Nabasa mo na ang mga nakatakot na post sa facebook hinggil sa Covid-19 na hindi naman daw talaga isang malaking pandemya kundi plandemya at sangkot pa ang kung sinu-sinong mayman sa mundo? Inimadyin mo ba kung totoo ito para mas higit na maunawaan mo sa iyong matalas na isipan sa pamamagitan ng pagmumuni-muni? Noon kasi ay nagkaroon din ng pagtatalo kung paano nagkaroon ng ideya si Sir Isaac Newton hinggil sa ‘gravity.’ Beyond imagination pa naman kung iisipin ang kahulugan nito. Ang nakabisa ko ngang depenisyon ng gravity noong nag-aaral ako na natatandaan ko pa ay “attraction towards the center of the earth.” Haiyysst di ko naman maunawaan kung nasaan ang center of the earth na sinasabi hanggang sa pumasok ang aralin ng Earth Science at ipinalagay ko na lamang basta na mayroong atmosphere, litosphere at haydrosphere at nasa gitna nito ang attraction. Bago naisip ko pang baka yung three layers ng earth – the crust, the mantle and the core. Ang labo! Hindi ko pa rin ganap na maunawaan kasi nga hindi naipaimadyin o piankit man lang sa larawan. Kaya importante talaga ang paggamit ng visual aids sa pagtuturo ng mga guro. Hindi siya basta larawan, kundi nagpapaliwanag ng kaisipan.
For more information, please contact:
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
Ang bente mo barya na ngayon.
Inflation
Aren't you afraid? 5-10yrs from now baka ang 100 pesos, coins na lang din..
Yung value ng pera pababa ng pababa, ang gastusin pataas ng pataas! Kaya this is the right time to do more in your 2021! Because you deserve even more!
Start this year by investing with PROTECTION
Invest it wisely.
ASK ME HOW!
Nagulo pa lalo isipan ko sa kuwento naman ng legendary story ng apple and gravity ni Newton. Ang palagay sa kuwento ay nakita ni Newton na bumagsak ang mansanas mula sa puno papunta sa lupa. Biglang, may Aha! moment na nangyari. Ngunit may nagsabi naman sa ulo ni Newton bumagsak ang mansanas, kaya paano niya makikita ng sakto ang paliwanag sa law of gravity? Ang posibilidad, baka sa tabi ng kinauupuan niya bumagsak ang mansanas at maliwanag na nakita niya ang pangyayari kaya nagkaroon siya ng ideya. Sa totoo lang, hindi naman sa ganitong kadali o aksidenteng pangyayari nabuo ang Law of Gravity ni Newton gaya nang sa kung anu-anong naisip kong palagay sa pangyayari. Kung lohikang iisipin, nakita mismo ng mga mata ni Newton na bumagsak ang mansanas diretso sa lupa – horizontally. Pero bakit hindi pahalang o kaya pataas mula sa puno? Isang bagay ang palagay kong totoo, bago pa man siguro ang pangyayari ay nasa isip na ni Newton ang tungkol sa gravity. Hindi niya lamang maimadyin kung paano ipapaliwanag, ngunit sakto naman naganap nga ang ‘apple fall story’ kaya nagkaroon siya ng ideya.
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Kapag inimadyin natin ang isang bagong bagay, nagkakaroon tayo ng mas maliwanag na ideya kung paano natin ito mauunawaan at maipapaliwanag. Nagiging malikhain rin ang ating isipan para malunasan ang alinmang iniisip nating suliranin. Ngunit, kapag hindi natin iniimadyin, wala lang, hindi tatakbo ang ating isipan – stop na siya sa kanyang kalagayan at pinaniniwalaan! Naimadyin mo ba sa pelikula ni Tony Ferrer noon na The System ay matagumpay na nakapang-hold-up ng bangko ang mga bulag? Siyempre kung imbestigador ka, matapos mong imadyinin itong pambihirang pangyayari ay mangangalap ka ng ebidensiya – nang palatandaan kung paano ito mangyayari. Ang teoriyang naisip mo ang gagabay sa ebidensya na magpapatotoo sa hinala mo hanggang sa ganap na makumpirma mo ang totoo at buong pangyayari.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Kakatwa ngang sa sistema ng ating edukasyon ay mapupuna nating hindi gaanong nabibigyang pansin ang paggamit ng imahinasyon sa pagkatuto ng bata, gayung sinabi na sa atin ni Einstein na “Imagination is more powerful than knowledge.” Kaya naman tuloy, marami ang hindi nalilinang ang ‘critical thinking’ na ninanais sa pagkakamit ng pinakamahusay na talino. Kung minsan naman ang estudyante pa mismo sa labas ng kanyang inaaakala niya natutuklasan ang tulong ng imahinasyon sa epektibong pag-unawa ng mga pangyayari. Karaniwan kasi ay nilelebel lamang sa atin ng ibang tao ang imahinasyon bilang pantasya na walang kapararakan na hindi puwedeng magkatotoo. Hindi natin nauunawaan na mahalaga imahinasyon hindi lamang para maging malikhain ang isipan kundi para mas malayang mabuksan pa ang ating isipan sa mga posibilidad ng pangyayari. Ito ang sadyang dahilan kung bakit ang mga bata ay kailangan ding manood ng mga fantasy or fairy tale stories upang mapalo sa kanilang isipan ang mga bagay na imposible na maaari din naman maging posible kung pag-aaaralang mabuti at pagsisikapang makamit gamit ang mabisang paraan.
Remember: “Imagination is what stays when teachers are gone from their students’s lives. It’s what students students have taken from a creative classroom and into real life.” Bagama’t mahalaga ang basikong kaalaman (basic knowledge) at mga facts sa pagbuo ng karunungan, ang imahinasyon naman ang sintesis o kabuuan ng lahat ng kaalaman sa pagkatuto sa isang bagay nang may ganap na pag-unawa. Nag-uudyok ito ng pagtuklas ng iba pang kaalaman sa malikhaing paraan. Pinatatalas nng imahinasyon ang isipan sa problem-solving skills. Nakakatulong ito upang malagpasan ang mga pagsubok sa buhay, trabaho o pag-aaaral. Napapatalas pa ang ating memorya dahil nagiging curious tayong malaman ang mahalagang bagay-bagay. Hindi lamang sa pagguhit ng larawan o pagpipinta malilinang ang imahinasyon, sa simpleng pagluluto o pag-awit na kada gagawing gawi ay lalo pang napghuhusay. Kahit ang pagmamasid sa museum o pagbabasa ng nobela ay nakakatulong din sa paghahasa ng imahinasyon batay na rin sa mge siyentipikong pag-aaral.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
Sa ganang paniniwala ni Seely Nrown, ang art and music ay mahahalagang bagay sa paglilinang ng imahinasyon ng isipan. Lingid sa kaalaman ng marami, si Albert Eistein ay mahilig tumugtog ng biyolin, lalo na kapag pagod na ang kaniyang isipan. Hindi sinasadya sa ganoong sandali niya nauuunawaan ang mga gumugulo sa kanyang isipan at mas malinaw niyang naiimadying ang karunungang mabubuo sa isipan niya sa pamamagitan ng imahinasyon. Ang paglalantad sa mga bata hinggil sa karunungan at kasanayan dito ay mahalaga upang sila ay maging imaginative. Ganito, mahigit kumulang ang naging bunga naman ng pagkakabasa ko sa kuwento ng Mariang Kalabasa na talaga namang sa edad kong sampung taong gulang ay napa-isip at napaimadyin ako kung paaanong ang isang buong malaking kalabasa ay naipasok ni Maria sa isang tapayan na maliit lamang ang bungad na papasukan. Imadyinin mo ngayon ito kung paaano ito mangyayari. Math-alino ka kapag naisip mo.
Read, Share, and Subscribe.
コメント