribe:
IN FACT, MATH-ALINO!
https://www.prosperlife thrueducation.com/post/reading-experience
August 28, 2021
Comments