You know this one …
“the ability to understand something immediately without the need for conscious reasoning?”
Eisntein used to say, “it is the only valuable thing!”
A thing that one knows or considers likely from instinctive feeling rather than conscious reasoning.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
Kung matalas ang iyong isip (intuitive), napakabilis sa iyo na maunawaan ang isang bagay para ma-interpret nang hindi gumagamit ng katwiran o pang-unawa, bagkus dagling naisip mo ang tamang kasagutan kahit sabihing nakakalito ang katanungan. Halimbawa, noong bata pa ako ay napakinggan ko sa radyo yung tanong na, “Paano matulog ang kuba?Napaisip ako. Hindi iyong intuition o talas ng isipan. Pero natawa ako nang malaman kong ang sagot, “Nakapikit!” Oo nga, ano naman kinalaman ng pagiging kuba sa pagtulog?
Samantala, noong teacher na ako at inatasan bilang hurado ng Rizal Quiz at gagawa rin ng mga katanungang – Easy, Average, Difficult. Matatalino ang mga contestants, kaya noong dalawa na lamang ang natitira ay hirap na ma-break ang tie. Parehong nasasagutan ng dalawang natitira ang pinakamahirap na katanungan na umabot sa pitong katanungan, ngunit isa lamang ang kailangan talagang manalo para ipanlaban sa ibang iskuwelahan. On the spot, bigla kong binasa ang ginawa kong katanungan, “Sang-ayon kay Rizal, saan mahuhuli ang isda?” Medyo nag-alinlangan yung isang kalahok na isulat sa illustration board. Kahit ang mga nanonood ay nag-alinlangan sa katanungan. Pero, yung kalaban nito ay nangingiti na isinulat ang sagot sa illustration board niya. Ang sagot ng unang kalahok ay sa ilog mahuhuli ang isda. Pero kung tutuusin puwede ring makahuli ng isda sa sapa, sa batis, sa lawa at sa dagat. Ang ikalawang kalahok ang nakakuha ng tamang kasagutan na “sa bibig mahuhuli ang isda.” Dahil curious ako sa naging kasagutan ay tinanong ko ang nasabing kalahok na bakit iyon ang sagot niya. Ang mahusay na katwiran niya na isa sa mga kawikaang isinulat ni Rizal ay – “Saan nahuhuli ang isda?” Ibig sabihin ay hindi lamang mahusay magkabisa ang kalahok na ito, sadya niyang inuunawa ang kanyang binabasa kaya matalas angkanyang isipan.
For more information, please contact:
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
Ang bente mo barya na ngayon.
Inflation
Aren't you afraid? 5-10yrs from now baka ang 100 pesos, coins na lang din..
Yung value ng pera pababa ng pababa, ang gastusin pataas ng pataas! Kaya this is the right time to do more in your 2021! Because you deserve even more!
Start this year by investing with PROTECTION
Invest it wisely.
ASK ME HOW!
Ilan sa mga palatandaan na matalas ang isipan ng tao ay ang pagiging sensitibo sa maraming bagay. Kung managinip ka ay malinaw na nakikita mo ang mga pangyayari sa iyong panaginip, at dahil iyon ay suliranin na iniisip mong labis ay nadala mo sa panaginip at ipinakikita sa iyo ang kasagutan. Wala itong iniwan sa kuwento ng Ang Butas ng Karayom sa Makina na ibinahagi ko sa aking aklat na I Am My Am-Vision. Naririto ang kuwento niya na ang panaginip ng isang imbensiyon ay palaisipan kung paano magagawa ang isang bagay:
Sa umpisa pa lamang ay parang lumulusot na sa butas ng karayom si Elias Howe. Ang problema niya ay kung paano aayusin ang karayom para sa ginagawang makinang panahi. Dala ng kaiisip nito ay napanaginipan niyang inutusan siya ng mabagsik na hari na gumawa ng isang makinang panahi sa takdang dalawamput-apat na oras lamang. Dahil ang utos ng hari ay hindi puwedeng mabali, ay mahaharap siya sa parusang kamatayan kung hindi niya magagawa ang ipinag-uutos.
Noong una ay hindi talaga maisip ni Elias kung paano ang gagawin sa butas ng karayom para sa makinang panahi hanggang sa mapanaginipan niyang pinadakip na siya ng hari. Kung bakit naman nasa aktong papatayin na siya ng mga tribung inutusan ng hari ay napuna niya ang dulong ulo ng sibat na may butas. Bigla siyang nagising. Iginuhit niya sa papel ang larawan ng sibat sa kaniyang panaginip, isinaayos niya ito sa makinang panahi at sinubukan kung paano gagana.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Klik ang panaginip sa problema. Solve siya sa gusto mangyari! Naipagkaloob kay Elias Howe ang 1st Patent ng Sewing Machine. Ang kaniyang imbensyon ang nagbunga ng paglago ng kaniyang kabuhayan. CLARIFICATION: Elias Howe did not invent the first sewing machine, but he made the first sewing machine that would lead to the first good-lock stich ever invented. Si Thimonnier ang tunay na imbentor ng sewing machine o makinang Panahi.
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Ngayon, linawin natin ang naunang tanong. Kung paano matulog ang kuba? Nagulo isip mo dahil kuba ang tinutukoy sa kaniyang pagtulog? Hindi ba nakapikit matulog ang kuba? Hindi naman niya ididilat ang mata niya kapag matutulog. At lalong hindi naman ang likod niya ang magsasabi kung matutulog siya. May mga bagay na hindi na kailangang isipin pa, ngunit awtomatikong alam natin kung matalas taglaga isipan natin. This time, ano naman ang dapat gawin ng kuba, nananaginip kasi siya na nahuhulog sa 32nd floor ng isang gusali? Hindi ba siyempre gigising siya dahil nanananaginip ka? Kung automatic na nasagot mo ang katanungan nang hindi ka nag-isip, ‘intuitive person’ ka, matalas ang isipan mo at math-alino ka talaga!
Read, Share, and Subscribe.
Comments