top of page

PRACTICAL KNOWLEDGE















 

The knowledge we get is more important,

than from where we get the knowledge.


Saan ka, sa kaalaman mong matutunan o kung saan mo matutunan?


Ang sinasabing ‘practical knowledge’ ay mga kaalamang matututunan sa araw-araw na buhay at karanasan. Samakatwid, ang practical na kaalaman ay iyong mga matutunan sa pagsasagawa o paggamit ng kaalaman. Nakabatay ito sa gawain at nangyayari sa buhay. May mga bagay na matutunan sa pamamagitan ng karanasan sa pagsasagawa nito. Higit itong nakapagpapalalim sa pang-unawa sa mga konsepto ng kaalaman kaya sinasabing praktikal na kaalaman. Ito rin ang tinatawag na ‘laboratory of experience’ sa paniniwala na rin nating “Experience is the best teacher.” Kumbaga, hindi lamang ito pang-kaasalan, bagkus, pang teknikal pa! Kaya rin naman sinasabing mas mahalaga ang kaalamang natutunan kaysa sa kung saan ito natutunan. Hindi kaya kung paano rin matutunan?

 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741

 

Ang praktikal na kaalaman at teoretikal na kaalaman ay may magkaibang paraan ng paghahatid ng kaalaman. Habang ang ‘theoretical knowledge’ ay tumitiyak sa matutunang pundamental na konsepto, at kaalamang (‘know-how’) sa mekanismo kung paano gagawin ang isang bagay, ay hanggang doon lamang siya dahil kung walang pagsasagawa nito o praktis ay hindi pa rin mangyayari ang ganap na pagkatuto ng kaalaman. Alin sa dalawa ang pipiliin mo para maging math-alino – theoretical knowledge o practical knowledge?

 

Sa praktikal na kaalaman ay natitiyak na mangyayari ang pagkatuto sa kaalaman sa halip na alam lamang sa isipan kung paano ito gagawin. Alinmang kaalaman na hindi naman isinasagawa kung paano gagamitin ay wala ring silbi dahil hindi ganap na mauunawaan ang teoretikal na kaalaman. Kaya may ‘practicum’ sa pag-aaral sa senior high school, maging sa kolehiyo upang bigyang daan ang tinatawag na ‘laboratory of experience’ o karanasan sa trabaho para sa praktikal na pagkatuto. Pinaigting nito ang mensahe ng “Knowledge comes from learning while wisdom comes from living.” Hindi lamang sa pag-uugali dapat mahubog ang kaaalaman, bagkus pati na sa teknikal na pagsasagawa nito o karanasan sa pagsasagawa nito. Pagkaminsan tuloy ay mahusay pa ang mga hindi nakapag-aral sa iskuwelahan, ngunit maraming natutunang gawain sa buhay. Karaniwan, sila pa ang nagiging matagumpay sa buhay.

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741


 

Kung ang praktikal na kaalaman ay matututunan sa pagsasagawa, ang teoretikal na kaalaman naman ay sa pamamagitan ng pagbabasa ng aklat (reference book) o manwal. Sa maikling paliwanag ng totoo sa buhay, teoretikal na makapagluluto ka ng putaheng sinigang na isda basta magbasa ng menu book, ngunit baka ang kalabasan, imbis na tama sa asim ay matabang o kaya ay malansa ang pagkakaluto sa isda. Kung paano iluluto ang sinigang na isda sa aktuwal at saktong paraan, ay siya namang sinasabing praktikal na kaalaman. Maaaring hindi ito makuha sa una, pangalawa, pangatlong pagluluto, ngunit pagkaraan ng ilang ulit na pagsasagawa ay ganap ding mauunawaan ang konsepto at teknik ng pagluluto ng sinigang na isda. Kung tutuusin ay maaari mo ring mahigitan pa ito sa pamamagitan ng pag-eeksperimento lalo na kung paano pa mapapalasang mabuti ang sinigang na isda.

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407

𝙎𝙏𝙊𝘾𝙆 𝙈𝘼𝙍𝙆𝙀𝙏 𝙄𝙎 𝘾𝙐𝙍𝙍𝙀𝙉𝙏𝙇𝙔 𝙊𝙉 𝙎𝘼𝙇𝙀!!

Investing now when the Market is low is like buying stocks at the price from 5-10 years ago!

2 TYPES OF INVESTING

DIRECT INVESTMENT - ay yung ikaw yung bumibili mismo ng stocks from companies. Ikaw ung mismo magse-set-up ng account mo and magmo-monitor ng stock market almost everyday.

INDIRECT INVESTMENT - meron tayong tinatawag na Fund Manager. Siya ang nagdedecide and nag-aasikaso ng lahat ng investment natin para mag-grow.

For me, I prefer using the INDIRECT INVESTMENT, ibig sabihin meron ng magma-manage ng money niyo and hindi mo na need mag-monitor everyday.️ Most convenient way of investing

Message me to know more about it! Let's plan your future ahead!





 

Ang praktikal na aplikasyon ng kaalaman ay mas mabuti at nakakahigit pa kaysa sa theoretical na kaalaman dahil nililinang nito ang kakayahan kung paaano matututunan ng aktuwal sa totoong buhay; real application kasi ng knowledge. Ang kainaman pa sa praktikal knowledge ay ang pagkatuto nito ay panghabambuhay na dadalhin, samantalang sa teoretikal ay maaaring makalimutan agad dahil hindi na-reinforced na kasanayan sa pamamagitan ng praktis o pagsasagawa. Mismo, sa praktikal na kaalaman ay matutuklasan natin ang katotohanan at ang nakagaganyak na paraan na siyang napakahalagang bahagi sa pagkatuto.

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741


 

Sa kasalukuyang panahon, ang ating sistema ng pag-aaral ay nangangailangan ng higit na praktikal na pamamaraan, Kailangang siguraduhing lagging may ‘hands on learning’ sa bawat teoretikal na ituturo sa mga estudyante upang higit nilang maunawaan ng praktikal ang kaalaman. Hindi lamang sa pag-e-eksperimento sa science kundi pati na sa tinatawag na ‘immersion program’ ng senior high school at ‘practicum program’ naman sa kolehiyo nahahasa ang practical knowledge. Philosophically. “Knowledge is intangible but the practical application made it tangible by applying those skills in practice.” Ang paalala: Hindi sapat na matutunan ang alinmang kaalaman, kailangan ding magamit ng aktuwal. Hindi rin naman sapat na gustuhin nating matutunan ang isang bagay, kundi kailangang isagawa.

 

Bilang tugon sa premiso na nabanggit sa unahan na “The knowledge we get is more important, than from where we get the knowledge.” Ang nabanggit ni Francis Kong hinggil sa alinmang pagtatalo sa anumang kaalaman ay, “Every interaction is an opportunity to learn.” Ngunit, ito ay kundisyunal. Dahil ang katwiran niya, “We get to learn only if we are more interested in “IMPROVING” rather than “PROVING” why one is alright all the time and the others are wrong.”Higit tayong matututo kung patuloy nating pauunlarin ang ating ginagawa kaysa patunayan na mali ang pinaniniwalaang kaalaman ng iba.


Read, Share, and Subscribe.

Comments


bottom of page