top of page

GRATITUDE



 

Every morning “gising” is a blessing!

Ibig sabihin tayo ay magpasalamat sapagkat may chance pa tayong pagbutihin ang ating buhay.


Bago pa maganap ang pandemic ng Covid -19, ang dami nang reklamo ng iba sa atin sa buhay gaya ng araw-araw na pagpasok sa iskuwela at trabaho. Tapos, sobrang trapik pa sa umaga. Nang magkaroon ng lockdown at lumuwag ang kalsada dahil lahat halos tayo ay nasa bahay online classes at work-from-home mode na ay reklamo pa rin tayong nakababagot sa bahay. Hindi yata natin naisip na mabuti na ang ganoong lagay kaysa sa magkasakit at hin

di malaman kung makaliligtas pa. Hindi rin natin na naisip na at least may bonding time ang family na dati ay kani-kaniyang lakad at lamiyerda. Natututukan na ni nanay ang pag-aaral ng kanyang mga tsikiting at kasama rin si tatay, kuya, ate at si bunso. Mas nagkakaroon ang lahat na magtulungan sa mga gawaing bahay. Nakatitipid pa sa gastos sa pamasahe at baon. Tipid oras din at maraming magagawa sa bahay. Marahil, kung mumuniin natin ang mga kabutihan dulot ng pagsubok ng pandemya ay saka natin makikita ang kabutihan dulot nito. Kaakibat nito ay dapat tayong magpasalamat.


 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741


 
GRATITUDE...

Ang gratitude o pasasalamat ay sagisag ng marangal na kaluluwa Isang kadakilaan ito ng taglay na nasa isipan. Bihira ding mayroon ang ibang tao ng ganitong ugali. Nauuuna kasi ang isipang negatibo. Ang kaisipiang “Gratitude is the sign of the noble souls” ay orihinal na nagmula sa kuwento sa Aesop. Sang-ayon sa kuwento, si Androcles ay isang alipin na nakatakas at nakarating sa gitna ng kagubatan. Doon ay naabutan niya ang isang leon na na aksidenteng matinik nang malalim sa kanyang kukong pangalmot. Naawaan ni Androcles. Inalis niya ang ang tinik sa paang pangalmot ng leon. Kalaunan na nangyari sa kuwento ay nahuli si Androcles at ang leon. Inutos ng emperador na itapon si Androcles sa pinaglagyang kulungan ng leon. Nang makaharap ni Androcles ang guton na leon ay hindi siya kinain nito, sa halip siya ay binati nito sa pamamagitan ng pagdila sa kanyang mapagpalang kamay. Nang masaksihan ng emperador ang pangyayari ay pinalaya niya ang dalawa. Nagtapos ang kwento sa isang moral, na aral sa buhay na “Ang pasasalamat ay tanda ng mga mararangal na kaluluwa.”


 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407

Kris Torres 639499704741



 
GRATITUDE...

Marami sa atin ang nakakaunawa sa kahulugan ng pasasalamat, ngunit hindi ganap na nauunwaan ang diwa nito. Karaniwan ay pasasalamat lamang sa mabuting biyaya ng buhay, ngunit sa hindi kagandahan o kabutihan ng ibang pangyayari, ang nagiging sukli ay reklamong walang patumangga. Hindi natin ganap na nauunawaan na ang passalamat sa kung alinman mayroon o mangyari ay susi sa kaligayahan kung gagawin nating positibong ugali sa araw-araw na buhay ay lalo pang maaayos ang ating pananaw at ang magiging kaganapan sa ating pamumuhay. Kapag pinili natin ang buhay na tigib ng pasasalamat, magkakaroon tayo ng mas mabuti at magandang pananw sa buhay.


 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407




 
GRATITUDE...

Sang-ayon kay Leo Babauta, ang taong namumuhay na laging may handang pasassalamat ay nagpapa-alala na kailangan nating maging positibong. Na ang pasasalamat ay nakapagpapabago rin ng hindi kagandahang dulot tungo sa magandang pangyayari. At ang pagiging thankful ay nagdadala ng magandang buhay sa hinaharap. Magkaganito, ang sinasabi naman ni Melody Beattle ay “Gratitude makes sense of our past, brings peace for today, and creates a vision for tomorrow.” Katumbas na rin ng gratitude ang kakuntentuhan natin sa buhay. Maaaring sabihin nating maganda sa salita ngunit hindi ganoon kadaling gawin. Ngunit ang siyensiya ng pag-aaral ay nagpapatunay na kung tayo ay maligaya at kuntentado ay madali sa atin ang magpasalamat sapagkat bukas ang ating isipan at kalooban. Maging ang ating pisikal na kalusugan ay ay napapabuti sapagkat inaalis ng taos pusong pasasalamat ang toxins o mga lason sa ating katawan. Naiiwasan natin magkaroon ng sama ng loob at galit. Makatutulong din ang pasasalamat upang mawala rin ang depression natin o kalungkutan at panghihinayang sa buhay. Higit na nagkakaroon tayo ng empathy o pakikiramay sa kapwa at nakaaalis rin sa ating mag-isip ng masama o maghiganti. Sa ganitong paraan ay lalo pa nating napapalakas ang ating mental health upang maging mahinahon at matatag sa mga pagsubok.


 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741



 
GRATITUDE...

Nasaan na kayo sa inyong buhay? Maligaya ba kayo sa mga sandaling ito? Kung isinasagawa mo ang pasasalamat kahit sa palagay mo ay tila mababaw sa iyong paniniwala, may makikita pa rin kayo ng kaibahan; kagaangan ng kalooban. Subukan ninyong ieksperimento. Magkaroon kayo ng layunin sa buhay tulad ng paggawa ng something special sa ibang tao gaya ng pangaral sa paying it forward. Kahit sa simpleng pasasalamat at ganti sa kabutihang ipinakita sa atin ng ating kapwa ay sapat na upang makapagpaligaya sa ating sarili at sa ating kapwa. Lagi tayong magpasalamat sa mga hamon sa buhay na hinaharap. Isiping ito ay pagsubok upang tayo ay higit pang magiging matatag at may matututunan tayong mabuting aral. Ang paalala sa atin ni Kirstin Armstrong hinggil dito. “When we focus on our gratitude, the tide of disappointment goes out and the tide of love rushes in.” Matututo pa tayong magmahal ng tunay kahit sa simpleng pasasalamat sa mga mumunting bagay.


Maraming salamat sa pagbabasa at pagsasabuhay ng aral ng gratitude.

Comments


bottom of page