Love at first sight.
Feeling mo pag-ibig sa unang pagkakakita kaya love mo na rin siya?
Maaring hindi ka maniwala na may ‘love at first sight’ pala, ngunit sa sandaling mapukaw ang puso mo baka maniwala kang “He/She is the one!” Iisipin mo pa ba kung bakit siya na nga? Ang sabi ng iba ‘soulmate’ raw kasi. Kaya tuloy ang katwiran ni Lynette Simeone, “Hindi naman talaga coke saktong ‘love at firs sight’ kundi pagkakakilanlan sa kaluluwa o soul na pinaniniwalaang dating minahal sa buhay kaya nga ang soul ay may mate nang kasama.” Ibig sabihin ay iisang kaluluwa sila noon una pa man o mag-partner; maligaya at punung-puno ng pagmamahalan, at muli ngang nagkatagpo sa kasalukuyang buhay nang hindi sinasadya. Ang ‘ika ng iba ay para ipagpatuloy ang naudlot na pag-iibigan. Ang pakahulugan ng ibang paniniwala sa soulmate o kaluluwa ay “someone with whom one has a special, almost spiritual connection.” Para ito sa mga taong naniniwala sa karma. Sa kabilang banda may pakahulugan din itong “ang aking makakatuluyan.”Feeling sigurado nang maligayang makakasama hanggang sa pagtanda.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
Pero linawin ko sa inyong lahat, sa sandali ng pag-ibig sa unang pagkikita ay may magpapapansin o magpapakyut kahit hindi naman dapat. Awtomatik kasi ninyong dalawa na mararamdaman. Sadya siyang kakaiba - makatatawag pansin. Sa Love at First Sight: Soulmates, maaaring ‘mesmerized’ kayo nang ‘di ninyo maipaliwanag sa mga sarili ang pagkamangha. Parang hindi ninyo first time na nagkita kundi muli kayong nagkita. Hindi ninyo alam kung kailan ang huli. Of course, malamang excited ka, pati siya na mahirap maunawaan ng isipan at kalooban kung bakit. Maaari ngang kapwa ninyo hindi pa malaman kung ano ang inyong gagawin hanggang sa isa sa inyo ang maglalakas ng loob at hahayaang tatanggapin nang buong kasiyahan ang ilalaan muling pag-ibig na isang misteryo. Sa puntong ito ay umiiral ang inyong pandama o intuition. Ito raw ang tunay na kahulugan ng ‘pag-ibig sa unang pagkikita.’ Para bang nagkita na kayo dati. Kilala na ninyo na ang isa’t isa bago pa man ang pagkikita ninyo ngayon. Nakapagtatakang magkasundo na kayo agad at minahal ang isa’t-isa!
Hahanapin mo ba ang iyong soulmate? Ang paniniwala nang marami, “love comes from theunexpected someone (minsan nga kung sino pa yung kinaiinisan mo), unexpected place (mayroon sa dingding lang na bahay nila ang pagitan), unexpected time (kung kailan ka bigong-bigo sa buhay o pag-ibig), that you feel in an unexplaibale ways. Alam ninyong may liriko sa isang nakakakilig to the bones na awitin ni Roel Cortez,ang Sa Mata Makikita. Ganito siya, no need daw na tanungin … no need din na bigkasin na love ka at wala nang iba … dahil sa mata makikita ang inyong tunay na damdamin. Hindi ba ang damdamin ay nasa puso, wala sa isipan? At ang puso ay sinasabing luklukan ng ating kaluluwa (seat of the soul). Kaya naman daw mahirap kuwestiyunin ng isipan ang nadarama ng puso at kaloobang nagigiliw. Kilig pa more kasi kahit hindi nuunawaan ang hiwaga!
For more information, please contact:
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
Ang bente mo barya na ngayon.
Inflation
Aren't you afraid? 5-10yrs from now baka ang 100 pesos, coins na lang din..
Yung value ng pera pababa ng pababa, ang gastusin pataas ng pataas! Kaya this is the right time to do more in your 2021! Because you deserve even more!
Start this year by investing with PROTECTION
Invest it wisely.
ASK ME HOW!
Sang-ayon naman sa nabasa kong pahayag, naniniwala ang sumulat sa “love at first sight,” ngunit hindi naman sa isang sulyap lamang sa pisikal na anyo ay masasabing pag-ibig na nga! Sa halip daw ay naniniwala siyang, sa sandaling hindi mawaring masilayan ng kaluluwa mo ang kaluluwa ng taong mahal mo at nagmamahal sa iyo, ay maaari na ngang itanghal ang pag-iibigan ninyong dalawa kara-karaka. Dati na raw na ang inyong mga kaluluwa ay naghahanap sa bawat isa hanggang sa mapansin ang kaluluwa na nasa kalooban ng katawan iba gamit ang intuition Love comes unnexpectedly nga!
Nahinuha ko ang ganitong pangyayari mula sa nabasa kong aklat ng buhay ni David Foster Wallace na sinulat ni D.T. Max na ang pamagat ay Every Love Story is a Ghost Story. May multo ng pag-ibig? Ang paliwanag, naroroon daw sa naiwan ang pangungulila sa pag-ibig at naghahangad makatagpong muli sa kabilang buhay dahil sa pangungulila at mga takot sa buhay na hindi kayang mabuhay nang wala ang kanyang minamahal. Ewan ko kung paano ninyo paniniwalaan na kapag raw yumao ang isa sa mag-asawa at sumunod ang kabiyak niya, sila raw ay ‘soulmate’ talaga! Sa matalinghagang paglalahad ni Carlos Medina ay ganito naman ang sinasabi:
Isang araw, matatagpuan mo ang ‘iyong makakatuluyan.’ Kakaiba ang iyong madarama na hindi mo halos maiiimadyin sa kasayahan. Basta na lamang tila hindi ninyo maiiwasang mahalin ang bawat isa sa unang pagkikita. Nakatutunaw ng puso ang mga tingin at ngiting mamumutawi sa labi. Nakagaganyak ang mga salita. Ang ganitong pag-ibig ang magbibigay ng kaligayahan, kasiyahan, kapanatagan at inspirasyon na magbibigay sa inyong dalawa ng pag-asa sa buhay na hinaharap. Saka mo lamang masasabi totally na tunay na umiibig ka na nga. Makikita mo nang ganap ang inyong magandang kinabukasan. Mailalaan ninyo ang inyong kinabukasan sa isa’t isa sa kabila ng mga pagsubok. Kayong dalawa ay tunay na kambal-kaluluwa sa pag-ibig na puno ng pagmamahalan. Ano ang palagay mo rito sa nangyaring karanasan mo sa pag-ibig? Kung maligaya kayong dalawa, soulmate na nga?
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Samantala, ang sabi ni CEO ( Career Executive Officer) Strauss, “’Yung ‘aha moment’ ay nagmumula sa kaibuturan ng puso na ipinandama ng kutob.” Kumbaga, I see, I hear, I feel sa mga pangyayari. Nabigla ka … namangha … saka naunawaan ng iyong kalooban kung bakit nga ba.Ang paniniwalang ito ni CEO Strauss sa konstekto ng pagiging mahusay na lider ay nakaugnay sa kanyang paniniwala na “True visionary leadership develops inside the heart , not the brain.”Sila yung sinasabi nating ‘charismatic leader’ na hindi natin maunawaan kung bakit lubos natin siyang hinahangaan. Isipin natin gayundin sa pag-ibig. May bisyon kang nakikita na sa puso mo ay nadarama at hindi sa isipan mauunawaan.Kailangan lamang ramdamin itong mabuti upang makilala at pakawariin, mangyayari ito kung ganap ang ating kamalayan o awareness kung paano magkakaroon ng tulay o ugnayan.
Maaaring ikatwiran natin sa ating sarili “Iisa lang ang naiisip ko, ngunit iba ang nadarama ng puso ko.” Ngunit ang laging sinasabi sa atin na pakinggan natin ang sinasabi ng ating puso sa pagkilatis ng anumang mahalaga sa buhay gaya ng sa pag-ibig. Marami ang nagsasabing ang pandama sa puso ang higit na mahusay na patnubay kaysa sa sinasabi ng isipan na masyadong makatwiran. Ngunit ang pag-ibig din ang isa sa mga nagiging dahilan ng krisis sa buhay kapag nagkamali. Kaya nga may tinatawag na ‘heart’s wisdom’ o karunungan ng puso na dapat matutunan. Siya Ang magtuturo sa atin na maunawaan ang mga isyu, komunikasyon at desisyong gagawin sa ngalan ng pag-ibig. HeartMath calls this intuitive heart.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Napakarami nang tao ang nakakaunawa na ang puso ng tao ay konektado sa mahusay na kakayahang gumabay para sa pagiging malikhain, maliwanag na pagdidisposisyon at pagpili lalo na at para sa wagas at taimtim na pagsang-alang-alang sa pag-ibig. Pasakit ba ang iyong pag-ibig? Lagi kang nagdurusa? Baka kasi ramdam mo nang hindi ka mahal, ipinagpipilitan mo pa ang iyong sarili. Isipin mo na lang kayang hindi mo siya soulmate at mayroong para sa iyo na kailangang makatagpo mo.
Read, Share and Subscribe.
IN FACT, MATH-ALINO!
Comments