Sa pag-aaral ng kasaysayan ay kalimitan ‘information-based’ pa rin ang karaniwang ginagawang pamamaraan? Tingnan ninyo sa mga klase at sa pagsusulit na ginagawa. Tuloy, natanim sa isipan ng marami na ang history ay kabisaduhan na dapat sana ay ‘training of the mind’ na mag-isip kung ano ang kahalagahan nito sa buhay. Nawawala tuloy ang ‘saysay’ ng kasaysayan na mahalaga!
Pak!
Ang buhay tuloy natin ay walang iniwan sa ‘paradox’ (paradoks sa tagalog). Tuloy nagkaroon ng mga kakatwang pangyayari sa ating buhay dahil hindi nauunawaan ang ibang pangyayaring lihis sa karaniwan. Ang paradoks ay mga bagay o pangyayari na parang hindi naman totoo, pero totoo pala! Kakatwa nga lamang ang dating gaya ng dalawang paradoks na ito:
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Imagine sa mismong salita na lamang na “kasaysayan” – may saysay, ay naroroon na ang mismong dapat unawain na, ang kasaysayan ay mahalagang kuwento. Eh, sa English nga ng kasaysayan ay ‘history,’ ay napakadaling unawain - his-story; ang ‘kuwento niya.’ Isipin natin ‘yung sinabi sa aklat noong hayskul ako, “Today’s event is tomorrow’s history.” Totoo ba na ang pangyayari ngayon ay kasaysayan bukas? Hindi ba ‘yung may ‘saysay’ lamang o ‘yung mahalaga? Gaya nang nasabi ko noong nakaraang blog na kung hiindi natin nauunawaan ang kahulugan ng salita, paano pa natin mauunawaan ang buhay? Dahil dito, marami sa ating kabataang mag-aaral ang nagkakaroon ng ‘culture shock’ sa natutunan nila sa Paaralan ng Kaalaman at pagpasok nila sa Paaralan ng Buhay. May magkaiba. Akala tuloy nila kung magaling sila sa iskuwelahan ay magiging magaling na rin sila sa buhay. Pansinin sa buhay ng ibang matatalino noong nag-aaral sila, naging matagumpay ba o maayos ang kanilang buhay?
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
Ang buhay ay isang paradoks, ibig sabihin ay kakatwa na parang hindi totoo, ngunit nangyayaring totoo gaya ng simpleng ‘paradox of water and diamond.’ Ipinauunawa nito sa atin na hindi maaaring mabuhay ang tao ng walang tubig, pero maaaring mabuhay ang tao ng walang diyamante. Pero bakit mas mahal ang presyo ng diyamante kaysa sa tubig na katumbas ng ating mahal na buhay? Samantala, sa ‘paradox of educated-unemployed and uneducated-unemployed’ ay lumalabas naman na kung sino ang nakapag-aral nang mataas ay siyang kadalasang walang trabaho, at ang hindi nakapag-aral ay siyang may trabaho. Silipin ninyo sa estadistika, habang tumataas ang pinag-aralan ng tao ay tumataas din ang tsansa na wala siyang trabaho. Isipin ninyo na lamang sa paraang praktikal sa buhay kung bakit nagkaganito, may matututunan na kayong mahalaga sa buhay. O sige, isimple pa natin – noong nag-aaral ka ba nagkaroon ka nang utang? Bakit ngayon marami sa nagtatarabaho ang baon sa utang?
For more information, please contact:
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
Ang bente mo barya na ngayon.
Inflation
Aren't you afraid? 5-10yrs from now baka ang 100 pesos, coins na lang din..
Yung value ng pera pababa ng pababa, ang gastusin pataas ng pataas! Kaya this is the right time to do more in your 2021! Because you deserve even more!
Start this year by investing with PROTECTION
Invest it wisely.
ASK ME HOW!
Sa kabilang banda, unawain niyo ang ‘paradox of life’ na ito kung bakit nangyayari:
Ang dami nating nagtataasang mga gusali, ngunit ang lubhang mababa ng pagtitimpi ng tao sa galit. Ang lalawak ng mga daanan at lagusan natin, ngunit ang kikitid ng utak ng marami sa atin na umunawa sa kung ano ang tama at hindi mabuti. Gastos dito, gastos doon, ngunit may kulang na hindi maunawan natin maunawaan sa sarili ang kasiyahan.
Dahil sa ang dami nating binibili na kung anu-anong inaakalang kailangan natin, ngunit hindi naman nagbibigay ng ganap na kasiyahan sa ating buhay, bagkus nakabibigat pa sa ating pamumuhay. Ang lalaki ng bahay na titirahan ng iba sa atin, ngunit kaunti naman pala ang pamilyang maninirahan. Marami namang paraan ng kaginhawahan at kaluwagan sa buhay, ngunit bakit kulang pa rin tayo sa oras? Ang daming pala-aral at nagtapos na matataas na ‘degree’ sa pag-aaral, ngunit walang nagiging halaga ang aral sa buhay.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Kumbaga, napakaraming kaalaman, ngunit kulang pa rin sa karunungan ng mabuting kahatulan o ‘decision-making.’ Ang dami naman nating dalubhasa s aiba’t ibang larangan, ngunit bakit patuloy na dumarami ang suliranin natin sa buhay? Ang daming sinasabing gamot para sa kalunasan sa iba’t ibang karamdaman, ngunit wala pa rin ganap na kalusugang nakakamtan. Kung anu-anong kasiyahan sa katawan ang naimbento na, ngunit kakarampot pa rin ang tuwa at saya ng marami sa atin sa buhay. Napupuyat sa magdamag sa hindi malaman pinagkakaabalahan, saka tanghali nang gigising kinabukasan, ngunit hitsurang pagod pa rin ang hapis na mukha. Bibihirang magbasa, ngunit kapag sa telebisyon nagtatagal. Reklamo nga nang reklamo sa ‘online learning’ na nakasasakit ng ulo, pero sa ‘computer games’ kahit magdamagan walang sakit ng ulo. At ang pinakamalala pa, bibihira na lamang ang magdasal. Kadalasan pa kung may kailangan lang kay God.
Ngayon sasabihin ba ninyong mahiwaga ang buhay o tayo ang gumagawa ng hiwaga ng ating buhay?
Read, Share, and Subscribe.
留言