Hello! Sino naman kaya silang mga tao na patuloy na naghahanap ng paroroonan ng buhay, at mayroon pa sa kanilang nawawala? Silang walang maliwanag na layunin sa buhay o kung mayroon man ay gulung-gulo ang isipan at damdamin sa pangarap na ibig mangyari. Mga nagloloko sa pag-aaral, palipat-lipat ng trabaho, palabuy-laboy, laging may kaaway pati na sarili kagalit at maligalig sa pag-ibig kaya’t kung kung sinu-sino ang akalang minahal. Lumipas ang panahon ng hindi nauunawaan ang tama at mabuting pagpapamilya at pamumuhay. Be it known, “A strong person knows how to keep his life in order.”Isang mahalagang paalala na ayusin muna natin ang ating sarili bago ang iba.
‘Education is for life purposes.’May natatanging layunin ang edukasyon para kamtin nang marangal sa paraan ng paglilingkod sa kapwa at sa lipunang kinabibilangan ng walang pasubali.Ang dahilan ng pag-aaral ay para magkaroon nang maganda, maayos, masagana at mapayapang pamumuhay. Mangyayari ito kung tuturuang mangarap nang mahusay ang mga bata habang musmos ang isipan. Para madali pang hubugin ang kalooban at kakayanan. Turuan silang mangarap nang totohanan dahil narorooon ang layunin sa buhay. Saka hayaan ang kapalaran ang magtakda, ngunit huwag ipagwalang-bahala na ‘que sera, sera’ (come what may o bahala na si Batman) na gaya nang nangyari sa buhay ng marami sa atin. Kapag may pangarap sila, ay tiyak na may makakamit silang tagumpay para sa maayos na buhay. Ang Education for Life Purposes ay ni W.E.B. Du Bois ay nagsasabing “Education mus not simply teach work – it mus teach Life.”
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Purpose is what gives life a meaning. Kapana-panabik ang buhay kung may pangarap na ibig makamit. Dahilan ito ng buhay na pagsisikapang makamit, parang sa panitikan ng buhay, may problem at conflict na kasasabikang pag-aralan paano malulunasan. Ang aral nito ang gagabay sa pangyayari sa ating buhay. Tuturuan tayo nitong maging matatag sa paunang kabiguan bago ang tagumpay. Ang payo, bago pa mag-aral ang bata ay alamin na ang kanilang pangarap sa buhay at gawing pamukaw ang pag-aaral para sa katuparan ng pangarap sa buhay. Ipaalala ito parati upang maisip nila. Gamot din ito sa mga taong ibig makalimot.
For more information, please contact:
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
Ang bente mo barya na ngayon.
Inflation
Aren't you afraid? 5-10yrs from now baka ang 100 pesos, coins na lang din..
Yung value ng pera pababa ng pababa, ang gastusin pataas ng pataas! Kaya this is the right time to do more in your 2021! Because you deserve even more!
Start this year by investing with PROTECTION
Invest it wisely.
ASK ME HOW!
Ang pangangarap ay hindi lamang para sa sarili kundi pati na para sa kapakanan ng bansa at ng buong daigdig. Hindi sa pagmemenos sa ating pagiging Filipino dahil math-alino naman tayong lahi, sa bansang Hapon ay itinuturo na ang tren ay dumarating sa takdang oras, kaya hindi sila puwedeng mahuli, kundi maiiiwan sila sa biyahe. Ang mga estudyanteng Hapon ang siyang naglilinis ng kanilang paaralan upang matuto ng disiplina, responsibilidad at pakikipagtulungan. Sa atin ay may utility workers pang tagalinis para sa kanila.Kaya nga noong 2011 na nasira ang kanilang kalsada dahil sa malakas na lindol, isang lingo pagkaraan ay yari na agad. Ang bansang Hapon ang unang gumawa ng vertical farming upang matugunan ang pagkain ng kanilang populasyon. Mataas ang kanilang ‘life expectancy’ (ibig sabihin ay mahaba ang buhay) na umaabot sa 83.59 years sa average. Katunayan ang isla nila ng Okinawa ay itnuring na healthiest place on earth dahil mayroon sila roon 450 kataong namumuhay na mahigit sa 100 na ang edad. Ang Tibetan Proverb na mismo ang nagsasabing “The secret to living well and longer is: eat half, walk double, laugh triple and love without measure.” Ginagawa ba natin ito o hanggang aral lang na nalalaman?Ang lahat ng magagandang bagay sa Japan ay bunga ng mabuting edukasyon. Ito sana ang pagtuunan natin ng pansin sa edukasyon ng ating mga kabataan.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
Ang problema kasi sa tradisyunal na edukasyon natin ay ang matandang paniniwala na kailangang ihanda ang ating mag-aaral para sila ay magkaroon ng trabaho. Hindi natin nauunawaan na ang trabaho o propesyon ay hindi lamang isang depinisyon ng buhay upang magkaraoon ng nais na dami ng salapi upang matugunan ang pangangailangan sa buhay. Ang ating buhay ay dapat higit pa sa ganitong layuning makapamuhay. Alinmang uri ng edukasyon na naglalayong magprodyus ng matalinong tao ay kadalasang napapabayaan ang paghubog sa kadakilaan ng pagiging maayos at mabuting tao. Bukod sa rito, mahalaga rin ang edukasyon na naglalayong matagpuan natin ang ganap na kaligayahan sa buhay.
Ang tinutukoy natin ay karampatang paghahanda para sa lahat, hindi lamang ng mga bata sa tamang matyuridad. Ang sabi nga, “This is a much bigger concept than just coming of age.” Sang-ayon sa depinisyon ng aklat ng Education for Life, “Ang matyuridad ay may kinalaman sa bisa ng abilidad na makatugon sa reyalidad ng buhay kaysa sa pansariling kagustuhang mangyari. Makikita natin na kahit na ang ilang may edad na tao ay kadalasan ding mga isip bata, kaya nga ang pangangailangang matugunan ang ganitong kakulangan ang layunin ng edukasyon sa buhay.
Sa matyuridad, kailangan ng ating mga kabataan na matutunan ang wastong pagsasanay tulad ng kung paano pipili ng makakasama sa buhay, paano magpapalaki ng mabuting bata, paanong magiging mabuting empleyado o manggagawa, ang tamang pakikitungo sa kapwa at paano maitutuon ang isipan sa tagumpay sa lahat ng gagawing pagsisikap sa buhay. Kung tutuusin pa, napakaraming kasanayan ang kinakailangan upang ihanda ang ating mga kabataang mag-aaral upang math-alino nilang haharapin ang mga pagsubok sa buhay sa paraang balanse at harmonious – magkasundo.
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
May kakulangan sa pagtuturo na dapat punan. Kadalasan nga kasi ang itinuturo natin ay mga kaalaman sa aklat. Bibihira ang karunungan sa buhay. Naglelektyur ba ang lahat ng guro tungkol sa praktikal na buhay? Isipin natin na makakalimutan ng estudyante ang lahat ng itinuro ng guro, ngunit hindi ang binahaging karanasan at aral tungkol sa buhay gaya ng“Nine-tenths of wisdom (karunungan sa buhay) ay being wise o math-alino sa oras.” Hindi nga ba alam naman natin na daig ng maagap ang masipag? Ngunit bakit hindi nagagawa.
Ang biro post tuloy sa FB: “Ayon sa Aklat ng Maboboteng Tao. Kapitulo Kuatro Kantos, Beersikulo ni San Miguel, Matador at Redhorse. Ang taong hindi sumusunod sa tamang daan. Lasing ‘Yan!” Natawa kayo? Minsan, kailangan din nating sakyan ang kalokohan ng mga bata para madali silang maka-relate sa itinuturo natin tungkol sa buhay. Huwag puro sermon na lang. Magmumukha silang laging nasa simbahan, pero hindi naman nagiging banal. Ang binanggit nga sa On Becoming a 21st Teacher: “Do not train a child by force or harshness, direct them to what amuses their minds so that you may better able to discover with accuracy the peculiar bent of the genius of each.”Madali nga naman magiging praktikal na math-alino ang ating mga estudyante kung nasasakyan nila ang ating itinuturo na nakasisiya sa kanilang kalooban.
Read, Share, and Subscribe.
Comments