Sa BIBLIYA, ang Banal na Aklat ng Salita ng Diyos, isa sa mga natatanging repleksiyon ng aral sa buhay para sa karunungan ay ang kuwento ng pagkawala ni Adan sa Hardin ng Paraiso matapos nitong kainin ang ipinagbabawal na bunga. Mansanas nga ba? Nang hanapin siya ng Panginoong kung nasaan siya noon dahil bigla siyang nawala, ay hindi sumagot si Adan, at wala nang nakapagsabi kung nasaan siya. Tulad sa adhikaing banal ng Panginoon, nawala siya sa layunin ng paglikha bilang kawangis ng Diyos.
Para kay Friedrich Nietzche, “He who has a why to live for can bear almost any how.” Ang paliwanag dito, “ang sinumang makatagpo ng layunin niya sa buhay ay malalagpasan ang anumang pagsubok na haharapin. Isipin natin, nasaan na nga ba si Adan matapos niyang iwan ng binhi ng kasalanan ang tao? Isipin din natin ang pangyayaring ito sa ating buhay baka kasi tayo ay naliligaw ng landas sa ginagawa o hinahanap nating kapalaran. Bago sasabihin natin kaninuman bunga ng ating kabiguan, na ang ating kapalaran ay iginuhit nang tadhana.
For more information, please contact:
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
Ang bente mo barya na ngayon.
Inflation
Aren't you afraid? 5-10yrs from now baka ang 100 pesos, coins na lang din..
Yung value ng pera pababa ng pababa, ang gastusin pataas ng pataas! Kaya this is the right time to do more in your 2021! Because you deserve even more!
Start this year by investing with PROTECTION
Invest it wisely.
ASK ME HOW!
Tayo man sa sarili natin at sa kasalukuyan nating paglalakbay-buhay sa mundong ito ay hindi maiaalis na alamin ng sinuman sa atin na nagmamalasakit kung nasaan na tayo sa buhay. May pinatutunguhan ba? Baka nawawala na tayo sa tamang daan o sa matuwid na buhay. Hep! Iba ang tuwid na daan sa matuwid na daan. Sa tuwid na daan kapag dire-diretso puwede tayong mabangga sa pader. Kapag matuwid ang buhay, alinmang pagsubok dahil tama at mabuti ang ating ginagawa, tayo ay magtatagumpay sa purpose o layunin natin sa buhay. Ang maganda rito, higit pa sa inaasahan natin ang magiging gantimpala ng kapalaran.
Personalan –
ano ba purpose mo sa buhay?
Ang sabi ng isang kaibigan kong loko baka pur (for) pose lang!
Ibig sabihin ay puro porma sa yabang, wala namang ikagaganda sa buhay.
Gaya sa edukasyon, sinasabing ang purpose o layunin ng education is for life. Ngunit ano naman ang para sa buhay. Mangyari, ang tama at matha-alinong edukasyon sa pamamagitan ng masikhay na pag-aaral ang magsisilbing flashlight o liwanag na tatanglaw sa ating paglalakbay sa buhay hanggang matagpuan natin ang tunay na layunin na magiging kapaki-pakinabang hindi lamang para sa ating sarili kundi pati sa kapwa. Kaya nga ang unag layunin ng edukasyon lalo na sa Pagpapakatao ay maikintal sa isipan at kalooban ang mabuting layunin sa buhay.
Si Haring Artaban, sa kanyang paglalakbay upang hanapin si Hesus ay naglakbay nang katakut-takot kung saan-saang lugar. Saka lamang sa huling sandali ng kanyang buhay ay nalaman niyang ang paglilingkod sa mga sawimpalad na mga tao ang tunay na kahulugan ng pagkakatagpo niya kay Hesus. Ang patunay nito – ay nakamit niya ang kaluwalhatian sa huling sandali ng kanyang buhay. Lingid kasi sa kaalaman ni Artaban na natagpuan na niya si Hesus sa paglilingkod niya sa kanyang kapwa. Parang Where Love is ni Leo Tolstoi.
Php 275.00 worths of ambition
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Kung susuriin ang pangyayari sa buhay ni Artaban, ang The Other Wise Man, ay walang iniwan ito sa kuwento ng buhay ni BEN-HURen-Hur. Ang tanging pagkakaiba, si Ben-Hur na isang ordinaryong tao ay napagbintangang sa pagpatay sa komander ng sundalong Romano gayung aksidente ang nangyari. Ginawa siyang alipin sa Roman galleys habambuhay. Samantala, ang kanyang ina at kapatid na babae ay ipinakulong ng pamahalaan kung saan nakuha ng mga ito ang sakit na ketong na nakakahawa kaya’t pinandidirihan sila ng mga tao. Bukod pa sa masaklap na pangyayaring ito, ang lahat ng kanilang mga ari-arian ay kinumpiska ng pamahalaan upang lalo pa silang mabuhay sa kahirapan.
Naging mithiin ni Ben-Hur na makita si Hesus, ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay nakatagpo na niya si Kristo nung minsan siya ay binigyan nito ng tubig noong siya ay nauuuhaw sa gitna ng paglalaot sa karagatan ng barko kung saan siya ay isa sa mga aliping tagasagwan. Kalaunan noong nakalaya si Ben-Hur sa pagka-alipin dahil sa pagliligtas niya sa buhay ng pinuno ng barko ay inampon siya nito. Ang magandang aral sa pangyayaring ito ay “You don’t meet people by accident. There is always a reason; a blessing or a lesson.” Nangyari nga ito kay Ben-Hur. Kalaunan ay nagsanay siya bilang sundalo at charioteer (magkakarwahe) upang maghiganti sa pamahalaan nagpahirap sa kanyang pamilya. Nakalimutan na niya ang layunin niya kay Hesuristo sa dahilang ang nasa isipan niya ay ang paghihiganti. Dahil sa kaniyang masamang layunin noong lumahok siya sa karera ng mga karwahe ay aksidenteng nabulag siya.
Sa gitna ng madilim na buhay ng isang bulag, muling nabuhay ang layunin ni Ben-Hur na makita si Kristo. Nang mabalitaan niyang ipapako sa krus si Kristo ay kakapa-kapang sinundan niya ito hanggang sa makarating siya sa kalbaryo na pagpapakuan. Taos-pusong idinalangin niya na bago pa man mamatay si Kristo ay makita niya. Nang turukan ng sundalo sa tagiliran si Kristo ay tumalsik ang dugo sa kaniyang mga mata.
Himala ng langit!
Nakakita si Ben-Hur.
Samantala, noong mga sandaling iyon naman, sa buhos ng malakas na ulan na kasamang inagos ang banal na dugo ng sugat ni Hesus ay gumaling ang ketong ng kaniyang ina at kapatid. Muli silang nagkasama. Naging ganap na kristiyano ang pamilya ni Ben-Hur taglay ang paniniwalang ang banal na layunin ng buhay sa ngalan ni Hesukrito ay hindi upang gumanti kundi maglingkod sa kapwa at pamayanan.
For order and more information, please contact
Sir Bojie Torres 09272450838;
Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Kris Torres 639499704741
Ang tanong pa ay kung may layunin ba tayo para mabuhay at may nangyayari ba sa layunin nating ito? Baka kasi drawing lamang pala ang layunin natin sa buhay, puro “I wish.” Puro tayo, “Sana … sana …” eh, ang Hosanna ay papuri sa Diyos na Maykapal. Hindi puro wish mo lang. Ang isa pang dahilan ng ating kabiguan ay ang layunin na hindi para sa kabutihan, kung kaya’t hindi maaasahan ang magandang kaganapan ng kapalaran. Ang sanhi naman ng problema kaya hindi matagpuan nang marami sa atin ang layunin sa buhay ay dahil kulang sa pag-aaral ng Banal na Salita ng Diyos na talaga namang ating gabay sa buhay. Bago sana tayo manalangin ay magkaroon muna tayo ng pag-aaral ng Banal na Salita ng Diyos. Saka sa pananalangin natin ay isabay nating muniin ang aral na ating nabasa at ang ginagawa natin sa ating buhay.
Mangyari, sa pagsisimula ng bagong taon ng buhay -2021, alamin natin sa ating pagmumuni-muni kung ano ang layunin natin sa ating paglalakbay-buhay sa mundong ito. Kung mayroon man, isipin natin gaano ito kahalaga sa magiging buhay ng iba. Mahalagang alamin din sa sarili kung nasaan na tayo sa paglalakbay natin sa buhay? Are we travelling or going somewhere else? Nagkakaroon ba ng tamang direksiyon sa dapat nitong paroroonan? May nangyayari ba sa pangarap natin na ang siyang hangarin ay paano mamumuhay nang naglilingkod sa kapwa? I tell you, malungkot ang buhay ng taong walang layunin sa buhay hanggang sa huling hininga ng kanyang buhay.
Car Rental Mitsubishi Adventure
Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741
Hinggil sa true calling in life o layunin sa buhay, ang sabi ni Mark Twain: The two most important days in our life are the day we are born and the day we find out why. Tanungin sa inyong sarili, “Bakit nga ba ako isinilang sa mundong ito sa ganitong kalagayan?“ Mawawari ninyo ang dahilan. Hinggil ito sa life direction dahil ang purpose should be life changing. Kailangang may mabago sa buhay natin hanggang sa matagpuan natin ang tunay na layunin sa buhay. Sa tulong ng inyong talent o angking talino, pag-aralan ninyo kung paano ninyo mapapaunlad ito sa pamamagitan ng patuloy na pagbabasa sa blog na ito. Malaking tulong ito para maka-konek kayo sa pinag-aaralan ninyo sa paaralan at sa nangyayari sa buhay. Sa ganitong paraan, magiging math-alino kayo sa kaalaman at sa buhay.
Read, Share and Subscribe.
Comments