Layunin ng blog na ito ang maipaunawa na ang mabuting pagbasa ay tulad sa pakikinig ng mga karanasan sa pagkatuto sa binabasa. Unawaing mabuti ang alinmang nilalaman ng binabasa tulad sa pakikinig. Sikaping maisakatuparan ang mga nabatid para sa pagkatuto lalo na ang mahalaga sa buhay. Tuklasin ang mga natatagong kaalaman at karunungan sa bawat paksang babasahin. Sabi nga “To Learn is To Discover.” Isulat ito sa notebook at markahan sa isipan. Nang sa ganitong paraan ay makalilikha kayo ng kakaibang kaisipan na tanda ng kakaibang talino.
Halimbawa nito, sinabi ni Ex-Senator Benigno (Ninoy) Aquino, “The Filipinos is worth dying for.” Huh! Hindi kaya ito ang dahilan kung kaya siya napatay sa tarmac dahil iyon ang inilagay niya sa kanyang isipan? Nang magtagumpay naman ang Edsa Revolution, ginawa ni Cory Aquino ang sinabi rin ni Ninoy Aquino na “The Filipino is worth fighting for” sa halip na “The Filipino is worth designing for.” Nangyari tuloy, sunud-sunod na kudeta ang inabot ng administrasyon niya. Kaya marahil nang maupo naman bilang presidente ang anak nilang si Simeon Benigno (Noynoy) Aquino III ay sinunod naman nito ang sinabi rin ni Ninoy Aquino na “The Filipino is worth living for.” Ang tunay na math-alino will let the history judge nangyari! Hindi siya didiskurso ng walang ebidensiya.
Para sa mabisang pagkatuto, isulat ng kamay ang bawat matututunan gamit ang ballpen at notebook sa halip ng cellphone o laptop. Ipinapayo ng mga “neurologist” (dalubhasa sa paggagamot ng alinmang sakit na may kinalaman sa utak, spinal cord at nerves ng katawan at kung paano ito mapapabuti dahil hindi lamang nakaapekto sa ating isipan kundi sa kabuuang galaw o functions ng ating buong katawan) na, ang pagsusulat ng binasa at napakinggan ay epektibo sa pagkatuto kaysa sa pag-e-encode nito sa laptop o anumang gadget dahil mas namumuni natin ang ating pinag-aaralan at magkakaroon ng pagkakataong higit na maunawaan sa buhay.
Dapat maging bahagi ng araw-araw na pamumuhay natin ang pagsusulat ng lexicon o vocabulary words para lalo pang mapaunlad ang pag-unawa sa mga babasahin. Wala na rin “nosebleed” na masasabi. Kasama na sa sinusulat ko ang mga talinghaga sa buhay na siya naman nagpapakalma sa ating isipan at kalooban at nagpapaunlad sa ating pananaw bilang gabay sa buhay. Muli, sinasabi kong sa pamamagitan ng matiyagang pagsusulat ay napo-prosesong sa isipan ang kaalaman sa utak at kalooban hindi tulad sa copy paste o ini-encode sa gadget.
For challenge, please contact Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;
Dharyll Fernandez 09669300407
Gaya ng sinasabi sa mga isinagawang pag-aaral na ang mga estudyanteng nagsusulat parati ay higit na nakakakuha ng mataas na marka sa mga pagsusulit na ibinibigay. Marami kasi sa ating mag-aaral ngayon ang tamad magbasa at magsulat kaya mahina sa pag-aaral. Kung masipag magbasa at magsulat ang estudyante, maalala nila ang kanilang isinulat sa oras mismo na ibigay iyon katanungan sa iksamen. Alamin ninyo sa karanasan ng mga estudyanteng palasulat ng pinag-aaralan, marami silang natatandaan sa isinulat nila kahit matagal na. Dahil dito, mahalagang may ispesyal na notebook para sa mga matututunan sa blog na ito. Naririto ang nabasa kong kaisipan sa internet tungkol sa pagbabasa na kailangang pag-isipan ninyong mabuti:
Now,
sit up properly and listen to me.
If you don’t listen and you keep on talking,
you are short on ears and long on mouth.
We have two ears and one mouth,
so you should listen more than you say.
My question is –
how is listen similar to silent?
Write on a piece of paper, the word ‘listen’ and ‘silent.’
Examine well the letters of the two words.
What do you see?
Isn’t it, the word ‘listen’ contains the same letters of ‘silent?
For purchase, please contact 0927-2450838
Minsan, may nagsabi sa akin na matanda na siya kung puwede pa ba siyang tumalino sa pagbabasa. Alalahanin natin na ang matututunan sa pagbabasa ngayon ay magagamit natin sa darating na panahon habang tayo nabubuhay sa mundo. Hindi ninyo inaasahang automatic itong lalabas kapag kinakailangan na para din sa data base ng kompyuter na naroroon lang ang kaalaman na inilagay. Sinuman ang mayroong pinakamalaking database ng knowledge ang siyang nakalulusot sa mga suliranin sa buhay. Bukod pa rito ay maiiwasan ninyong maging ulyanin. Tandaan nating mabuti,“the human brain is the most power computer in the world.” Paano kung mapurol na siya at hindi na gumagana dahil hindi nahahasa sa pagbabasa? Madalas nangyayari ito kapag tumatanda na ang tao at hindi na eehersisyo sa pagbabasa ang utak. Gugustuhin mo bang maging ulyanin? O hindi na makilala ang pamilya mo?
Kaugnay rin naman sa pagbabasa, kung iisang bagay o paksa lamang ang ating binabasa araw-araw ay limitado rin ang ating matututunan, kaya hindi malabong maging makulit tayo at paulit-ulit sa sinasabi natin at oino-post na wala na nga yatang katapusan hanggang sa huli dahil iyon lamang ang ating nalalaman dahil nga iyon lamang ang ating binabasa. Kaya din naman ang sistema ko ay magbasa ng iba’t ibang paksa sa buhay na kailangan kong matutunan. Ikaw, tungkol saan ang mga binabasa mo? Dapat lahat ng may kinalaman sa pag-aayos ng buhay.
ENGAGE IN LEARNING.READ, SHARE AND SUBSCRIBE.
Comments