top of page

INTELLIGENT READING



 

Mismo si Helen Keller na isang edukador at manunulat ay nagsabing “Reading without comprehension is like eating without digestion.” Kung hindi nginunguya ang kinakain ay hindi masyadong malalasahan ang sarap ng pagkain at hindi rin makukuha ang sustansiya ng pagkain; gayunman, sa pagbabasa kung hindi inuunawa ang binabasa ay hindi ganap na matututunan ang kaalaman at karunungan. Para higit na maunawaan ang binabasa, simulan sa kahulugan ng salita, pagkaraan nito, ang kahulugan naman sa buong pangungusap bago ang pangkalahatang mensahe ng paksang binabasa. Muni-muniin, tungkol saan ba ang binasa mo? Paano ito makakatulong ito sa pagsasa-ayos o kahandaan sa iyong buhay.


 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407

Kris Torres 639499704741




 
INTELLIGENT READING...

Sabi ng iba, bakit naman may mga taong sobrang palabasa pero hindi naman sila matalino. Ang katwiran dito ni Einstein “The person who reads too much but uses his brain too little will fall into lazy habit of thinking.” Kasabay kasi ng pagbabasa ay dapat iniisip din ang binabasa, kaya ipinapayong i-reflect (isiping mabuti) ang binasa. Magkaganito, mas magandang basahin iyung talagang mapapaisip tayo para tumalas ang utak natin sa talino gaya nang mabasa na bakit ang mundo ay naliliwanagan ng araw, samantalang ang kalawakan na binabaybay ng liwanag ng araw sa kalawakan ay nananatiling madilim? Pansin ninyo sa mga video, movies at mga picture na ipinakikita – napakaliwanag ng mundo sa gitna ng kadiliman ng kalawakan? Kasi nga, ang liwanag ay para ding wave o alon na naglalakbay, ngunit hindi siya nakikita ng dalawang mata. Mababanaagan lamang ito sa ibabaw ng isang bagay kung saan tatama ang liwanag.


 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407




 
INTELLIGENT READING...

Sa totoo lang, ang pagbabasa, kung sakaling iniisip ng nagbabasa ang sinasabi sa kaniyang binabasa ay para na rin naag-usap ang may-akda at ang nagbabasa para matutunan ang bagay na inilalahad. At para masabing mahusay sa pagbabasa ang tao, ay dapat maunawan niya ang pananaw ng nagsulat at magkaroon siya (nagbabasa) ng paghahambing sa sarili niyang pananaw upang magkaroon ng tamang kasagutan sa mga katanungan sa isipan. Dahil dito, sinasabing, ang ibinubunga ng kritikal na pagbabasa ay ang mahusay na matutunan ang kasagutan. Mangyayari ito kung hustong naunawaang mabuti ang nilalaman ng binasa. Ang mga taong palabasa ay mahusay na umunawa at sa isang sitwasyon at problema, kaya magaling silang magresolba ng problema kaysa sa mga hindi palabasa.


 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 63949970474




 
INTELLIGENT READING...

Sa pangkalahatan, nakalalamang sa talino ang sinumang nakakabasa at nakakaunawa ng alinmang panitikang kanilang binabasa. Ang panitikan ay alinmang uri ng sulatin na nagpapahayag ng mga kaisipan, karanasan, damamdami at diwa ng tao. Sa panitikang binabasa ay nahuhubog ang literasi. Ang literacy o pagkamarunong sa pagbabasa nang may pang-unawa ay hindi likas na talino noong ang tao ay isinilang. Bagkus, ito ay higit na napapaunlad sa paaralan. Ngunit ang mismong ugali sa pagbabasa na makikita ng bata sa mga kasamahan niya sa bahay kung mahilig magbasa ay malaking impluwensiya para makahiligan nila ang pagbabasa kaysa naman sa sama-samang tongits ng pamilya.


 

Sir Bogir Torres

Mobile number: 09272450838




 
INTELLIGENT READING...

May mga pagkakataon na ang tao ay hindi naman pumasok sa paaralan para matuto, home-schooling lamang sila, ngunit nagging mas mahusay sila sa pag-aaral kahit nasa bahay kumpara sa pumapasok sa iskuwelahan dahil sa ugali nilang pagbabasa. Ang alinmang babasahing aklat ay hindi lamang naglalaman ng impormasyon o kaalaman, kundi pati na ng ideya sa nilalaman ng babasahin at karanasan, bonus pa ang ideya ng nilalaman kung paano matututunan ang mga bagay-bagay sa iskuwelahan at buhay.


Mayroong dalawang layunin kung bakit daw nagbabasa ang tao ng libro: ‘Yung una, dahil nasisiyahang magbasa, ‘yung pangalawa, para lamang may maipagmalaki sa binasa natin o nabasa natin ang aklat na iyon. Gusto nilang mapabilang sa elite na matatalino. Sa kabilang banda, ang karanasan sa pagbabasa sa bawat edad ng tao ay kalaunang magdadala o huhubog sa kaniyang pagiging malikhain. Kaya nga may nagiging matalinghaga sa kanilang salita at mayroon naman budbod ng kaalaman ang sinasalita, ngunit sa paraang malikhain din. Hindi lamang talino ang naipapamalas nila, kundi ang kasiyahan ng pagpapahayag sa kanilang talino. Ang daming ganitong post sa mga facebook na kahanga-hanga sa galing at nakakatuwang basahin gaya ng: Akala ko sa “H” nagsisimula ang happiness, sa “U” pala. Kaya tuloy nasabi rin ni Einstein na ‘creativity is intelligence having fun.’ Nakatutuwang maunawaan ang talino ng isang malikhain. Nakahahamon din ng talino kung mababasa ang nilalaman.


 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741




 
INTELLIGENT READING...

Mga nanay … ang pamukaw na sinabi pa ni Einstein ay “If you want your children to be intelligent, read them fairy tales. If you want them to be more intelligent, read them more fairy tales.” Sabi rin ng lola ng friend ko, “Kung gusto nating tumalino ang anak natin, dapat bata pa lamang ay lagi na silang kinakausap, at para mas maging matalino kuwentuhan muna para makausap sila. Pero ang mas magara sa pagpapatalino kung may kasamang tanong ang kuwento at pakikipag-usap.” Ganito rin ang dapat mangyari sa pagtuturo sa silid-aralan para creative at enjoyable ang pagkatuto. Hindi puwedeng masyadong seryoso … boring sa bagong henerasyo ng mga bata!

Read, Share and Subscribe:

IN FACT, MATH-ALINO!

https://www.prosperlife thrueducation.com/post/worry-free

August 14, 2021

Comments


bottom of page