Kaya mo bang turuan ang iyong puso?
Para maging matalino ang tao kailangang maunawaan niya ang heart of intelligence.
Tatlong puso siya ng talino na hindi natin karaniwang nalalaman kasi isip lang tayo ng isip kadalasan at wala pang feelings ang iniisip.
Sang-ayon sa pinakabagong scientific research ay mayroon daw tatlong utak ang tao, hindi lamang isa na gaya ng alam nating lahat! Ang tatlong brains ng tao - ang complex (kumplikado na mahirap maunawaan), adaptive (umaangkop sa kalagayan) at fully functional (nagagamit kung kinakailangan) sa tinatawag na talino ng puso. Kabilang sa brains o utak na binabanggit ay iyong talagang nasa heart (puso), ngunit mayroon din sa gut (lakas ng loob) at sa ating head (mismong nasa ulo). Pero para raw maging matalino, kailangang gumana ang tatlo nang mahusay alinsunod sa kani-kanilang tungkulin.
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407
Kris Torres 639499704741
HEART OF INTELLIGENCE...
Ang ‘heart intelligence’ ay ang daloy ng matalinong kutob o pandama, pang-unawa at inner guidance (panloob na pagsubaybay) na spirituwal na nakapaloob sa ating katauhan na nararanasan natin kapag ang iniisip ng utak at damdaming nadarama ay nagkaugnay sa puso. Halimbawa nito sa punto ng matalinong kutob, kapag naaala natin ang isang tao o kaya tayo ang kanyang naaalala, ibig sabihin nito ay naiisip niya tayo bunga ng pagmamahal. Simplihan natin sa gut … bakit natin katatakutan ang isang bagay kung alam naman nating para sa kabutihan at walang masama sa ginagawa natin? Alalahanin natin ang mabuting puso ay nagdadala ng magandang isipan. Ang inner guidance na nagbibigay sa atin ng babala sa maaaring mangyari gaya ng pangitain, panaginip o bulong.
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
HEART OF INTELLIGENCE...
Ang ‘heart intelligence’ ay may higit na mataas na lebel ng kamalayan na nagmumula sa puso kapag isinama at ganap na napapaloob sa damdamin. Samantala, ang talino ng utak ay nagbibigay ng kakayanan sa atin na maging buo, makatotohanan, nakahanda, nakakonekta at direktado ng puso sa bawat pangyayari sa buhay upang sa gayon ay makaganap tayo ng mataas na lebel ng pagganap, pagkamalikhain, matalino at analitikal mag-isip. Maari natin itong gawing aktibo sa pamamagitan ng ensayo sa ating mga nararanasan.
Paano nangyayari ito?
Mangyari ang puso ng tao ay mayroon 40,000 neural cells. Ibig sabihin ay may sarili itong nervous system (sistema ng nerbyoso, hindi iyung kabado kundi pandama) na nagdadala ng impormasyon sa utak bunga ng pandama patungo sa puso. Kapag nagpasalamat tayo sa nagawang kabutihan ng ating kapwa, nagiging malugod ito sa kanyang puso. Batay na rin sa larangan ng ‘biophysical’ o kapaligiran aspeto, kada pintig ng puso ay lumilikha ng alon na nagpapadaloy sa dugo sa mga ugat-ugat ng katawan na nagbibigay ng lakas ng signal para sabay-sabay ang mga cells o sellula sa ating katawan para gumana. Kabilang dito ang nasa utak para maunawaan at maramdaman ang isang mensahe. Ang mataginting na pagbati ng “Congratulations!” ay nagpapasikdo ng ibayong kasiyahan sa binati!
Sa kabilang banda, sa aspetong hormonal, ang puso ang siyang taga-prodyus ng hormone na ANF – Atrial Natriuretic Factor ng endocrine gland para kontrolin ang blood pressure, adrenaline (hormone na bunga ng stress o pressure na maaring magdulot sa ating ng lakas ng loob o panghihina), dopamine (ang compound na tagapanguna at naghahatid ng mensahe sa ating isipan at puso) at oxytocin ( ang hormone ng pag-ibig). Ang oxytocin ang pumapawi ng takot at nagpapayabong ng tiwala at kabutihang-loob sa ating sarili. Samantala sa antas naman ng ‘electromagnetic’, mayroong 5,000 dami ang puso kaysa sa utak kaya kadalasan nananaig talaga ang gusto ng puso o higit na nakagiging makapangyarihan ang damdamin. Lakas nga raw makakuryente o maka-magnet!
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 63949970474
HEART OF INTELLIGENCE...
Tinalakay ng Derbyshire Community Health Services and Quick Coherence Technique ang kalagayan ng coherence o pagkaka-ugnay-ugnay ng tatlong ‘heart of intelligence’ upang mapanatili nating maayos ang ating mental (isipan), emotional (damdamin) at well-being (kabutihan ng sarili). Ang coherence sa anuamang sistema kabilang ang sa katawan ay tumutukoy sa lohikal at maayos na magkakasundo ang bawat bahagi ng katawan sa pagganap ng kani-kanilang tungkulin.
Kung titingnan natin sa aral ng physics (science of motion o galaw bunga ng enerhiya) kapag magkakaugnay ang lahat ng bahagi ng ating katawan ay walang enerhiya o lakas na nasasayang, sapagkat ang buong sistema ay gumagana nang mainam. Kumbaga, magkakaka-agapay ang kilos ng puso, respiratory system (hingahan) blood pressure at pintig ng puso. Dahil dito ay nananatili tayong kalmado, nasa tamang lakas ang ating enerhiya, malinaw ang isipan natin at ang immune system na pananggalang sa karamdaman ay nasa ayos na gumagana. Ang bawat isa nito ay nakatutulong sa pagtatamo ng maayos na ugnayan.
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
HEART OF INTELLIGENCE...
Isa sa simple at madaling paraan upang matamo ang coherence o ugnayan ng mga bahagi ng ating katawan ay sa pamamagitan ng sinadyang postibong damdamin na ikukundisyon ng utak. Kabilang dito ang pagkahabag, pangangalaga, pagmamahal pasasalamat at iba pang kalooban ng kasiyahan. Kabaligtaran naman nito, hindi nagiging maayos ang sistema ng pisikal na pangangatawan kapag nakararanas tayo ng negatibong ugali at kalooban gaya ng galit, takot at pagkabahala.
Upang mapawi ang negatibong emosyon , masdan ang bahagi ng inyong puso, puwedeng ipatong ang kamay sa bahagi ng puso at huminga nang malalim tulad sa inhale-exhale hanggang makaramdam ng kaluwagan ng dibdib sa hindi magandang nadarama bunga ng negatibong emosyon. Damahin ang positibong kalooban sa pamamagitan ng paggunita sa maliligayang pangyayari sa buhay hanggang mapawi ang lahat ng pangamba.
Ngayon kaya mo bang turuan ang iyong puso?
Huwag hayaan ang isipan na makapangyayari sa madarama na nagmumula sa puso.
Read, Share and Subscribe
IN FACT, MATH-ALINO!
https://www.prosperlife thrueducation.com/post/heart-of-intelligence
Comments