Naranasan mo na bang masuong sa mabigat na suliranin?
Paano mo siya dinedesisyunan sa pamamagitan ng panalangin?
Panginoon, binubuksan ko po ang aking isipan at puso. Humihingi ako sa Iyo ng ‘banal na patnubay’ na makamit ang Iyong presensiya sa araw-araw na pamumuhay. Lalo na sa mga sandali ng pagsubok. Tanglawan mo ng liwanag ang aking dinaraanan sa buhay at dalhin mo ako sa tamang landas ng iyong kalooban. Nawa’y, malinaw kong mapakinggan ang iyong tinig, madama ang iyong puso at kalooban; nang sa ganoon ay mahiwatigan ko ang Iyong naisin para sa aking ikabubuti at kaligtasan. Batid kong ipaabot mo sa aking kaalaman ang iyong nais na mangyari at buong puso kong tatanggapin upang lalo pang mapagtibay ang karunungang taglay sa aking sarili mula sa banal Mong Kalooban na makapangyayari sa lahat.
For more information, please contact:
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
Ang bente mo barya na ngayon.
Inflation
Aren't you afraid? 5-10yrs from now baka ang 100 pesos, coins na lang din..
Yung value ng pera pababa ng pababa, ang gastusin pataas ng pataas! Kaya this is the right time to do more in your 2021! Because you deserve even more!
Start this year by investing with PROTECTION
Invest it wisely.
ASK ME HOW!
Alam kong ang taimtim na panalanging ito ay makapangyarihang pagpapala na Iyong ipagkakaloob sa akin. Ipagkakaloob Mo sa akin ang mahusay na gawa at maringal na sandali ng tagumpay sakaling ako’y malagay sa pagsubok at pagpupunyagi. Buong pusong makikinig at mananalig sa aking sarili dulot ng mabuti Mong kalooban sa tulong mo, gabay at makapangyarihang paghahari, na ang aking puso at kaluluwa ay mapagkumbabang susunod. Ang aking ikabubuti ay mangyayari lamang sa aking pagkakaloob ng sarili sa Iyo ng may pagmamahal at paggalang sa Iyong kalooban. Nakahanda akong tanggapin ang Iyong lihim na kapangyarihan ng pandama sa akin sarili at kapaligiran. Gagamitin ko ito sa lalo pang ikaliligaya para sa sapat at mabuting pamumuhay.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Florence Scovel Shim says,“Prayer is telephoning to God and intuition is God telephoning to you.” Ibig sabihin, sa pamamagitan ng taimtim na panalangin ay tinatawagan natin ang ating Panginoon, at sa pandamang ipinagkakaloob Niya sa atin, tayo naman ang Kanyang tinatawagan. Pakinggan natin Siyang mabuti at ang kalooban Niya na makapangyayari sa ating buhay. Malugod kong ipinapayo sa inyo ang pag-usal ng pananalangin ng kahilingan para sa ‘intuition' sakaling tayo ay gagawa ng napakahalagang desisyon sa buhay tulad sa pag-aaral, pagpili ng magiging kaibigan, ng mamahalin at makakasama sa buhay at propesyon o trabahong papasukan. Lalo na sa mga sandaling nakataya ang ating buhay at karangalan.
Alalalahanin ninyong alinmang plano ng walang walang tagapayo ay nabibigo, ngunit kung marami silang magbibigay ng payo ay doon lamang natin makukupirma kung mabuti at maayos ang ating magiging desisyon at plano, Sa kabila nito ang pinakamagandang payo na maririnig natin sa mga tunay na maalam sa buhay ay “Be cautious about following the advice of people who have nothing to lose.” Ibig sabihin ay maging maingat tayo sa mga taong magbibigay ng payo na sa kanila naman ay walang mawawala sa kanilang ipapayo. Baka kasi sa likod nito ay ang ating kapahamakan. Buhay at kinabukasan pa rin natin ang nakataya sa ating magiging desisyon.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
Sa paglalakbay natin sa mundo ng buhay, ay marami tayong susuunging problemana kailangang lutasin nang maayos. Kaya sa gitna ng pakikipag-usap natin sa mga tao ay naroroon ang sinasadya o hindi sinasadyang magpayo upang ‘ika nila ay tulungan tayo. Maging mapanuri, sapagkat kadalasan may mga taong nagbibigay ng payo ay kulang naman sa kaalaman at karanasan sa pangyayari ng ipinapayo nila. Kung pakakawariin pa natin ay para silang otoridad sa galing kung makapayo, ngunit kung malalaman lamang natin na kung sila ang nasa ating kalagayan ay hindi rin nila alam o kaya kung ano ang kanilang gagawin. Baka nga iba pa sa ipapayo sa atin ang kanilang gagawin.
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Manalig tayo sa karunungang ispirituwal na hinango sa mga kuwentong sa Banal na Aklat. Aralin nating mabuti ang karunungan tulad ng ipinagkaloob ng Panginoon kay Haring Solomon sa mga kuwento ng kanyang buhay. Pinili ni Haring Solomon ang karunungan kaysa sa kayamanan at kapangyarihan, at mula sa karunungan ay nakamit niya ang kayamanan at kapangyarihang inaasam ng marami. Ang higit na pinakamahalaga sa lahat ay hilingin natin sa ating panalangin na pagkalooban tayo ng ‘intuition.’ Pandama o kutob. Dito o sa pamamagitan ng mga ito ay ang tinig at kalooban ng Panginoon ang ating mapapakinggan at mahihiwatigan. Siya ang pinakamahusay na tagapayo ng lahat!
Read, Share, and Subscribe.
Comments