top of page

READING EXPERIENCE



 

Maraming tao ang tamad magbasa hindi sanhi ng kawalan ng interes sa gawaing ito kundi, ang mismong babasahing ang walang kainte-interes basahin o kaya ay dahil malalim sa pang-unawa ang babasahin at hindi ito mahalaga sa kanila. Ang iba naman ay walang oras magbasa, ngunit kapag nagkaproblema na tulad sa kalusugan ay saka lamang nila maiisipan pag-aralan sa pamamagitan ng pagbabasa ang sanhi ng karamdaman nila. Mangyari pa, kinakailangan na ang babasahin ay dapat magkaroon ng direktang pangangailangan sa personal na buhay lalo na sa mahahalagang kaalaman dapat matutunan sa buhay. Ang isa pang problema sa babasahin kung bakit hindi makapukaw sa interes ng marami ay dahil sa paraan ng paglalahad ng kaalaman at karunungan na kailangan din naman sadyang malikhain.


 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 63949970474




 
READING EXPERIENCE ...

Isang himala ng tuwa ang matuklasan natin sa ating sarili na mula sa pagbabasa ng A, E, I, O, U ay natutuhan natin ang Ba, Be, Bi, Bo, Bu … saka unti-unti natin nabibigkas ang Ba … Baba! … Ba … Babae! At saka namamangha nating masasabi sa ating sarili na: “Aba! Aba! Nkbbsn pl ako …! Nakakabasa na pala ako!“ Ngunit, nauunawaan ba natin na ito’y lubhang mahalaga upang ipagpatuloy pa at gawing palagi sa araw-araw nating buhay?


Maging ang nilalaman ng binabasa ay karaniwan nang paksa at paglalahad ng iba pang aklat na hindi na makapukaw ng interes ng mga magbabasa. Kumbaga sa totohanang pagsusuri ay walang novelty of idea o bagong nilalaman para makaganyak ng pagtuklas ng bagong kaalaman na sadyang kasasabikan sa pagbabasa. Marahil kaya naibigan kong labis noon ang nobela sa komiks ni Vincent Benjamin Kua Jr, na Ad Infinitum ay dahil sa kakaibang paksa. Marami din kasing tanong ang nobela na nakakaintrigang malaman lalo’t hinggil sa buhay at kamatayan na nakapupukaw sa aking batang isipan noon para sundan ang kuwento at hanap-hanapin pa rin hanggang sa ngayon ang mga katotohanan sa mga pangyayari sa buhay.


 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407

Kris Torres 639499704741




 
READING EXPERIENCE ...

Sa kabilang banda, may mga babasahin rin na hindi nagagabayan sa tamang pag-iisip ang mambabasa, kung kaya’t walang nagiging hamon sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagbabasa. Gaya noong una na ang paniniwlaa ko na, ang layunin natin sa buhay ay tuklasin ang ating passion o pagnanasa o hilig mangyari, Kalaunan, ay natutunan ko sa akaing binabasang aklat na ang layunin pala natin sa buhay ay kung bakit tayo ay isinilang at maaari nating gamitin ang ating passion para sa matuklasan nating ang layunin natin sa buhay.


Karaniwan sa mga aklat ngayon ay halos give away ang lahat ng kaalaman na sakto lamang sa kaalaman, ngunit hindi maaaring tanggapin bilang karunungan dahil wala naman sa karanasan inilalahad. Ni wala ngang porma ng katanungan para sa pag-aanalisa ng binasa na hahamon sa mambabasa para mag-isip. Sa puntong ito, naisip ko sa ibayong pag-aaral na pilosopikal ang kuwento ni idol Vincent. Nakapagtatakang sa latin na pamagat pa lamang tulad ng Ad Infinitum ay kakaiba na sa karaniwan na mag-iisip tayo sa pamagat. Ang akala ko noon ang subtitle ng kanyang nobela ay ang tinagalog na ‘Ang Walang Hanggan,’ ngunit, ‘The Coldest Ice Cream’ pala talaga. Napaisip ako kung may cold, colder, and coldest ice cream ba? Sayang nga lamang at hindi ko naitanong sa teacher ko noon kung puwede ba ang ideya savsentence sa English ang, “Isn’t it the coldest ice cream?” Sa Practical Chemistry ba, iisa lang ang temperatura ng ice cream sa iisang kalagayan? Minsan, posibleng may mali sa iniisip nating palagay, ngunit sa sa ganitong kalagayan, tayo ay mayroong higit na matututunan.


 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407

Kris Torres 639499704741




 
READING EXPERIENCE ...

Pasensiya na kayo, ngunit, ganito pala raw talaga dapat mag-isip ang mag-aaral na gustong matuto - nag-iisip ng katanungan para may malaman na magagamit sa pagtuklas ng iba pang kaalaman. Mahirap kasing maunawaan ang theoreticl knowledge kung hindi mauuunawaan sa praktikal na paraan. Ngunit, palibhasa bata pa nga ako noon at wala pa ngang gaanong alam ay sinundan pa ng isip ko ng ibang katanungan na wala ba itong iniwan sa ice cold na alam naman nating malamig ang yelo bakit may cold pa?


 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741




 
READING EXPERIENCE ...

Pagkaminsan pa, ang mga babasahing aklat ay salat sa kaalaman para sa mabuting pagpapakatao, kaya’t may mga mambabasa tayo na matatalino sa kanilang nababasa, ngunit kapos naman sa mabuting kaasalan na siyang unang nararapat na layunin ng pagkatuto sa binabasa. Bunga kasi nito, lumalabas na may kaalamang natutuhan, ngunit hindi makita sa ugali. Ang maganda pa kay Sir Vincent ay hindi siya nangangaral sa kuwentong kanyang isinusulat. Lagi lang siyang nagtatanong sa mga sitwasyon ng kanyang kuwento para tuklasin ng mga magbabasa aaral sa kuwento upang magkaroon sila ng sariling pananaw hingil sa tama at kabutihan.


 

Sir Bogir Torres

Mobile number: 09272450838




 
READING EXPERIENCE ...

Nagbabasa ba kayo lagi? Gawin itong ugali tulad sa mga taong matatagumpay sa buhay na ang malaking oras ng kanilang buhay ay nasa pagbabasa. Hindi rin lumilipas ang araw na sila ay hindi nagbabasa ng mahahalagang bagay sa buhay tungkol sa pagpapakatao, kalusugan, pagppaunlad ng buhay at pagkakamit ng tunay na kaligayahan. Kapag may natututunan silang mahalagang bagay ay minamarkahan nila ng may kulay at saka isinusulat sa kanilang notebook bago pag-iisipan ang kaalamang natutunan at iisipin sa kanilang karanasan para naman sa kanilang karunungan. Ngunit, ang tanong ay kung nagbabasa kayo ay tungkol saan ang binabasa ninyo? I suggest mga aklat na may matutunan sa buhay. Sa mga taong matatalino, the kind of books that your read leads you to your destiny. May kinalaman sa uri ng aklat na ating binabasa ang ating magiging pagkatao at magiging kapalaran.


Read, Share and Subscribe:

IN FACT, MATH-ALINO!

https://www.prosperlife thrueducation.com/post/reading-experience

August 16, 2021

Comments


bottom of page