top of page

INTRO: IN FACT, MATH-ALINO

Updated: Sep 30, 2020

Ang inyong lingkod ay hinubog ng mga kakaibang karanasan sa buhay sapul sa pagkabata.

Natutunan ko ang lahat ng bagay na ito at ibig kong ibahagi sa inyo bilang karunungan sa buhay.



Sa pagiging positibo, itinuring kong ang lahat ng uri ng karanasan ay pagpapala upang tayo ay maging mahusay hindi lamang sa pag-aaral kundi pati na sa buhay. Marami kasi sa atin ang mahusay lamang sa aklat ng kaalaman, ngunit mahina sa karunungan sa buhay. Napansin ninyo sa pagpapaunlad at pagsasaayos ng buhay?

Ang humigit-kumulang na dalawampu’t-limang taon kong pagtuturo sa hayskul at pamantasan, ang patuloy kong pagbabasa at pagsusulat ngiba’t ibang kaaalaman at karunungan sa buhay, at ang pagpapakadalubhasa sa edukasyon kasama na ang hindi kukulanging sampung taong pamamahala ng ilang paaralan sa hayskul ay masasabi kong sapat na para maipaunawa ang mga pangyayari sa pagkatuto ng mga bata, guro at magulang sa buhay.

Ang blog na IN FACT, MATH-ALINO ay handog kong edukasyon sa maayos na pamumuhay.

Nararapat na tugunan natin ang dagliang pangangailangan ng wasto at sapat na edukasyon na may kinalaman sa buhay.

 

 

Simula sa araw na ito, Ika-30 ng Setyembre, 2020, kada araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes ay ibabahagi ko sa blog na ito ang mga natatanging kararanasan sa Paaralan ng Kaalaman at Paaralan ng Karunungan upang makamit ninyo ang tunay na talino sa pag-aaral at ang mabilisang pagbabago sa pagkatuto sa buhay. Asahan ninyong magiging gabay ninyo ito sa pang-araw-araw na pag-aaral hindi lamang ang kaalaman sa paaralan kundi pati na sa pang-araw-araw na pamumuhay lalo na sa panahong ito na ang marami sa atin ay dumaranas ng mga pagsubok sa buhay bunga ng paglaganap ng “virus na may korona” na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin lubos na maunawaan dahil sa kakulangan ng kaalaman.

Halimbawa nito angkatanungang ano ba ang pagkakaiba ng diphtheria dahil halos kapareho lamang ang sintomas niya sa coronavirus. Ang simpleng kasagutan ay ang dahilan o sanhi. Ang diphtheria ay bunga ng bacteria, samantalang ang coronavirus ay sanhi ng virus. Ang bacteria at ang virus ay kabilang sa germs na dapat alam nating malaman ang pinagmumulan. Tatalakayin natin ito sa mga susunod na paksa.


 

Sa loob ng maraming taong pagtuturo sa mga estudyante sa hayskul at kolehiyo, nakita ko at naranasan ang mga suliranin sa pag-aaral ng iba’t ibang uri ng estudyante mula sa pinakamagaling, may sapat na talino, hanggang sa mga kinapos sa kaalaman at kasanayan. Pati ang mga nagwalang-bahala sa kanilang pag-aaral sa kabila ng hamon ng kahirapan. Mangyari pa, lubos kong naunawaan ang dahilan sa gitna ng pagtuturo sa iba’t ibang antas ng pagtuturo sa pampubliko at pribadong paaralan mula sa pilot, middle at lower sections ng paaralan.

Marami sa atin ang hindi agad naunawan ang kahalagahan ng edukasyon sa simula. Marahil, kung hindi pa nila naranasan ang hirap ng buhay ng kawalan ng pagpupunyagi sa pagkakataong ibinigay ng kanilang magulang o tagapangalaga ay hindi pa sila magpupursigi sa buhay. At doon pala sila matututo ng tunay na aralin ng buhay. Kadalasan ay nangyayari ito kapag nakapagtapos na ng pag-aaral at walang mapasukang trabaho at kapag nag-asawa na, nagka-anak at bumuo ng sariling pamilya. Mahirap pala kundi nag-aral na mabuti!

 

Sa bisa ng edukasyon ay mararanasan natin ang maganda at mabuting pagbabagong kinakailangan. Ayon kay Rick Warren sa kaniyang aklat na Purpose Driven-Life, “Change is letting go of old ways in order to experience new.” Baguhin na natin ang mga hindi magagandang bagay na nakaugalian natin noong nakaraan para sa bagong buhay.

Mangyayari lamang ito kung wasto ang ating matututunan. Dahil pumapasok na tayo sa bagong normal ng buhay na nangangailangan ng bago at mahusay na talino sa kaalamanan at kasanayan na napapanahon. Sinasabing, “kung hindi tayo matututo, mapag-iiwanan tayo ng kapalaran.” Sa mga taong gustong matuto ng kaalaman at buhay, “Thy will be done!” Mangyari nawa ang kagustuhan ng kalooban para sa kabutihan.

 

Ang blog na IN FACT MATH-ALINO ang magbibigay-sigla at gabay sa pagkatuto na minarapat kong ilunsad sa gitna ng pandaigdigang krisis na dulot ng Covid 19 sa edukasyon upang epektibo at episyenteng maisulong ang patuloy na pag-unlad ng bagong sistema ng edukasyon sa panahon ng bagong normal. Hindi lang siya makabuluhan, bagkus, makikita ninyo ang pagkakaugnay-ugnay (integratibo sa iba’t ibang kaalaman) para higit na maunawaan.

Ito ay magsisilbing gabay sa mga estudyante, guro, at magulang bilang kabahagi ng mga namumuno at tagapamanihala ng edukasyon. Hinihingi ko ang pagtangkilik ng lahat upang magpatuloy ang adhikaing kong ito para sa inyong pagkatuto. Better normal na tayo dapat ngayon!

 

ENGAGE IN LEARNING. READ, LIKE, SUBSCRIBE and SHARE

Bago na ang buhay natin ngayon,

hindi na katulad nang dating nasa normal.

1 Comment


mdtorres0716
Oct 02, 2020

A good article to read 😍👍❤️

Like
bottom of page