Learning to listen within and trusting own intuitive guidance is the key to success in all areas of our life including our education and work.
Gaya nang naunang sinabi ko sa nakaraang blog, ang layunin ng tao ay hindi basta mabuhay kundi makapamuhay nang maayos, malusog, masagana, masaya at ligtas sa kapahamakan. Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung walang sapat at tamang edukasyon sa pagkatuto sa buhay ang sinumang tao. Ang lahat ng ito ay makakamit lamang sa pamamagitan ng mabuting ambisyon. Hindi nagtatapos sa pag-aaral sa Paaralan ng Pakgkatuto ang pangarap natin sa buhay kundi sa Paaralan ng Karanasan. At dahil hindi nauunawaan ng marami ito, ay hanggang sa kaalaman lamang ang kanilang kabatiran at walang tungkol sa buhay. Kaya may mga nakatapos sa pag-aaral ang bigo sa kanilang buhay.
Isinulat ko ang aklat na I Am My Am-Vision, mula sa kaalaman hinggil sa “intuition.’ Kung susuriin ang salitang ambisyon ay puwedeng mabuo sa pahayag na “I Am My Am-Vision.” Kapag daw mayroon tayong ambisyon ay magkakaroon tayo ng ‘clear vision’ o maliwanag na pananaw sa pagtugon sa pangangailangan sa buhay. Kung bibigkasin natin sa ating sarili na ‘tayo ang ambisyon natin sa ating buhay,’ ay nagkakaroon tayo ng ‘auto-suggestion’ o kapangyarihan mag-utos sa gusto nating mangyari sa buhay. Lakas ng ‘thought forms’ ang mangyayari upang matupad. At kung isusulat pa natin ito sa papel ay mauunawaan natin ang mensahe ng “A New Year is a blank book, and the pen is in our hands” ay mas malakas na papasok ito sa ating ‘conscious mind’ o kamalayan upang ganap na matupad. Sa pamamagitan ng ‘consciousness’ ay matutuklasan natin ang mga pamamaraan kung paano makakamit ang pangarap natin. Mahihikaya’t tayong bumasa ng mga aklat o mag-google ng tungkol sa tamang pangangarap ng gising. Ito ang magpupursige sa atin dahil malilinawan tayo.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Una kong nahugot ang diwa ng I Am My Am-Vision noong isulat ko ang script ng “Pitik-Bulag, Isang Pangrap” sa Palanca na ang diwa ay ang pakikipagsapalaran ng bidang si Nencio na matupad ang pangarap ng kanyang ama na maging inhinyero siya. Karaniwan dito namamali ang marami sa atin, na ang inaambisyon nila ay ang hindi nila kagustuhan kundi ang ibig mangyari ng ibang tao sa buhay nila. Ano pa ang kuwenta ng ‘ikaw ang pangarap mo sa buhay’ kung hindi mo naman pala kagustuhan. Maaring makamit mo, ngunit hindi ka maligaya. Nagtatagumpay ang marami sa kanilang pangarap dahil iyon ang hilig nila o kagustuhan, at maligaya sila sa kanilang ginagawa kahit sabihing mahirap. Baka kasi ang pangarap mo ay maging accountant, pero nauwi ka sa kubrador ng huweteng, maging ‘doctor to the barrios,’ ngunit naging matandang albularyo, medical therapist sana, nabago bilang massage sa sauna, at kung anu-ano pang taliwas sa inaasahang mangyari gayung sinasabi naman na sa ambition, “It is your chance to write a beautilful story.”
Iwinawaksi sa aklat ang paniniwala sa ‘destiny’ dahil sa totoo lang, tayo ang gumagawa ng kapalaran natin gaya ng pinatutunayan sa unang kuwento sa Tsapter ng The Many Cinderella Stories na ang isang pares ng sapatos ay makapagpapabago sa buhay ng isang tao. Kay Senator Many Pacquiao nga ‘punching bag” ang nagpabago sa buhay niya! Sasabihin ninyong imposible, ngunit hindi ninyo nauunawaan na ang mga taong nagkamit ng malaking tagumpay sa buhay ay naniniwalang ang ‘impossible’ ay nangangahulugang ‘Im-possible!’ At sa bisa ng kapangyarihan ng pinaniniwalaan ni Albert Einstein na ‘power of imagination’ ay makikini-kinita ninyo ang mangyayari sa inyong buhay sakaling mayroon kayong ambisyon.
Sa pagbabasa ninyo ng aklat na I Am My Am-Vision ay magkakaroon kayo ng positibong pananaw para sa sinasabing, behave ba ang attitude ninyo para magtagumpay sa pangarap ninyo sa buhay? Dahil ang alinmang iniisip ng tao ay mauuuwi sa salita, ang salita ay mauuuwi sa gawa, ang gawa ay mauuuwi sa gawi, ang gawi ay mauuuwi sa ugali, at ang ugali ay mauuuwi sa tadhana ng kapalaran. Banal na aral ito sa buhay na itinuro sa atin Ralph Waldo Emerson, Lao-Tzu, Frank Outlaw, Gautama Buddha at Alfred Roberts. Watch Your Thoughts ‘ika nga!
Ang uri raw ng aklat o anumang babasahin na kahihiligan nating pag-aralan ay siyang magtatakda ng uri ng buhay natin. Kaya naman iminumungkahi ko sa lahat ng gustong matupad ang kanilang pangarap sa buhay na basahin nang mataimtim ang Bibliya ng Pangarap – I Am My-Am-Vision. Hindi man ninyo basahin ay huwag ipagkait na mabasa ng inyong mga anak para magabayan sila sa pangangarap nila sa buhay. Sa halagang ito PH 275.00 (two hundred sevety five pesos) ay makatitiyak kayong magiging maalam sa buhay ang inyong mga anak sa buhay. Maaaring mag-text sa CP NO. 09272450838 para sa inyong order. Maganda itong regalo sa pagtatapos ng mga anak ninyo sa Junior High School man o sa Seniro High School bago sila magkolehiyo. Intuition and awareness are what will drive their success.
Read, Share, and Subscribe.
Comments