top of page

INTUITIVE MIND















 

Ang pagiging matalas ba ng kutob ay katalinuhan?


Gaya ng nangyari sa kuwento ng talambuhay ni Ben Carson sa pelikulang The Gifted Hands ay napanaginipan mo ba kahit minsan dahil sa labis na pag-iisip mo ang iksam ninyo? Kung saan ang katanungan pati na ang paliwanag sa sagot ay naroroon at bigla mong naalala nung oras na mismo nang test na parehong-pareho sa panaginip mo kaya alam mo na siyempre ang sagot at perfect ka na walang tatalo?


Gifted ka ba o nagkataon lang na nag-madyik ang utak mo?

In real sense “If wisdom is knowing what to do next and virtue is doing it, intuition is knowing without knowing.


Alam mo ba kahit hindi mo inaalam?

 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741

 

Lahat tayo ay may ‘highly developed instinctual senses.’ Ang tangi nating kailangan gawin kapag ganito, ay pansinin o pakiramdaman ang clues na ipapahiwatig sa atin. Ang pulso ay hindi dapat balewalain nang walang rason. Maging ikaw man ay nanininiwala na ang iyong kutob ay galing sa mga bagay na nagbibigay ng clues sa gagawin natin. Hayaan natin ang mga ito ang gagabay sa atin para maiwasan ang anumang peligro at maiwasan ang panganib. Baka ito rin ang magbibigay ng suwerte sa mga inaasam nating makamtan.

 

Ang sabi Bob Samples sa pag-aanalisa niya sa katauhan ni Albert Eisntein, “The intuitive mind is a sacred gift and the rational mind is a faithful servant.” He added, “We have created a society that honors the servant and has forgotten the gift. Mas mataas ang pagtingin natin sa katalinuhan kaysa sa banal na handog na hiwaga na ipinagkaloob sa atin ng Maykapal. Ang paniniwala ni Bruce Kasanoff “Intuition is the highest form of intelligence.” At sa paglilinaw na isinagawa ng Institute of Human Development ay sinasabing “Intuition is less about suddenly “knowing” the right answer and more about instinctively understanding what information is unimportant and can thus be discarded.” Bagama’t may kutob tayong nadarama o naiisip, kailangan pa rin daw ang basehan ng katotohanan. Pero, kahit si Steve Jobs, ang visionary co-founder ng Apple ay naniniwalang ang dahilan ng kaniyang tagumpay ay intuition.

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741


 

Sa punto ng agham na karunungan – ang tao ay maaaring sabay na intuitive sa personal na kabatiran na may paghihinala o rational na makatwiran ang iniisip sa kaalaman. Ngunit ang malaking katanungan, noong natagpuan mo sa buhay ang taong iyong mamahalin, inisip mo ba kung ano ang tunay na pagkatao niya? Hindi nga ba hindi mo mapangatwiranan sa iyong sarili kung bakit mahal mo siya sa kabila ng alam mong nararapat o hindi? Sa kabilang banda ay ipinalalagay din naman na ang intuition ay kolektibong talino na pinagsama-sama. Kumbaga, ang intuition ay talino sa isip, talino sa puso, talino sa kalooban ng pagkatao at talion ng buong kaluluwa.

 

Maaari nating uriin ang intuition bilang sapantaha o kutob dahil mayroong pangitain, may nararamdamang kakaiba o naiiisip at may sinasabing bulong ng mga mahiwagang tinig. Hindi nga ba minsan ay nakakaranas tayong makatanggap ng mensahe sa ating paligid na hindi natin sukat akalain kung bakit nangyayayari? May pangitain talaga! May naririnig din tayong mga tinig o bulong sa hangin na nagtuturo sa atin ng dapat nating gawin na kaipala ay magliligtas sa atin sa kapahamakan. Ang kawikaan nga ng mga psychic hinggil sa bagay na ito ay “Your third eye of intuition is wide-open” ngunit hindi mo namamalayan. Thir-eye dahil malapit ito sa templo ng utak na nakikita ng ating pambihirang paningin.

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741

 

May mga tao na noong mga bata pa sila ay malakas ang kanilang kutob, ngunit kakatwang nang tumatanda na sila ay tila nababawasan o nawala. Ang paliwanag tungkol sa bagay na ito, ay dahil ang mga taong malakas ang intuition o kutob ay prone sa addiction gaya ng ng pagkagumon sa alak, sigarilyo, sa caffein o pag-inom ng kape, paggamit ng droga o alinpamang addictive behavior na nagkakalas sa dating malakas na kutob o intuition. Pansin mo ba noong bata ka ay kakatwang malakas ang intuition mo, ngunit habang nagkakaedad ka at may kung anu-anong bisyo na ay tila nawawala na ang iyong intuition? Ipinalalagay naman ng iba na ito ay may kinalaman sa pagiging ispirituwal ng tao.

 

Ang apat na uri ng intuition: clairvoyance, clairaudience, clairsentience, and claircognizance. Kung ikaw ay clairvoyant, isa kang bisyonaryo, may mga nakikita kang bagay, senaryo o kaganapan ng pangyayari o larawan na hindi karaniwang nakikita ng ibang tao. Gaya nang nangyari sa isang kakilala ko bago pa sumabog ang Twin Tower sa New York City ay nakinita na niya ito. Pero duda siya sa pangitain. Kung ikaw naman ay clairaudient, ay nakaririnig ka ng mga tinig, tunog o musika na hindi naririnig ng iba na may misteryong pahiwatig na saka mo lamang mauunawaan kapag may naganap na. Nasundan ang pangitan ng kakilala ko ng mga tinig ng kaguluhan na hindi niya mawari. Kung clairsentient, ay may narararamdaman ka sa iyong katawan na nagpapahiwatig ng pangyayaring maaaring mabuti o masama. Sinundand ang ingay na hindi niya maipaliwanag na pagkabalisa kaya dali-dali siyang bumaba ng gusali ng Twin Tower. Hustong paglabas niya sa gusali ay sumabog ito.

 

Samantala, kung ikaw ay claircognizant, nalalaman mo ang ang isang bagay na na dapat mong malaman na siyang mahirap unawain kung ito ay intuition dahil sa nasasaisip mo lang na wala naman sa punto ng katwiran, ngunit tama pala! Sinasabi rin naman sa karanasan na ang mga taong ismarte ay binibigyang pansin ang lahat ng bagay na itong nararamdaman at nararanasan. Mangyari ang pinakamatalinong tao raw ay hindi makagaganap ng kanilang gawain nan ghindi gumagamit o nakakaranas ng intuition.

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407

Ang bente mo barya na ngayon.

Inflation

Aren't you afraid? 5-10yrs from now baka ang 100 pesos, coins na lang din..

Yung value ng pera pababa ng pababa, ang gastusin pataas ng pataas! Kaya this is the right time to do more in your 2021! Because you deserve even more!

Start this year by investing with PROTECTION

Invest it wisely.

ASK ME HOW!


 

Anong intuition mayroon ka sa iyong sarili? Paano mo siya pinakikinggan at sinusunod sa pangitan o pagpaparamdam? Dapat alam mo ang lahat ng ito, sapagkat bahagi ito ng kakaibang talino na dapat malinang sa sarili bilang gabay sa buhay para sa kaligtasan o pagtatagumpay. Ang sabi nga, “Everyone has a purposes. You have a destiny. And the good news is that God has already equipped you with everything you need,” at ito nga ay ang hiwaga ng intuition sa sarili. Ginagabayan ka ng banal na kapangyarihan para sa layunin mo sa buhay sa pamamagitan ng mga kutob. So, listen to your gut - your instict.


Read, Share, and Subscribe.

Comments


bottom of page