top of page

ON DIFFICULT TIMES



 

Kung sinasabing life is the most difficult exam, ang parte na pinakamahirap dito ay having patience for the right moment. Mainipin ang karamihan sa tao sa gusto nilang mangyari gaya ng ibig nila instant money at yamanin agad sila kaya ang daming nabibiktima ng kung anu-anong scam. Ang mahalagang itinuturo ng pagiging matiyaga ay maging mapagpahalaga sa mga bagay lalo na sa mga bagay na pinaghirapan. ‘Ika nga sa kasabihan, “Be patient because sometimes you have to go throught the worst to get the best.” Bagama’t may kasamang kapaitan ang pagiging matiyaga dulot ng mga pagsubok, ang bunga naman nito ay napakatamis sa ating inaakala. Kumbaga, success talaga siya!


 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741




 
ON DIFFICULT TIMES...

Sa pagbibiyahe na lamang sa kalsada kung ikaw ang drayber, maaaring tuluyang mapahamak ka sa sandaling mawalan ng pasensiya dahil sa kainip-inip na daloy ng trapiko. Posibleng mang-away ka o ikaw ang awayin na sisira pala sa iyong buhay. May nabasa ako sa psychology. Ang mga lalaki raw na hinahalikan o humahalik sa asawa bago umalis ng bahay at pumasok sa trabaho ay 90% ligtas sa sakuna. Kung aalis man ng bahay, iwaksi muna ang mga galit at samaan ng loob. Konting tiis, kaysa sa may mapahamak pa kayo! Positive vibe lang palagi. Sa ganitong paraan, isaloob ang magandang talinghaga na matutunan ang “Life is flowing like a river with unexpected turns. May be good, may be bad … But learn to enjoy each turn, because all these turns never returns.” Kailangang maging matatag at matiyaga tayo sa mga ginagawa nating pagsisikap laban sa mga pagsubok sa buhay. Baka hindi ninyo alam maaaring makakatulong ito sa inyo pagdating ng panahon – ikaw ang taong matututong maging cool lang always …. Hindi basta-basta binabagyo ang mood na ang resulta ay taas ng blood pressure ninyo. Bibili kayo ng gamot, dagdag pa rin sa gastos ninyo na dapat pang-ipon ninyo na lang, kikita pa kung investment-insurance ang pinaglagyan ninyo.


 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 63949970474




 
ON DIFFICULT TIMES...

Mangyari, sa katitiyaga ay saka lamang nalalaman na marami pala tayonng nagagawa na hindi natin namamalayan sa ating sarili. Walang nasasayang na oras sa buhay. Ang sabi, “Through patience, great things are acommplished.” Hindi naman tayo magiging matatag kung puro saya lamang sa buhay. Kailangan din may matitinding pagsubok sa buhay para humusay sa karanasan at ito nga ang nagiging kaunungan natin sa buhay. Saka sadya naman talagang weather-weather lang ang yugto ng buhay. Lahat ng bagay may takdang panahon tulad ng pagsibol ng halaman, pamumunga, pangunguluntoy at muling pamumulaklak. Hindi rin naman sa mismong araw na itinanim mo ang puno ay sa oras din na iyon tutubo, mamumunga at kakainin mo. Sa oras din na matuto tayong magtiyaga ay naroroon ang pagpapasensiya na maiiwasan nating magalit ng walang patumangga bago sorry not sorry pa tayo. Pride na iiral sa atin niyan, hindi kasi natin matatanggap na nagkakamali tayo lalo na sa padaskul-daskol. Tandaan, ang lahat ng bagay sa mundo ay may prosesong pinagdaraanan. Hindi siya biglang nagaganap. Ngunit, ang sabi nga, “Everything will fall into place, you just have to be patient and trust the process.” Sundan mo lamang siya para higit na maunawaan ang rekititos sa buhay,


 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407




 
ON DIFFICULT TIMES...

Akala natin basta lamang ang pagiging patient, napakalakas nitong enerhiya na puwedeng gawin tayong mentally and emotionally strong; sa pagiging tahimik at magtiyaga ay mas nagiging mapayapa, ngunit malakas ang emosyon natin kapag umarya. Kaya naman silang mga taong may ganitong ugali ang nagiging mahusay sa anumang gawain dahil nakatuon ang pansin nila kahit sa mga bagay na iniisip nating mahirap, sa ganitong paraan nagiging madali na sa kanila ang takbo ng buhay. There you are … patience is a necessary ingredient of genius. Sino nga ba ang nagiging math-alino sa pag-aaral, hindi ba silang matitiyaga?


Ang misteryo ng karunungan ay nakakamit lamang ng mga taong may ibayong tiyaga sa pagsisikap at paghihintay lalo na sa pag-aaral. Matapat na kaibigan nila ito na magbibigay sa kanila ng ganap na kapayapaan ng loob saka ng tagumpay. Hindi nga ba para makuha natin ang mga bagay na ating inaasam-asam ay kailangan nating laging magtiyaga? Hindi naman isang gabing tulugan lamang ay makukuha natin ang ating gusto, binubuo rin ito ng unti-unti nating paniniwalang may mangyayayari at makukuha. Kailangang araw-araw ay tutukan hanggang makuha ang mga naisin at ibig mangyari.


 

Sir Bogir Torres

Mobile number: 09272450838




 
ON DIFFICULT TIMES...

Oo nga’t napakahirap na karanasan ang pagiging matiyaga, ngunit sa sandaling matutunan, ay madali nang ayusin ang lahat sa buhay. Kalimitan ay iniisip ng marami sa atin na isang kahinaan ang paghihintay. Mali! Ang pagiging mainipin ang sukdulan ng kahinaan, at ang katiyagaan ang lakas na hindi manghihinawa. Sa pamamagitan ng tiyaga, umuunlad ang ating pagkatao, nahihilom ang mga kahinaan at nagiging kasikatan ang ugali na itong taglay. Ang hindi pagsuko sa pagsisikap na patuloy na isinasagawa ay lebel ng pagiging matiyaga. Kasama na rito ang determinasyon at katatagan upang mabago ang hindi natin nagugustuhan sa buhay. Taglay nito ang aral na “Patience is when you are supposed to be mad but you choose to understand.” Hindi naman ibig sabihin na magtiyaga tayo ay maghintay na lamang at walang gagawin gaya sa kuwento ni Juan Tamad na nakahiga at nakanganga lamang na naghihintay sa pagbagsak ng bungang bayabas. Kasama sa pagtitiyaga ang patuloy at walang sawang paggawa ng kaparaanan. Kaya huwag susuko kahit sabihing mahirap pa dahil mas mahirap at masakit ang … sorry na lang, walang nangyari!


 

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407

Kris Torres 639499704741




 
ON DIFFICULT TIMES...


Results happen over time, not overnight. Magtrabaho nang husto, ngunit mas mainam maging ismarteng (matalino) totoo nang walang humpay kasama na ang walang tigil na pag-aaral at pagtatrabaho kung paano makakamit ang bagay na gusto at pinapangarap. Darating ang ninanais sa takdang panahon. Minsan ay unti-unti at may bigla-bigla na hindi natin lubos mauunawan ang paraan na gaya ng nasa isip natin at plinanong mangyayari. Pinakamahalagang kilala natin mabuti ang ating sarili sa hangganan ng pagtitiyaga. Nang sa ganoon ay lalo pa natin siyang mapagtitibay. Mahalagang susi ito ng pagreresolba ng problema sa buhay. Mangyari pa, nagkakaroon tayo ng mabuting ugali sa ating paghihintay.


Tanong ko, paano ninyo tiniyaga ang pagbabasa nito at pag-aaral sa inyong buhay?

Read, Share and Subscribe:

IN FACT, MATH-ALINO!

https://www.prosperlife thrueducation.com/post/on-difficult-times

July 25, 2021

Comments


bottom of page