top of page

EXPERIENCE














 

“Kung ano man tayo sa ngayon,

ay bunga ng karanasan hindi lamang ng pag-aaral, bagkus, ng bawat ating karanasan sa pagkatuto.”


Sa mga sandali ng ating buhay, mayroon tayong pag-angat at pagbagsak. Samantala, kung pakakaisiping nating mabuti ay may matututunan tayong magandang aral – maganda man o pangit ang ating karanasan. Kaya sinasabing “Life is an experience to learn.” Ang sabi nga, “No matter how much we learn from the books there is a significant difference between practical and theoretical experience.”Bookies ka ba o smart sa buhay? Iba pa rin ang matututunan sa karanasan dahil mas praktikal dahil ang aklat ayawin man natin o hindi ay theoretical o pala-palagay pa lamang na maaaring mangyaring totoo o hindi; depende pa rin sa takbo ng pangyayari, ngunit sa buhay, aktuwal ang pagkatuto.

 

Ang experiential learning na sinasabi ay kilala rin na EXL. Ang prosesong ito sa pagkatuto ay sa pamamagitan ng karanasan. Mas ispesipiko at ganap itong learning through reflection on doing kung saan ang bawat ginagawa natin ay dapat pinag-iisapan nating mabuti sa pamamagitan ng pagmumuni-muni. Sakaling mangyari ito, lessons learned na! Sa talinghaga ng karunungan ni Samuel Smiles ay pinaliwanag niya na “Practical wisdom is only to be learned in the school of experience. Precepts and instruction are useful so far as they go, but without the discipline of real life, they remain of the nature of theory only.” Magkaganito, hindi ka bookies sa kaalaman dahil husto sa karanasan ang iyong natutunan at math-alino ka na sa aktuwal na buhay. Later on, magiging man of wisdom ka na sa galling ng iyong karunungan at mangangaral ka na ng iyong mga karanasan para sa iba!

 

Una kong natutunan ang malupit na karanasan ang walang ipon noong maospital at mamatay ang aking ama na wala kaming ipon na pera dahil katatapos ko lamang noon ng pag-aaral sa kolehiyo. Akala ko pa nga noong una hanggang doon lamang ang dapat kong matutunan, ngunit mayroon pa palang iba na dapat kong malaman tulad ng pamumuhunan para mapalago ang ipon. Kaya laking pasasalamat ko sa Pru-Life at Sun Life. Dahil sa kanila natutunan kong mag-ipon at mamuhunan kahit paunti-unti. Maging ang aking pamilya ay ganito ang ginagawa.

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407


Dear Wives/Husbands,

Life Insurance is NOT an EXPENSE. Help your husband/wife make a better decision.

Be an #InsuredMister and #InsuredMisis now. It's one of the best gifts for your family.

Lalo na this time of pandemic, kelangan ng enough protection. Health is wealth! Invest in your health, more than anything.

I can help you set up your insurance policy. Let's meet online!

ctto

 

Kung tutuusin, nasasaatin na rin kung paano natin pag-aaralan at matutunan ang bawat karanasan. Kaya nga sa blog na ito ay hindi lamang sarili kong karanasan ang ibinabahagi ko kundi pati na ang mga nabasa kong karanasan ng iba’t ibang tao upang magsilbi sa ating lahat ng magandang aral at upang huwag na nating sisihin ang kapalaran na walang kamalay-malay dahil tayo naman ang nag-iisip para sa ating buhay at ang sarili nating kagustuhan pa rin ang mangyayari para maging ganap na kapalaran.

 

Kung may pagsusulit sa Paaralan ng Kaalaman, mayroon din sa Paaralan ng

Buhay.

Mas mahirap ito dahil hindi puwedeng may kopyahan dahil kapag nagkamali

tayo ay sira na ang ating buhay at kapalaran.

Nagmarka sa aking isipan ang sinabi ni Vic at Avelynn Garcia sa kanilang aklat na May Pag-asa pa ba ang Pilipinas? Sang-ayon sa kanila “there are three (not two na inaakala natin) kinds of people in the world.” Pero sa akin naman natutunan sa karanasan, may tatlong uri talaga ng tao - ang naloloko, manloloko at hindi magpapaloko (dahindi sila luko-luko). Saan ka napapabilang sa kanila?

 

Para kina Vic, ang tatlong uri ng tao ay WISE, sila iyung mga taong natututo sa pagkakamali ng iba. Samantala, ang FOOLISH, ay ang mga taong natututo sa kanilang sariling pagkakamali. Kaya very aware agad sila. Pero, para sa akin mas magandang maging FOOLISH-WISE, ang matuto tayo sa sarili nating pagkakamali at pagkakamali ng iba. Dahil kung matututo tayo agad sa pagkakamali ng iba, hindi malayong maiwasan natin ang pagkakamali ng nila dahil napag-aralan na natin sa kanila ang nangyari at hindi natin gugustuhing mngyari sa atin. Samantala, STUPID ang pangatlong uri ng tao na hindi matuto-tuto sa sarili nilang pagkakamali at pagkakamali ng iba. Mahirap maunawaan sa marami sa atin kung bakit nga ba at walang kadala-dala sa buhay. Dahil alam na nilang mali, sigue pa rin sila!

 

"Bakit ka gagastos sa kuryente ng mahal kung may solar Christmas lights naman?"

Php 400.00 only, 100 bulbs, available in gold, blue, green colors,

send your order to Kris – 639499704741.



 

Para sa akin, ang bottom line ng pagkakakaiba ng tao ay kung gaano siya kadalas maging wise, foolish at stupid sa buhay. Mahalaga itong sinusuri natin sa ating sarili dahil ito ang magsasabi kung anong buhay ang tinatahak natin at aabutin pa! Kaya nasabi ko na noong una na “We, are the total/total of our experience” na napag-aralan namin sa Psychology noong nasa kolehiyo pa ako. Naunawaan ko lamang siyang mabuti nang pumalaot na ako sa mismong Paaralan ng Buhay. Sa karanasan ko siya higit na naunawaan at natutunan.

 

Sinasabing pinakamalupit na guro ang karanasan. Makulit siya at paulit-ulit niyang ipadarama ang sakit ng kabiguan hangga’t hindi natin natututunan ang aral sa buhay. Hindi nga ba’t may sumbat ng sakit ng kalooban ang awitin ni Gary Valenciano ang – Hindi na Natuto? Hindi natin naisip dito ang sinasabi ni math-alinong Albert Einstein na Insanity is doing the same things over and over again and expecting different results.” Baliw ba o nahihibang-hibang lamang ang tao? Pero malamang kulang sa kaalamanan o matigas talaga ang ulo dahil hindi math-alino? Tandaan natin, Mistakes are how we learn and develop.” Makikita ito kung may pagbabagong sa ating sarili at sa ating buhay. Hindi pare-parehas lang, gaya nang dati! Kaya ang tanong, kung natututo ba tayo sa ating mga karanasan? O bahala na si Batman kung wala si Robin! Ang payo ko taun-taon ay gumawa tayo ng plano ng pagbabago ng pag-unlad sa ating buhay.

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741


 

Huwag laging iwas-pusoy sa problema sa buhay. Gamitin ang natutunan sa paaralan o sa mga mababasa sa blog na ito at bigyang-daan na magkaroon ng karanasan, sapagkat matapos lamang nating gamitin ang kaalaman saka natin ganap na mauunawaan ang totoo at bisa ng ating pinag-arang kaalamanan. Ang mga pangyayari sa buhay mismo ang magmumulat sa atin na hindi lahat ng ating gusto ay makakamit natin kaagad-agad dahil doon lamang papasok ang takda ng kapalaran.

 

Isipin natin ang sinabi ni dating Presidente Erap, weather-weather lang ang buhay. Alam dapat natin ang takbo ng panahon sa ating buhay kung binubuwenas ba o inaalat. Ngunit, hindi ibig sabihin tayo ay hindi kinakasihan ng kapalaran ay titigil na tayo sa pagpupunyagi. Go on pa rin at mag-abang-abang at huwag ka’gad husgahan ang kapalaran ng ganoon kadali. Ang sabi nga ni Jim Horning sa atin “Good judgement comes from experience, and experience comes from bad judgement.” Hindi natin alam ang mga susunod na kaganapan kaya raw may “Abangan ang susunod na kabanata.” Exciting, hindi ba kaysa sa walang nababago?


 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741

 

Huwag matakot magkamali, sa halip bigyan-halaga ito sa bawat matututunan. Nakapaloob sa karanasan natin ang pagpapapatatag ng kalooban sa mga pagsubok sa buhay hindi lamang sa kaalaman at kakayanan. Kung magpupursigi tayo sa ganitong ugali, higit pang kasiyahan ang madarama natin sa bawat pagtatagumpay. Ang payo nga sa atin, “Playing active role in the learning process can lead us to experiencing greater gratification in learning. Ang theory of experiential learning ay unang ipinanukala ni David Kolb, isang mahusay na psychologist na dalubhasa sa pag-aaral ng ugali at gawi ng tao sa bawat karanasang nangyayari sa buhay sangkot ang mga iba pang salik na nakaapekto rito tulad ng pagkilala at pag-unawa sa mga nalalaman, kapaligiran at kalooban habang nagaganap ang proseso ng pagkatuto.

 

May math talaga sa math-alino kung alam ninyo ito. Thus, we we need to add more knowledge and minus experience. Ibig sabihin, araw-araw ay pag-aralan natin ang ating buhay sa pamamagitan ng pagbabasa upang sa ganoon ay alam natin ang dapat nating alisin o ibawas sa ating karanasan na posibleng makabigat pa - lalo na ang mga kabiguan. Move on lang sa buhay dahil ang mundo ay hindi tumitigil sa pag-ikot, gayundin ang ating kapalaran.


READ, LIKE, SUBSCRIBE and SHARE

 

Comments


bottom of page