top of page

MY DEAR PRUDENCE
















 

May dati akong kaibigan, Prudencio ang kanyang tunay na pangalan.


Lagi niyang tinatandaan, ang tunay na aral ng kanyang pangalan. Tiningnan ko sa dictionary ang kahulugan mula sa salitang “pudence.” Ang ibig sabihin pala ay “ability to govern and discipline oneself by the use of reason.”


Ibinahagi niya ang tunay na aral ng buhay. Kalaunan ay naunawaan ko sa tunay na karanasan

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741


 

Ouch!

Ang sabi sa nabasa ko … “Prudence can kill a man who does not follow its name.” Ang prudence pala ay hindi basta kabaitan kundi karunungan sa pagiging maingat. Kundi nga naman talaga magiging maingat ay posibleng ikapahamak ng ating buhay.


Ingat sa bibitiwang salita. Ingat sa pakikinig kung tama. Ingat sa gagawing desisyon. Ingat lalo sa gagawing hakbang o aksyon. Ang mata ng buhay ay nakamsid sa ipapala.


 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741

 

Ang karangalan nating iniingatan ay saglit lamang na hindi natin namamalayan. Pagkalipas ng sandali ng buhay ay makakalimutan na rin ang ringal ng ating katauhan. Dahil sa ibang ay may materyal na higit na makinang!


Ngunit ang sinumang ipinangangalandakan ang kanyang kahusayan at kayamanan na hindi naman, ay tigib na maipapahamak ng kanyang taglay na kayabanagan sa isip at hambog na katawan. Okray siya sa sinumang mayayabangan.

 

Kahiman manahimik at hindi ipamarali ng daldal, ang pagiging karapat-dapat sa kahusayan ay tulad sa hindi nagsasabi ng anupaman gaya rin sa kapatawaran.


Ang tabil ng dila sa kadaldalan ay nadudulas at lubhang mapanganib sa sinumang bata at matanda. Kahit ang papuri at pamimintas ay may dalang anghang sa pakikinig ng ibang may inggit na kinakatawan. Itahimik ang bibig sa taglay na karangalan at hayaan na lamang ang iba ang magdaldal.

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741


 

Kundi rin lang dapat sabihin, pigilan ang bibig sa pagsasalita. Ang lubhang pagiging maingat, mali man o tama ay pagiging maingat pa rin sa madla. Watch your words nga!

Sa paggawa ng desisyon kung tama man at mabuti, may dalawang bagay pa ring mangyayari. Pagkaminsan mahirap talagang magdesisyon kung para sa kanino ang mapapala at bakit nga ba sa kanya. Ngunit sa pagkakabisala sa maling desisyon, asahang ito ay makagagambala. Marapat lamang na pakinggan ang sariling tinig na nasasaloob na mahiwaga.

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407


ADVANTAGE OF INVESTING EARLY

Let me help you secure your future and your family for as low as P 1,500 / month.

Get insured online, no meet ups needed. Message me for more info

 

Pakinggan ang iyong puso bago ang isipan sa pagpapasya. Maingat na hanapin doon sa kaibuturan ng kaluluwa. Huwag laging alanganin at biglang magbabago ng pagpapasya. Marapat lamang pag-isipan talaga, ngunit kung hindi, sa iyo rin ay maraming mawawala.


Ano ang mabuting katangian ang taglay ng pangalan mo na dapat mong isabuhay?


Read, Share, and Subscribe.

コメント


bottom of page