Bakit nga ba kulay green ang blackboard?
Baka nakatapos na kayo ng pag-aaral, hindi pa rin ninyo alam ang dahilan dahil may white board.
Noong nag-aaral pa ako, hindi ko maubos maisip (at hindi rin naman maitanong) kung bakit yung blackboard na sinususulatan namin ay kulay green, hindi black. Sabi ng kaklase para huwag daw kaming ma-mental black. Teka iba yung mental block at walang mental black na sinasabi, meron mental black out. Kung logic o tamang pangangatwiranang titingnan dapat greenboard siya. Kaso, baka naman magkaroon ng green mind o maruming isip. Kundi pa nga ako nakatungtong sa college ay hindi ko pa mauunawaan na ang dahilan ng green color ng blackboard ay mas relaxing sa mata. Subukan ninyong kapag pagod na ang mata ninyo sa pagbabasa o pagkokompyuter, tumingin kayo sa halaman kahit sandali. Giginhawa ang pagod na ninyong mga mata. Dahil dito, kailangan ang berdeng halaman sa study room.
"Bakit ka gagastos sa kuryente ng mahal kung may solar Christmas lights naman?"
Php 400.00 only, 100 bulbs, available in gold, blue, green colors,
send your order to Kris – 639499704741.
May naniniwalang alam natin ang isang bagay kung ating natutuhan at naunawaang mabuti sa karanasan. Ngunit sa ganang aking natutuhan bilang guro ng buhay at mag-aaral sa paaralan ng kaalaman, ito ay mangyayari kung mas praktikal nating naunawaan ang sinasabing kaalaman tungo sa ganap na karunungan, at kung ito ay tumimo sa ating isipan at kalooban lalo na kung sangkot ang karanasan sa pang-araw-araw na buhay. Ang edukasyon ay para sa maayos na pamumuhay. Kumbaga, practical wisdom ang kailangan. Hindi puro libro ng kaalaman.
Bakit?
Knowledge comes from learning, whereas, wisdom comes from living.
Ibig kong linawin sa inyo, ang KAALAMAN o knowledge na sinasabi ay mga impormasyon na natututuhan sa paaralan pinapasukan sa pamamagitan ng itinuturo ng guro at hango sa aklat at iba pang kasangkapan sa pag-aaral. Malayo ito sa kahulugan ng salitang KARUNUNGAN na tumutukoy naman sa mga karanasan na matututunan sa araw-araw na pamumuhay kung saan nagkakaroon tayo ng realization. Mangyari pa, pumapasok tayo sa paaralan upang may matutunang mga kaalaman bilang paghahanda sa pagpasok natin sa paaralan ng bagong buhay. Kung mahal natin ang ating pamilya, kaalaman at karunungan ang ibabahagi natin sa kanila at kung paano ito makakamit.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Ang sabi ni Imam Ali, “knowledge is power” dahil kaya nitong magpasunod ng tao. Kung alam ng tao at nauunawan niya kung gaano kadelikado ang coronavirus, maluwag sa kalooban niyang susundin ang mga alituntuning ipinatutupad ng pamahalaan, ngunit bakit hindi ito nangyayari sa kabila ng maraming impormasyon ipinakakalat sa diyaryo, radyo, telebisyon at social media? Pagkaminsan pa nga ay ginagawan ng kalokohan. Ang dahilan – hindi pa nila kasi nararanasan ang hirap at sakit ng tamaan ng sakit ng COVID -19. Sakaling maranasan nila ito ay sila na mismo ang mangangaral sa ibang tao.Kaya isang matuwid na masasabing, “one who has wisdom is powerful of things.” Ang mismong aral ng karanasan ang magbibigay-daan sa pagkatuto. Mahalagang tandan natin ang bagay na ito mula sa kaisipan ni Anthony Douglas Williams:
For more information, please contact:
Mary Joy Torres Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
Sa kabilang banda, ang kaaalaman o knowledge ay nagpapayabong ng isipan; it is knowing what to say. Samantala ang karunungan o wisdom sa mga karanasan sa buhay, “is knowing when to say.” Dahil sa alam na ang kaalaman at nauunawaan sa karanasan, alam na kung paano didiskartehan nang maayos ang buhay. Bakit nga ba hindi natin gawin ito bilang tagapagturo kung para sa ikauunlad ng ating mag-aaral. Kaya sinasabi kong isang tanging gabay na dapat lagi nating alalahanin, ay ang matuto tayo sa pang-araw-araw na karanasan, lalo na sa mga pagkakamali natin sa buhay kung sinadya man o hindi upang huwag nang maulit pang muli gamit ang kaalaman para sa pambihirang karunungan. Ang pagsasama ng dalawa ang titiyak sa tagumpay natin sa buhay. May mga tao kasing matatalino sa kaalaman sa paaralan ang hindi naging maayos ang buhay sanhi ng kawalan ng karanasan na magamit ang nalalaman sa buhay. Samantala, may mga hindi naman maalam sa kaalaman ang naging matagumpay sa buhay sapagkat, ang guro nila ay ang kanilang karanasan.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
Ang pagkatuto na isinasaalang-alang sa blog na ito ay ang pagiging sensitibo sa lahat ng bagay tulad sa pagmamasid, pakikinig at pandama sa paligid at sa mga pangyayari. Hindi lahat ng nakikita at naririnig ay iyon na at tama na sa pananaw. Kahit sa pagbabasa ng anuman aklat, nararapat pag-isipan ang bawat nilalaman. Hindi lahat ng sinasabi sa aklat at naririnig ay tama. Kahit sa facebook ay maraming ‘fake news.’ Kaya nga ang pinakamahalaga sa pag-aaral ay inaalam ang tama at mabuting kaalaman at katunungan. Ang sabi ni Leonardo da Vinci na kilalang nagpinta ng obrang Mona Lisa, “The noblest pleasure is the joy of understanding.” Naunawaan ba ninyo ang lihim na ngiti ni Mona Lisa sa pintadong larawan ni Da Vinci kung bakit ito ang naging pinakatampok niyang obra?
ENGAGE IN LEARNING.
READ, LIKE, SUBSCRIBE, and SHARE.
Comments