top of page

TOUCH ME NOT



 

Nabasa mo ang Noli ni Rizal?


May estudyanteng tinanong kung ano ang paksa ng Noli, ang isinagot ang mga nangyari sa nobela. Teka … paksa ang tinatanong, hindi ang buo ng kuwento! See …? Dito palang ay mahihinuha na natin ang problema sa pag-unawa sa binasa. Alam ang buong pangyayari, pero ang pinakap paksang-diwa o tungkol sa kuwento ay hindi nauunawaan. Pero, kapag tinanong mo kung tungkol saan baka maintindihan na tungkol sa pang-aapi ng mga kastila sa mga Filipino noon. Ngunit ganoon lamang ba kababaw para bigyan obra-maestra ni Rizal ang katagang Touch Me Not ang kahulugan ng Noli Me Tangere o sa tagalog ay huwag Mo Akong Salingin?


 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407

Kris Torres 639499704741





 
TOUCH ME NOT...

Sariwa pa sa aking alaala kung paano tinalakay sa amin ng aming guro ang kahulugan ng Noli Me Tangere na hinango sa Bibliya. Ito ay noong mamatay si Hesukristong Panginoon at muling mabuhay pagkaraan ng ilang araw. Nagpakita si Hesus kay Magdalena at ibig sana siyang hawakan. Siguro ibig tiyaking buhay nga siya matapos mamatay sa pagkakapako sa krus at ilibing. Ang winika ni Hesus, “Huwag mo akong salingin, sapagkat hindi pa ako nakakaayat sa langit.” Ang paglalahad na ito ay batay sa naging talakayan namin sa klase. Inaral din naming na ang Noli ay tungkol sa kanser sa lipunan na saktong paglalarawan sa malupit at walang katarungang pamamahala ng kastila sa mga Filipino. Ang tao at lipunan na dumaranas ng sakit ng kanser ay hindi magawang hawakan ninuman. Siguro, dahil hindi pa naman kasi kami artikulado sa panitikan kaya hindi namin ganap na naunawaan ang ibig sabihin ng Touch Me Not sa kabuuan ng nobela. Nang naging guro na ako, saka ko naunawaan na dapat pagkatapos mabasa ang buong nobela ay nagkaroon ng pagbubuod ng nobela sa sariling pag-unawa ng mga mag-aaaral saka hingin ang paksang-diwa upang mapag-iba ang paksa at kuwento ng pangyayari.


Basta ba tungkol sa pang-aapi o may malalim pang kahulugan ang Noli sa Huwag Mo Akong salingin?


 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 63949970474



 
TOUCH ME NOT...

Pagkaraan ng walong taon, nabasa ko (dahil nakahiligan ko pang lalo ang pagbabasa bilang guro) ang isang buod ng thesis mula sa Graduate School ng Arellano University na may pamagat na A Balanced Thesis of 1896 Revolution ay saka ko naunawaan nang na ang paksa ng Noli Me Tangere ay may kinalaman sa ating National Identity o Pagkakakilanlan bilang Filipino na binura ng mga mananakop na kastila sa pamamagitan ng huwad na pagpapaniwala na itinuro ng mga prayle at ng pang-aabuso ng kasundaluhan ng mga kastila o guardia civil sa pamamahala ng Kapitan-Heneral na isinugo ng Hari ng Espanya dito sa ating kapuluan noon para mamahala. Kasama na rin sa pang-aapi sa mga katutubong Filipino ang mga peninsulares (mga kastilang isinilang sa Espanya na naparito sa Pilipinas) na siya ring mga taga-udyok sa kaparian at pamahalaan sa pang-aapi sa ating mga kababayan noon. Kasama rin sa mga inapi ang mga intsik na naparito sa ating bansa pati na ang mga insulares o mga kastilang isinilang dito sa ating bansa. Hala kayo, may dugong intsik si Rizal sa father side, samantalang ang kanyang in ana si Donya Teodora ay ¾ Chinese at ¼ Spanish.


 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407

Kris Torres 639499704741




 
TOUCH ME NOT...

Maling pagpapaniwala ng mga prayle ang sa halip na gawing maka-Diyos ang pamamahala sa atin ay taliwas din sa pagkamaka-tao na pinairal ng kasundaluhan ng kastila o guardia civil. Higit na naging makapangyarihan ang simbahan noon kumpara sa pamahalaan dahil sa bulag na pananampalatayang umiral sa karamihan. Imadyin, masusunog daw ang kaluluwa ng mga lumalaban sa simbahan, pwede bang masunog ang kaluluwa na ‘immaterial?’ Bunga nito, sa sobrang hirap na dinanas ng mga Filipino noon ay nawalan na sila ng pagpapahalaga sa kanilang sarili. Hindi na nila kilala ang sarili nilang pagkatao at liping pinagmulan, kaya tinawag silang indio o mababang uri ng tao.


 

Sir Bogir Torres

Mobile number: 09272450838



 
TOUCH ME NOT...

Ang malagim na takot na ikinintal sa kanila ng mga prayle bilang erehe (kalaban ng simbahan) at pilibustero (kalaban ng pamahalaan) ang tuluyang sumupil sa kanilang pagkakakilanlan. Katunayan pa, dahil sa mga kaganapan inilahad sa Noli ay umabot sa tatlong daan-tatlumpu’t tatlong taon (333 years) na nasa ilalim tayo ng mga kastila. Dahil sa takot sa benggansa ng simbahan at pamahalaan ay hindi kaagad-agad na nagka-isa ang mga Filipno upang lumaya. Hindi rin kasi nagbigay ng edukasyon ang mga kastila sa mga katutubong Filipino, sapagkat ibig nilang maging mangmang at sunud-sunuran ang mga ito sa kanila. Ang edukasyon ay ipinagkaloob lamang sa mga lahing kastila at iyong mga magulang ay naging mangangalakal na karaniwan ay may dugong Intsik tulad ng pamilya ni Rizal.


 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741

ADS: Hala, May Halinmaw.


 
TOUCH ME NOT...

Mahalaga ang pagkakakilanlan sa sarili sa tinatawag na national consciousness para umusbong ang pagiging makabayan. Sa pelikulang Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? ang Seach for Filipino Identity ang binigyan paksa ni Eddie Romero noong panahaon Kastila at pananakop ng mga Amerikano mula sa pag-unawa ng kahulugan ng katagang Filipino at ang pagkakamit nito. Sang-ayon sa pelikula, ang pagiging Filipino ay katumbas ng kahandaan at pagtanggap sa mga responsibilidad para sa ikabubuti ng bayang Pilipinas na napakahalaga sa panahong noon para sa paglaya, at sa ngayon, sa panahon ang ating bayan ay nasa matinding pagsubok ng epidemya na lubhang nakakaapekto sa kabuhayan ng lahat kung kaya’t marami ang lugmok sa kahirapan. Ganito tayo ngayon paano naman ang susunod nating henerasyon. Ang Huwag Mo Akong Salingin ay tumutukoy sa pag-respeto sa pagkatao ng ating kapwa, maging sa ating sarili sa pamamagitan ng pagpapanatili ng sarili nating pagkakakilanlan bilang Filipino. Ang sinasabi nga sa isang makabayang awitin – Ako ay Filipino, ang dugong maharlika. ‘Ika pa nga, Sa aki’y katutubo Ang maging mapagmahal. Paano mo pinatutunayan ang pagiging Filipino mo sa panahon ngayon?


Read, Share and Subscribe:

IN FACT, MATH-ALINO!

https://www.prosperlife thrueducation.com/post/reading-experience

Comments


bottom of page