Ego is pride. Pagmamalaki sa sarili. Minsan kahit wala naman dapat ipagmalaki. Kung sinasabing egoistic kang tao, ibig sabihin napupuno ka ng pride sa iyong sarili. Hindi mo kayang isuko sa iba ang iyong paniniwala o galing. Masyado ka kasing bilib sa iyong sarili. Hindi mo matanggap na puwede kang magkamali. O minsan ay natatalo ka ng mga taong sa tingin mo ay hindi naman magaling. At mas magaling ka pa sa kanila! Kaya naman mukmok ka sa saman ng loob kapag napahiya. May kasama pang hinagpis ang iba. Hindi na lang nila isipin ang pagpapakababa. Ang hindi pa kagandahan kung may buwelta masama para lamang makaganti. Okey lang ba kung “sweet vengeance?” Ang mali ay mali pa rin!
For more information, please contact:
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
ADVANTAGE OF INVESTING EARLY
Let me help you secure your future and your family for as low as P 1,500 / month.
Get insured online, no meet ups needed. Message me for more info
PRIDE...
Pero ang sabi ng isang nakilala kong doktor, importanteng magkaroon ng pride ang tao sa sarili, nakaka-boost daw ng confidence. Ngunit sa ganang paniniwala ko, kung may pride ka rin lang at lulunukin mo, mabuti nang huwag mag-pride. Tumahimik na lamang, manalangin, magtiwala sa sarili at magpakababa. Pagbabalanse lamang ito ng saloobin para hindi masyadong nasasaktan sa anumang mangyayari. Iwas pa sa pagkapahiya. Sabi nga, “Ang naglulumuhod ng awa sa pananalangin, iniaangat ng Diyos sa iyong pagpapakababa.” Ang simpleng aral ng matatalinong tao, “Ang nagpapakababa ang siyang itinataas.” Hindi nga ba sa law of physics, ang tendensiya ng tumaas ay bumaba? Ganito rin ang batas sa kapalaran ng tao na hindi na kailangang pagtalunan pa. Tingin-tingin sa paligid nang maunawaan sa pangyayari.
Minsan sa isang opisina ay labis ang tiwala ng isang empleyado na siya ang mapipili bilang bagong chief ng kanilang departamento. Kung tutuusin, siya kasi ang most senior o pinaka may edad na sa kanilang opisina. Bukod sa matalino pa siya. Graduate with honours siya sa pag-aaral at marami din siyang achievements sa trabaho. So, very confident na ang lahat na, siya na nga ang mapipili bilang kapalit ng nagretiro nilang hepe. Ang kaso, nalaman nilang hindi siya ang napili kundi ang isang “neophyte” (baguhan) o hindi katagalan sa kanilang opisina ang serbisyo ang napili at taga ibang departamento pa! Gulo ang isipan ng marami kung bakit ‘ika nila na ‘by-pass’ siya sa promotion na labis niyang inaasam. Hindi naman siya nagreklamo. Pero, kinimkim niya lamang sa sarili niya ang lahat ng sama ng loob.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
PRIDE...
Nanatili lamang siyang nagtatrabaho. Hindi siya masyadong nagkikibo. Nawala na rin ang sigla ng pakikisama niya na hindi gaya nang dati ay malambing at maalalahanin sa lahat ng kasamahan. Ang hindi alam ng marami ay kakaiba siyang magdala ng sama ng loob. Hindi hayagan, kundi patago na hindi basta-basta disimulado . Ang kapuna-puna lamang ay hindi na siya masyadong nakikialam kung may problema sa tarabaho nila, basta iyung trabaho niya nagagawa niya nang maayos at wala nang usapin pa. Ngunit, malalim ang kalokohan niya sa kabiguang natamo. Napatunayan ito nang magkaroon ng isang malaking bulilyaso sa isang kontratang pinasok ng kanilang tanggapan. Sinadya niyang may mamali sa implementasyon. Ngunit, gaya ng sinasabi, walang lihim ang hindi nabubunyag, ay lumitaw na inipit niya ang mahalagang komunikasyon upang madiskaril ang kontrata.
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
PRIDE...
Kinausap siya ng bago niyang hepe. Kalmado lamang siya na parang walang alam sa aberyang nangyari. Na-master na niya ang “dead malice” o patay malisya. Kahit sabihing nanggagalaiti na ang lahat ng kanyang kasamahan na siya ang may kasalanan ng lahat, hindi pa rin siya kumikibo. Kesehodang atakihin lahat sa puso sa pag-iimbestiga sa naging dahilan ng problema, nanatili pa rin siyang tahimik. Ang katwiran niya sa sarili niya, “Less talk, less mistakes.” Gan’yan kasikreto ang saloobin niya. Ngunit, hindi niya alam ay matalas makiramdam ang bagong hepe niya. Magaling sa “human psychology” para maunawaan ang lahat ng pangyayari.
Ang bungad na salita ng kanyang hepe sa kanya, “I respect your being senior to me. Formerly, I believed you deserve the position more than me, but when thing like this happened, I beg to disagree.” Nagulat siya sa narinig, kasunod ang “It is your command resposibility. We are going to prove it beyond doubt. I therefore, let you face the consequences of your unbecoming.” Sa galit sa paratang sa kaniya, bigla siyang nawala sa power ng deadma niya. Tinutumbok sa kanya ang naging kasalanan niya. Bigla sana siyang tatayo at aargumento, ngunit inunahan siya ng hepe, sabay sabi niya padepensa, “Discussion are always better than arguments, because an argument is to find out who is right, and a discussion is to find what is right. Ginamit niya ang aral ni therandom vibez. Matigas ang hepe niya, “Respect my position. I return this favorite book of yours.” Sabay abot ng aklat na “Walk Like A Chameleon.”
The book that you read is a reflection of your character.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407
Kris Torres 639499704741
PRIDE...
Ang pananaw ng hepe niya sa aklat na “Walk Like A Chamellon” ay aklat ng mga taong hunyango. Nagbabagu-bago ng kulay at anyo depende sa sitwasyon kung paano aatakihin at pababagsakin ang kanilang kaaway para lamang sa gusto nilang mangyari sa kanilang sarili. Ikaw, may ganito kang kakilalang tao? Pero kung tutuusin, ang tunay na layunin ng aklat na ito base sa nakasulat sa google ay “Use your animal instincts to improve your relationships and your life.” Math-alino ka kung alam mo agad ang pakay nila. Ngunit, mas higit na math-alino ka kung sa gitna ng laban ay dala-dala mo pa rin ang dignidad at respeto sa iyong pagkatao. Dapat, lagi nating isa-isip ang quote na “A beautiful day begins with a beautiful mindset.” Laging kabutihan lamang para sa lahat ang iisipin natin para sa mapayapang pamumuhay. At ito ang magbibigay sa atin ng kakaibang tiwala sa sa sarili at lakas ng loob dahil wala tayong inisip at ginawang masama para matakot.
Comments