Aminin man natin o hindi ang isa sa mga problema sa edukasyon ay ang sinasabing “we teach the subject but not how to learn the subject.” Kaya tuloy marami tayong bata ang nakaasa lamang sa matututunan nila sa ituturo ng kanilang guro. Ang masama pa, kung ‘spoon-feeding’ na ibinibigay ang mga kaalaman sa pamamagitan ng lektyur at reporting, ngunit hindi nagagawa sa pagtuturo na maipaunawa nang mayos sa pamamagitan ng masusing pagtatanong gamit ang pag-aanalisa, pagbubuo at paglalagom sa mabisang paraan. Bunga nito, naging ‘dependent learner’ ang marami sa ating mga estudyante. Kaya marami sa totoong buhay ay hindi nag-iisip. Basta arya na lamang ng arya. Marami tuloy ang hirap sa ‘online learning’ dahil sa hindi nalinang ang ugali at kakayahan sa ‘independent learning.’
For more information, please contact:
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
Ang bente mo barya na ngayon.
Inflation
Aren't you afraid? 5-10yrs from now baka ang 100 pesos, coins na lang din..
Yung value ng pera pababa ng pababa, ang gastusin pataas ng pataas! Kaya this is the right time to do more in your 2021! Because you deserve even more!
Start this year by investing with PROTECTION
Invest it wisely.
ASK ME HOW!
Ang dahilan ng pangyayari ay nakamulatan natin ang nabanggit na sistema ng pagtuturo at pag-aaral sapul sa elementary hanggang hayskul at kolehiyo. Nang pinalad na maging guro ang mga estudyanteng ito, ay ganito na rin ang ginagawang pamamaraan ng pagtuturo ng karamihan sa kanila. Nakalulungkot isipin na ang produkto ng pagtuturo ay siya ring aasahang produkto ng pagkatuto. Ang natutunan ng mga dating guro sa kanilang guro ay siya naman kanilang paraan din ng pagtuturo sa mga bagong estudyante. Mostly ay ‘knowledge-based’ pa rin ang nakasanayan sa pag-aaral at hindi na nabago. Kailangan talagang talagang matutunang mabuti ng mga bata ang tungkol sa buhay tulad sa sitwasyong ito. Dito nakataya ang kanilang kinabukasan.
Kung may nababanggit man mga pag-aaral hingil sa pagiging mahusay sa pag-aaral, ay masasabi kong may kalakip na pagpapaumanhi na hindi ganoon lahat kabisa ang nilalaman at paraan kung paano matutunan. Mangyari pa, tulad sa bulag, ang marami sa atin ay nananatiling kakapa-kapa sa buhay hanggang sa kasalukuyan bunga ng mahinang sistema ng pag-aaral na nangyari. Pinalala ito ng ‘culture shock’ sa itinuturo sa paaralan na lihis sa tunay na dapat matutunan sa Paaralan ng Buhay. Nawa’y maisip sana ito nang marami sa sarili nilang karanasan upang huwag nang mangyari sa buhay ng ating susunod na kabataan.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
Para sa inyong kaaalman, ang paksang-diwa ng serye ng blog na ito ay nagsimula noong unang mabasa ko ang mensahe ni Bill Gates sa isang seremonya ng pagtatapos ng mga hayskul na mag-aaral. May pamagat itong “11 Lessons You Will Never Learn in School.” Sang-ayon kay Bill Gates, ang labing-isang (11) aralin ang hindi natin natutunan sa paaralan na dapat nating maunawaan sa tunay na buhay ay ang sumusunod:
Life is not fair. Get used to it. Hindi nga patas ang buhay, kaya dapat tayong masanay sa hindi inaasahan. The World Doesn’t care about your self-esteem. Walang sinuman sa mundo ang mangingialam sa pagpapahalaga natin sa ating sarili. Maaari kasing tayo ang pinakamatalino at marangal na tao, ngunit hindi garantiya na tayo ang magiging pinakamatagumpay sa buhay o papaburan ng kagustuhan ng iba. Ang inaasahan ng lahat sa atin, ay ang may magawa muna tayo at saka may mapatunayan para sarili nating kasiyahan. You will not make six figure salary right after school. Hindi ka nga naman agad-agad na susuweldo nang napakalaki (six figure-magkano iyon kung PHP 916,610?) pagkatapos mong mag-aral. Kailangang pagsikapan mo muna ito sa pagtatrabaho. If you think your teacher is tough, wait till you meet your boss. Kung iniisip mong napaka-astig sa lupit ang teacher mo ngayon sa pagtuturo, ay naku! Hintayin mong magkaroon ka ng bossing sa trabaho para malaman mong may mas malupit pa sa kanila. Flipping buggers is not beneath your dignity. Kumbaga, hindi naman makababawas sa dignidad mo bilang tao ang pagkakaroon ng mababang uri ng trabaho basta kinursunada mo ito para mabuhay nang marangal. Ang isa nga sa pinakamayamang tao sa mundo ay dati lamang nagtitinda ng diyaryo. Kilala mo si Thomas Edison? Basahin ninyo talambuhay niya. If you mess up, it’s not your parents fault. Kung nagkamali ka o nakukulangan sa buhay, hindi kasalanan ng magulang mo mga ‘yan. Katumbas nito, hindi mo rin dapat isisi ang pagkukulang mo sa ibang tao. Your folks know something you don’t know. May mga bagay na alam ang ibang tao na kakilala mo ang hindi mo alam na dapat mong malaman sa kanila kung makikipag-usap ka sa kanila o makakasama sa trabaho. Your school may not have done away with winners and losers, but life has not. Sa katotohanan, sa iskul ay bibigyan ka nang maraming pagkakataon para makalusot ka o pumasa, ngunit sa buhay ay hindi siya saktong nangyayari. Suwerte mo kapag nakatsamba ka. Life is not divided into semesters. Ang buhay ay hindi puwedeng itulad sa semestre ng pag-aaral na may pahinga. Dahil sa simula pa lang ng buhay mo, tuluy-tuloy na ang lahat na magaganap. Kung ano gagawin mong pagsisikap, doon matataya ang maganda mong kapalaran. Television is not real. Bilib na bilib ka sa mga nakikita mo at napapanood sa telebisyon, hindi naman ganoon kasakto ang nangyayari sa buhay. Mas madali pa nga ang ipinakikitang nangyayaring buhay sa telebisyon kumpara sa kaganapan sa tunay na buhay. Tingin ninyo, hindi ba? Be nice to nerds. Pakabait ka sa mga parang hindi normal sa isang tao na napupuna mo, dahil darating ang pagkakataon makakasama mo sila sa pagtatratrabaho o anupaman sa buhay mo.
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Nasundan ang kabatiran ko sa hindi kasapatan ng nilalaman ng pagtuturo nang pumukaw sa aking isipan ang pamagat ng aklat na isinulat ni Joe Vitale na “School’s Missing Instruction” ni Joe Vitale. Napagmuni-muni ko lalo na sadyang may mga bagay na hindi naituro sa atin paaralan, saka na lamang natin natututunan sa pagpapatuloy ng buhay – at ang bagay na ito ang pinakamahalaga kung gaano kabisa natin pinag-aaralan sa buhay. Bunga ng mahaba-habang karanasan ay naging panuntunan ko sa pagtuturo ang “teach how to learn the subject” upang matuklasan ng aking mag-aaral kung paano mabisang matututo ng paraan sa pag-aaral bukod sa kaalaman. Hindi sila aasa lang ng karunungan sa guro na tulad sa iba ay hindi maiiwasang limitado sa saklaw ng nilalaman. Nasabi ko ito dahil sa nakita kong pagtatalo ng isang guro at estudyante tungkol sa isang teoriya ng “water world” kung paano naisip ng estudyante na matatakpan ng tubig ang mundo sa halip na 3/4 na nakita niya sa mapa ng daigdig.
Labis na naniniwala ang isang estudyante na posibleng sa darating na panahon, ang malaking bahagi ng ating daigdig ay matatakpan ng tubig mula sa mabilis na pagkatunaw ng yelo sa rehiyong polar (malamig) ng daigdig bunga ng nangyayaring ‘global warming.’ At sa ganang paniniwala ng estudyante ay kabilang sa lulubog ang kapuluan ng Pilipinas. Sa hinuha pa ng estudyante, ito ang dahilan kung bakit pulu-pulo ang topograpiya ang ating bansa dahil inabot ng pagtaas ng tubig ang mabababang lugar. Mangyari natakot siya sa posibleng mangyayari sa hinaharap. Pero naging convincing ang nalalaman niya dahil sa pelikulang Water World na napanood niya.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Hindi naniwala si titser sa estudyante. Ang masama, ay pinatutsadahan pa ang paniniwala bilang guni-guni nang walang maisip na maganda. Sapul noon hindi na naging aktibo sa pakikipagtalakayan ang estudyante. Nawala ang esensiya ng ‘aktibong pagkatuto’ na magbibigay-daan sana sa higit na malawak na kaalaman sa buhay dahil lamang sa hindi mabuting binitiwang salita ng guro. Alalahanin natin na ang mabisang pagtuturo ay hindi lamang sa pagsasalita ng ituturo kundi maging sa pakikinig at pagsusuri sa itinuturo upang mapayabong pa ang kaalamanan sa karununga. Kaya naman naging dakilang layunin ng blog na IN FACT, MATHALINO ang ipaunawa ang nakatagong lihim na kaalaman sa pagkatuto upang maging tunay na matalino hindi lamang sa aklat ng kaalaman, bagkus, higit na mahalaga sa aklat ng buhay sa tulong ng mabisang karananasan ng buhay na natutunan sa sarili at sa ibang tao.
Read, Share, and Subscribe.
コメント