top of page

PRACTICAL WISDOM















 

Mas madali raw gumawa ng masama kaysa sa gumawa ng kabutihan? Ikunsidera natin ang ating pinagmulan: hindi tayo ginawa para mabuhay nang malupit sa kaninuman o anupaman, marapat na sundin natin ang kabutihan at kaaalaman. Mula sa kaalamang matututuhan gamit ito nang mahusay ay makakamit natin ang karunungan sa karanasan. Ang sinasabi ni David Starr Jordan hinggil dito ay “Wisdom is knowing what to do next; virtue is doing it.” Mula sa kaalaman at karunungang taglay, malalaman natin ang nararapat gawin, at ang paggawa nito ay siyang tumtukoy sa kabutihan – birtud nga (virtue), hindi agimat na inyong inaakala kundi mga kahanga-hangang katangian ng pagpapakabuti ng tao.

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741


 

Kabilang sa mga itinuturing na makalangit na kabutihan ay chastity (kalinisan), temperance (pagpipigil o pagtitimpi), charity (pagkakawanggawa), diligence (kasipagan), patience (pasensya), kindness (kabaitan) and humility (pagpapakumbaba). Ang virtue o birtud ay kabutihang asal na siyang pundasyon ng pagiging mabuting tao. Pagganap ito ng tama at mabuti na taliwas sa mali at masama. Sa maikling salita, ang birtud ay kabutihan ng pag-uugali.

 

Sa ingles ang kabaligtaran ng birtud ay vice, ngunit ang kahulugan nito ay bisyo. Ngunit, sa lahat ng birtud ang practical wisdom ang pinakamahalaga. Mangyari, tumutukoy ito sa praktikal na karunungan. Ang winika ni Plato, isang dakilang pilosopo noon sa lungsod-estado ng Athen ay “For all the virtues will be present when the one virtue, practical wisdom, is present.” Ibig niyang sabihin, para makamit ang lahat ng kabutihan o birtud, kinakailangang magkaroon ng praktikal na karunungan ang tao.

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741


 

Ang ‘practical wisdom’ ay tunay na katangian ng pagganap o paggawa ng anumang bagay alinsunod sa tamang katwiran nang may pagsang-alang-alang sa kabutihan para sa sarili at sa kapwa. Hindi siya pangkalahatan, bagkus may partikular na kinauukulan. Halimbawa, hindi tamang ikatwiran na komo’t ginawa nang marami ang isang bagay na mali at masama,ay puwede na nating tanggaping tama sa pangkalahatan. Sa batas ng maayos na lipunan, hindi ito sinasang-ayunan dahil ang praktikal na karunungan ay sumasaklaw din sa pagiging makatao. Ang sinumang nagtataglay ng praktikal na karunungan ay may kasanayan sa pagbubuo ng layunin batay sa pagtatantiyang makakamit at kung ano ang higit na makabubuti sa marami (common good) na makakamit sa pamamagitan ng pagsasakatuparan.

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407

𝙎𝙏𝙊𝘾𝙆 𝙈𝘼𝙍𝙆𝙀𝙏 𝙄𝙎 𝘾𝙐𝙍𝙍𝙀𝙉𝙏𝙇𝙔 𝙊𝙉 𝙎𝘼𝙇𝙀!!

Investing now when the Market is low is like buying stocks at the price from 5-10 years ago!

2 TYPES OF INVESTING

DIRECT INVESTMENT - ay yung ikaw yung bumibili mismo ng stocks from companies. Ikaw ung mismo magse-set-up ng account mo and magmo-monitor ng stock market almost everyday.

INDIRECT INVESTMENT - meron tayong tinatawag na Fund Manager. Siya ang nagdedecide and nag-aasikaso ng lahat ng investment natin para mag-grow.

For me, I prefer using the INDIRECT INVESTMENT, ibig sabihin meron ng magma-manage ng money niyo and hindi mo na need mag-monitor everyday.️ Most convenient way of investing

Message me to know more about it! Let's plan your future ahead!





 

Alinmang kabutihan ay may kaakibat na kamalian o kasamaan kung hindi wastong maisasagawa nang naaayon sa tama at mabuting katwiran. Sinasabing, “Frugality can veer into miserliness. chastity can shrivel into prudishness, self-reliance can harden into prideful stubbornes.” Ang ibig ipakahulugan sa atin ay, ang labis na katipiran ay magdudulot ng kalungkutan, sa kalinisan ng malisya ay umuusbong ng pambihirang kahusayan, at ang labis na pagtitiwala sa sarili ay magdudulot ng katigasan ng ulo.

 

Sang-ayon sa pilosopong Greko na si Aritotle, ang pagiging mabuti ay katumbas ng hindi pagiging extremes o malabis sa kabutihan. Maaaring sanhi nito ang hindi pagsunod sa kabutihan o labis na pagsunod sa kabutihan. Nasa katamtaman at pagtatantiya ang halaga ng kabutihan o birtud alinsunod sa ibubunga. Halimbawa, ang sinasabing “Courage is the mean cowardliness and recklessness.” Ang katapangan ay katamtamang karuwagan o pagiging pabaya o walang pag-iingat. Kapag sinabi naman “Loyalty is is the mean between fickleness and blind obedience” ay nangangahulugang ang labis na katapatan ay katumbas ng bulag na pagsunod. At ang “Resolution is the mean between spineliness and obstinacy.“ Ang wastong pagpapasya o pagtatalaga ay tulad rin ng walang paikutin sa nais mangyari na pansarili at pagpapairal ng katigasan ng ulo.

 

Kailan tama ang mali at kailan mali ang tama?


Ikinakatwirang, ang pagbabalanse sa kabutihan ay madaling sabihin kaysa gawin o isabuhay, sapagkat ang landas ng kabutihan ay laging nasa dalawang magkaibang kalagayan kung kaya’t depende pa rin sa kalagayan ng sitwasyon ang nararapat gawin. Ang malaking hamon sa tao ay matantiya ang ibubunga ng gagawing aksiyon, at ito nga ay nangangailangan ng praktikal na karunungan kung alin ang higit na makabubuti sa nakararami. Nasabi naman ni John Bradshow na “Practical wisdom “is the ability to do the right thing, at the right time, for the right reason.” Nasa tamang gawa, pagkakataon at katwiran ang alinmang gagawin nating kabutihan.

 

For order and more information, please contact

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741

 

Naniniwala si Aritotle na ang praktikal na karunungan ay ‘modus operandi’ sa bawat paggawa ng tamang desisyon, at mangyari pa, ang lahat ng birtud ng kabutihan ay dapat na mapapaloob sa praktikal na karunungan bilang pangunahing katangian ng maayos na karunungan. Kung walang tamang aplikasyon ng praktikal na karunungan, ang alinmang birtud ng kabutihan ay maaring makasira sa pangkalahatang ibubunga. Ang sinuman sa atin ay dapat na pag-aralan ang praktikalidad ng karunungan sa mga gagawing desisyon at aksyon sa laging araw-araw na pamumuhay. Nang sa ganoon ay hindi lamang natin makamit ang pag-unlad ng pamumuhay, bagkus may kalakip na kasiyahan ng loob.


Read, Share, and Subscribe.

Comments


bottom of page