Pansinin ninyo sa mga babasahin - mismo, sa kuwento ng buhay ng mga matatalinong tao, hindi lamang purong kaalaman ang kanilang husay. Natuklasan din nila sa mga kaalaman ang talinghaga ng buhay o aral mula sa mga karanasan tulad ng naging karanasan ni Einstein. Mahalagang maunawaan natin ang mga bagay na ito, lalo na ng mga estudyante upang maging kapaki-pakinabang sa kanilang pag-aaral at pagtuklas ng kaalaman at karunungan sa buhay.
Si Sir Albert Einstein (naging propesor din siya sa kolehiyo), ay maituturing na pinakadakilang siyentipiko na nabuhay sa daigdig. Ang mga teoriya (kuru-kuro) niya ay naging hamon sa marami upang patunayan ang kanyang siyentipikong paniniwala lalo na sa larangan ng Physics o Pisikal na Agham. Bukod pa sa pagiging henyong siyentipiko, naipamalas rin ni Einstein ang husay niya sa pilosopiya ng buhay at pagiging ethicist o bihasa sa wastong kaasalan. Higit pa sa pagiging siyentipiko, ay naging kontribusyon ni Einstein ang mahahalagang bagay sa tungo sa ganap na pagkatuto. Kabilang sa mga ito ay tinalakay ni Amber Hesley sa kanyang paksang “10 Lesson Every Student From Einstein” ay ang sumusunod:
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Unang dapat nating tandaan “Imagination is more important than knowledge.” Be imaginative, ‘ika nga. Dahil sa ang kaalaman ay nagbabago bunga ng pagtuklas ng bagong impormasyon na kadalasan ay nagwawasto sa dating kaalaman natutunan natin sa paaralan. Sang-ayon sa paniniwala ni Einstein, “Kung wala siyang abilidad na mangarap o mag-imadyin sa kanyang nais mangyari sa buhay, marahil hindi siya si Einstein na naging tampok na siyentipiko sa kasaysayan ng daigdig. Ginamit ni Einstein ang kanyang husay sa imahinasyon bilang siyentipikong sandata sa pagbuo ng mga teoriya na pinagbasehan ng kanyang mga eksperimento sa Pisika.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
Sinumang mag-aaral ay hindi dapat na matakot sa pag-aaral ng Matematika. Siya mismo na si Einstein na itinutring na mahusay sa math ay higit na mas malaki at kumplikado ang problema sa pag-aaral nito. Lalo na kung paano ipauunawa niya sa iba ring matatalino. Ang sabi niya, “Do not worry about your difficulties in Mathematic, I can assure you, mine are still greater.” Marahil, dahil sa hindi nga napakadali kay Einstein ang tagumpay sa pagtuklas ng kaalaman kahit na sabihing math-alino siyang tao. Siya mismo sa kanyang pag-amin sa sarili ay nakaranas ng kahinaan sa matematika sa pagsasagawa ng mga eksperimento. Dito, nasabi ni Eintein na “The only valuable thing is intuition.” Bigyang-halaga natin ang ating ‘intuition’ o kutob/pakiramdam sa alinmang suliraning ating dinaranas o plaisipan sa mga pangyayari sa buhay. Bagama’t mahalaga ang mga kaalaman at impormasyong ating napag-aalaman, ngunit ang alin mang una nating naramdaman ay nararapat nating bigyang pansin at pakinggan. Para kasi siyang bulong ni ‘guardian angel.’ Sakali man tayo ay nagkamali sa ating kutob o pakiramdam, isipin nating bahagi ng pagkatuto sa buhay ang alinmang kabiguan maranasan natin. Saka isipin nating binibigyan tayo nito ng pagkakataon upang pag-isipan pa ang nararapat nating gawin sa pagwawasto at pagpapaunlad sa ating sarili.
Sa paniniwala naman ni Einstein na “The only thing that interferes with my learning is my education” ay sinasabi niyang lubhang napakahaba ng proseso ng pagkatuto na dapat sanang ibinabatay sa hilig at kagustuhan (passion and interest) upang maging kasiya-siya ang pag-aaral sa kabila ng mabigat na hamon kakaharapin sa pagtatamo nito. Karaniwang ang mga mag-aaral na sinusunod ang hilig nila sa gusto nilang pag-aral ay nagiging matagumpay at nagkakaroon ng kasiyahan sa sarili. Kasama na rin siyempre dito ang pagiging matiyaga.
For more information, please contact:
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
Ang bente mo barya na ngayon.
Inflation
Aren't you afraid? 5-10yrs from now baka ang 100 pesos, coins na lang din..
Yung value ng pera pababa ng pababa, ang gastusin pataas ng pataas! Kaya this is the right time to do more in your 2021! Because you deserve even more!
Start this year by investing with PROTECTION
Invest it wisely.
ASK ME HOW!
Hindi rin natin malulunasan ang alinmang suliranin sa buhay kung lagi na lamang tulad ng dati ang gagamitin nating pag-iisip. Ang paniniwala ni Einstein “We can’t solve problems by using the same kind of thinking we used when we created them.” ‘Ika niya, sa paghahanap ng lunas sa suliranin ay ang pagtuklas ng mga dahilan ng kabiguan at bagong Sistema ng pag-iisip ang gagawing paraan. Kung tututukan nating mabuti at pag-iisipan nang maayos ang pagreresolba ay hindi malayong matagpuan natin ang resolusyon para dito. Ang payo pa ni Einstein “The important thing is not to stop thinking. Curiosity has its own reason for existing.” Kung magiging kyuryoso o interesado tayo sa isang suliranin ibig maunawaan, nararapat na huwag tayong huminto sa pagtatanong hanggang sa makita natin ang tamang katwiran sa suliranin.
Sa pasubali naman ni Einstein ay sinasabi niyang “Whoever undertakes to set himself up as a judge of Truth and Knowledge is shipwrecked by the laughter of the gods” sa dahilang hindi naman lahat ng katanungan natin ay magkakaroon ng saktong kasagutan sa lahat ng pagkakataon. Sa ganitong paniniwala at ugali, lubos na hinangaan nang marami si Eistein. Taglay niya ang pambihirang kababaang-loob ng isang henyo. At sa pagtatamo ng ganap na kaaligayahan at kasiyahan sa buhay, iginagabay din sa atin ni Einstein na “Not everything that counts can be counted, and not everything that can be counted counts.” Na ang mahalaga sa buhay ay pag-ibig at kaligayahan. Hindi ang anupamang bagay.
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Alam ba ninyong ang utak ni Eistein ay naging tampok sa mga pananaliksik at pag-aaral na mayroong pang mga espekulasyong kasama o pagdududa? Dahil sa lubhang math-alino si Einstein sa kaalaman at karunungan, pitong oras makaraang siya ay namatay, bagama’t may habilin siyang walang sinuman ang maaaring payagan upang kunin ang kanyang utak para pag-aralan. ang kahilingang ito ay hindi nangyari, dahil may isang nagtangka. Itinago ito at lihim na pinag-aralan. Ang ginawang pag-aaral sa utak ni Einstein ay upang suriin ang kaugnayan ng talino niya sa neuroanatomy na taglay na katangian ng kanyang utak. Bakit nga ba math-alino si Einstein, ang iba hindi? May kinalaman ba ang utak ng tao sa talion?
Read, Share, and Subscribe.
Comments