Totoo ang sinabi ni Henry David Thoreau:
“Not until we are lost, we begin to understand ourselves.”
Tinananong si Smart, “Saan ka nakatira?” Ang sabi niya, “Sa Jabson Estate I.” Tanong uli nang nakakita sa kaniya, “Saan ba ang Jabson Estate I?” Sagot niya, “Doon po sa Sumilang!” Sunod na tanong, “Saan yung Sumilang?” Kumpletong sagot niya, “Sa Pasig City po, doon po ang Sumilang.” Para makatiyak, may tanong pang muli. “Eh, saan naman ang Pasig City?” Tiyak niyang sagot, “Eh, di sa Metro Manila!”
Dahil natutuwa pa sa talino ni SM ang nagtatanong dahil SMART KID talaga siya, ay tinanong naman siya kung saan naman naroroon ang Metro Manila. Walang kagatul-gatol na sagot niya, “Eh, saan pa” ‘Di sa Philippines!” Buong paghangang umusisa uli ang nagtatanong, “Naku, bata ka! Saan naman naroon ang Philippines?” Paniniyak na sagot ni SM, “Di po ba nasa South-East Asia?” Mangha sa talino ang nagtatanong, “Kung gano’n, saan naroroon ang South-East Asia?” Biglang naiba ang sagot ni Smart, “Sa lobo ng mundo? Taka ang nagtatanong, “Ha? Anong lobo ng mundo? Nasaan ang lobo ng mundo?” Ang sagot ni Smart … “Nasa kamay po ng Sto Nino!”
Ang lobo ng mundo ay nasa kamay ng Sto Nino. Iyon ang nakita ni Smart sa altar ng bahay nila, kaya iyon natutuhan niya! Kinakailangan ang tinatawag na perception upang maunawaan at matutunan ang isang bagay. Mangyari, kung ‘yung ano ang nakikita sa reyalidad sa buhay, iyon na ang totoo na dapat pa ring malaman sa ibang paraan. Hindi ito nalalayo sa tunay na karanasan naman ni Nelson na noong bata pa siya at nawala pag-uwi galing sa iskuwelahan ay inakala niyang ang langit ay horizon pala!
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Nawala si Nelson, ngunit may natutuhan siya sa Agham ng Kaalaman.
Sa punto ng karunungan ay natutunan niya ang diwa ng totoong buhay?
Si Nelson ay hindi katulad ng ibang bata na sa unang araw ng pasukan ay inihahatid at binabantayan ng kanilang magulang o yaya sa iskuwelahan, kaya maaga siyang naging independente. Iyon ang unang pagsasanay na ginawa ng kanyang magulang sa kanya. Palibhasa nga hindi niya naranasan ang ihatid at sunduin sa ikuwelahan noong unang araw ng pasukan sa Grade One ay sadyang hindi niya malilimutan ang una niyang karanasan sa pagkatuto. Ipinasabay lamang siya ng kanyang Ina sa pinsan niya sa pagpasok. Saka pinagbilinan siya na sa pag-uwi ay hintayin ang sundo ng kanyang pinsan para may makasabay siya.
For more information, please contact:
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
Ang bente mo barya na ngayon.
Inflation
Aren't you afraid? 5-10yrs from now baka ang 100 pesos, coins na lang din..
Yung value ng pera pababa ng pababa, ang gastusin pataas ng pataas! Kaya this is the right time to do more in your 2021! Because you deserve even more!
Start this year by investing with PROTECTION
Invest it wisely.
ASK ME HOW!
Dumating ang tanghali at uwian na, hindi niya nakita ang kanyang pinsan at wala rin sundong nangyari sa kanya ninuman. Dahil wala nang tao sa iskuwelahan, nagpasya siyang maglakad at umuwing mag-isa nang hindi tiyak ang daan pauwi ng bahay. Kalalakad sa katirikan ng araw, ay nakarating siya sa malayo. Napatanaw siya sa ulap na noon ay inisip niyang langit dahil sa kuwento ng kanyang Lola Marta. Ang tingin niya, mababa lang ang langit sa bandang dulo kaya nilakad pa niya nang nilakad para makarating.
Madalas kasing sabihin ng kaniyang Lola kapag nagkukuwento, na ang kulay bughaw na ulap ay langit. Iyon tuloy ang heaven na naging paniniwala niya dahil turo ni lola niya! At dahil nga natatak sa utak niya ang turo ni lola niya, alam niyang sa langit nakatira si God Omniscient (Diyos na Nakakaalam ng Lahat), ibig niyang makarating sa langit noong sandaling iyon upang itanong kay God ang daan pauwi sa kanila dahil nagugtom na rin siya. Ngunit sa patuloy na paglalakad niya, ay nagtaka siya kung bakit tila hindi naman bumababa ang heaven habang lumalapit lumalapit siya. At lalo yatang tumataas. Naisip niyang, mukhang hindi siya makararating sa langit para makausap si God ...
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
Hindi sinasadya, may tumawag sa kanya … Kilala siya, ngunit hindi niya kilala … Sa isip-isip niya, “Bakit kaya?” Anak ng Ina niya talaga, klasmeyt pala niya sa Grade One! Hindi nga niya kilala pero, kilala siya dahil magkalapit lang sila. Niyaya siya nito na umuwi na sila. Kaya sumabay na siya nang hindi kumibo. Nagkagulo ang lahat sa pagdating niya sa kanila. Pinuntahan pala siya sa iskuwelahan, ngunit wala na siya. Nawawala na pala siya noon. Hindi pa niya alam! Hindi na lamang niya sinabi kaninuman na nawala siya. Nilihim niya sa lahat ang bagay na ito dahil ayaw niyang mapahiya. Ewan niya sa sarili niya kung bakit may pride na siya noong bata pa siya!
Pero inisip pa rin niya ang heaven na house ni God at kung bakit hindi siya nakarating gayong mukhang mababa lamang na puwede pa nga niyang abutin kung klalapitan. Hindi na niya itinanong kahit kanino ang tungkol dito. Kaya hindi pa rin niya maintindihan ang heaven. Nasa Greyd III na siya nang isinama sa camping ng Boy Scout. Tuwang-tuwa siya nang paakyat na ng bundok ng Makiling ang sinasakyan nilang school bus. Tuwang-tuwa siyang makakarating sa pinaniniwalaan niya pa ring Heaven: The House of God, na hindi agad na naisip na ulap ang nakita niya. Subalit sa katagalan ng biyahe paakyat ng bundok ay napuna niyang lumalabo ang buong paligid. Narinig niya sa teacher niya, “Ang kapal ng ’fog’!” Noon niya nalaman na hindi iyon langit. Ulap lamang talaga ang kanyang nakita na kalaunan ay natutuhan niya sa Elementary Science.
Naunawaan niya ang aktuwal sa pangyayari at ang kaalaman hinggil sa horizon sa pamamagitan ng paggamit ng dictionary. Nabatid niya ang kahulugan ng horizon is the apparent junction of earth and sky. Sinubukang niyang tingnan sa tagalog dictionary. Wala roon kahulugan. Kaya inunawa niya sa tagalog na, ang horizon ay mistulang hangganan ng daigdig at kaitaas-taasan ng papawirin kung saan parang nagtagpo at nagkadikit ang daigdig at papawirin. Noong unang beses na umakyat siya ng Baguio kasama ang best friend niya, pinatugtog niya ang Muntik Nang Maabot Ang Langit. Lihim siyang nangingiti habang minamasdan ang pagbaba ng fog sa paligid.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Nararapat na bigyan natin ng makabuluhang kaalaman sa paaralan ang mga bata. Kinakailangan din nila ang sapat na karunungan sa pamamagitan ng pagsasanay kung paano mauunawaan ang kaalaman at gagamitin sa buhay. Alalahanin nating ang aral ng kuwento ni Smart na minsan napakinggan ko sa homily ng simbahan na, “Ang mundo ay nasa kamay ng Sto Nino. Ang ibig sabihin – nasa kamay ng mga batang ating tinuturuan ang kahihinatnan ng buhay sa mundo.” Huwag lang basta sigaw ng “Viva Senor Sto Nino!” na hindi nauunawaan ang kahulugan.
Sa pagkakataong ito, hinhiling ko ang panalangin ng lahat para kay Ma’m CHERRY MAY GIRAY ARANQUEZ ng San Roque National High School sa Antipolo, Rizal. Siya ang naging kasangkapan ng Diyos upang matagpuan namin ang aming special child na si Gaylord Nepomuceno na matagpuan matapos ang labinlimang taong pagkakawala. Tunay na makapangyarihan ang Panginoon na pakinggan ang ating kahilingan. Kailangan nga lang natin maghintay ng takdang panahon. Akalain ba namin na sa loob ng 15 taong paghahanap, at nang ipagdasal sa grotto sa Baguio, ay limang araw lamang ay nagkaroon na kami ng balita kung saan matatagpuan si Gaylord sa tulong ni Ma’m Cherry. Bago pa man ay nagampanan na niya ang isang banal na layunin ng kanyang buhay sa kanyang kapwa. God bless, Ma’m Cherry’s eternal repose.
Read, Share, and Subscribe.
Comments