top of page

THE POWER OF “NOW NA!”

Updated: Sep 30, 2020

Mahalagang gawing paglalagom ang kahapon at ang nangyayari ngayon para higit nating maunawaan

ang halaga ng ating nakaraan, ang ginagawa natin sa kasalukuyan at ang mangyayari sa ating kinabukasan.

Alin ba angmahalaga sa atin –

ang kahapon, ang ngayon o ang bukas?

 

Kaugnay ng usapin sa pagbubukas ng klase, ang sinasabi ni Echart Tolle, may akda ng The Power of Now: A Guide to Spiritual Enlightenment, dapat alam ng tao ang halaga ng kasalukuyan kaysa sa magkaraon siya ng alalahanin sa nakaraan at sa kaniyang magiging bukas bagama’t sinasabing “tomorrow is a gift.” Ang totoo, handog siya sa pagsisikap sa ginawa nating pagsisikap buhay sa kasalukuyan. Sakaling hindi magkakaganito ay mahihirapan siyang matagpuan ang kaniyang sarili sa maayos na pamumuhay dahil hindi na niya maaasikaso ang bukas na mahalagang paghandaan. Ang sabi nga ni Thomas Jefferson na naging pangatlong pangulo ng United States mula 1801 hanggang 1809, “Never put of till tomorrow what you can do today.” Huwag nang ipagpabukas ang magagawa ngayon din.

 

Mahalagang kumilos tayo agad sa utos ng Tanging Ina. Sa mga hindi nakakakilala sa kanya, well, ang ibig sabihin ni Ai-Ai delas Alas sa atin, “Now na!” Hindi mamaya na nakuha sa ugali nating mga Pilipino na “manana habit” o pamaya-maya na kahulugan nito sa Ingles ay ‘dilly-dally.’ Huwag daw tayong magdilly-dally, kailangan ‘ora mismo’ kumilos tayo. Hindi bukas kundi ngayon na kung hindi natinibig mahuli sa buhay!

Ang katwiran pa sa bagay na ito, “If you postpone your decision now, you postpone your life” dahil hindi tiyak ninuman sa atin ang maaaring mangyari bukas. Ngunit sa paghahabol nating matuto ang mga bata, ang katwiran ng iba gamit din ang salawikaing sariling atin ay, “aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo? “Ang kontra-pasubali naman ay, “Kung hindi ngayon, kailan pa?” Kaya raw tama ang katwirang, “Huli man at magaling, ay maihahabol din.” Teka, may nilaga ba kung walang tiyaga? Ano pa ang maaari mong idugtong na katwiran gamit ang sarili nating salawikain? Mangyari, ito ang katotohanang likas na kaugalian hinggil sa halaga ng oras sa daigdig: Ang Filipino Time ay late sa oras; Ang American Time ay sakto lang sa oras; Ang British Time ay maaga ng labinlima hanggang tatlumpung minuto sa inaasahang oras.

Saan ka ngayon sa gusto mong mangyari sa kapalaran ng iyong buhay?

 

Kung tutuusin, nariyan lamang ang oras; may time siya para sa atin. Ngunit, tayo ang walang time para sa kaniya. Ikakatwiran pa natin ang maraming bagay at dahilan, subalit alin ba ang higit na mahalaga sa oras? Tayo mismo ang may hawak ng ating oras sa buhay at tayo rin ang maaaring kumontrol sa gusto nating mangyari sa ating oras. Ang tawag dito ay ‘time management.’ Paano mo pinamahalaan ang iyong oras sa pag-aaral ng buhay?

“It should be an everyday lesson.

Live in the present on today’s deposits.

Invest it so as to get from it the utmost in health, happiness and success.”

 

Sa ganitong pananaw nahubog ang kaisipang “every school is a learning community” kung saan sa pangunguna ng ating mahal na paaralan ay sisimulan nila ang pagkatuto hindi lamang ng mga batang mag-aaral, bagkus, pati na ang mga magulang. ‘Ika nga, “responsible parenthood” ang unang dapat matutunan ng ating mga magulang. Asahan ninyong magiging bahagi rin ito ng inyong matututunan sa blog na ito.

ENGAGE IN LEARNING.READ, LIKE, SUBSCRIBE and SHARE.Ang bawat paaralan ay isang komunidad ng pag-aaral upang matuto.Magiging epektibo lamang ang edukasyon kung ang bawat isa sa pamayanan ay magtutulungan.

Comments


bottom of page