top of page

READ PA MORE














 

Higit sa anupaman, ang buhay ay isang bukas na aklat para sa karunungang dapat na matutunan.

Ang isip ng math-alino tungkol sa buhay ay tulad sa sinasabi sa pelikulang Monster Hune hinggil sa pagbabasa. Sinasabi sa pelikulang Monster Hune na aking napanood na “Life is a special book.You have to read it with your heart. The beginning chapter can be confusing … But it will become clear and interesting when you keep reading.” Hindi nga ba naman sa umpisa ay parang naguguluhan tayo at hindi nating lubos na maunawaan ang nilalaman ng ating binabasa?Samantala, kung magpapatuloy tayo sa pagbabasa ay unti-unti tayong masasabik sa tinatalakay ng ating binabasa hanggang sa matapos natin ito ay doon lamang tayo nagkakaroon ng paghanga sa pambihirang kaalamanang ating naunawaan at natutunan. Mula roon ay tataglayin na natin itong magandang alala ng pagkatuto.

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741

 

Paano nga ba tayo mabubuhay? Ang kasagutan ay hindi lamang sa palagian nating pagbabasa. At sa ganitong ugali ay hindi lamang ang aklat ang ating binabasa dahil matuto rin tayong basahin ang nangyayari sa ating buhay. Kung mauunawaan natin ang nangyayari sa ating buhay, matututunan natin kung paano makakapamuhay ng maayos, mapayapa at masagana. Magkaganito, wala nang masasabing – “Hay life!”

Ang pagbabasa ay para rin pakikinig sa sinasabi ng gurong may-akda kaya’t kinakailangan sundin para sa makabuluhang pag-aaral ng buhay. Pakaisipin natin na kapag tayo ay nagbabasa, ang inilalahad na kaalaman ay pangyayari sa tunay na buhay na kailangang unawaing mabuti at pag-aralan. Hindi man sakto sa tunay na kuwentoang inilalahad, ay nahahawig naman sa ilang mga pangyayari na kapupulutan ng dunong at aral na mahalaga sa ating buhay. Dito magmumula ang ating kaalaman para sa ikapagtatamo ng ating karunungan.

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407

 

Mayroong dalawang uri ng pagbabasa:

Ang silent reading o tahimik na pagbabasa. Ito ay para mas higit na maunawaan ang nilalaman ng binabasa, sapagkatnagkakaroon ng konsentrasyon at pokus sa binabasa.Samantala,ang oral reading o pagbabasa ng may tinig ay upang ibahagi sa tagapakinig ang binabasa, at sa pamamagitan nito ay mababatid din kung may mali sa binabasa lalo na sa pagbigkas ng salita. May mga pagkakataong mas nauunawaan natin ang ating binabasa kapag ito ay isinasatinig. Subukan ninyo dahil siguradong epektibo sa pagpapatalino.

 

"Bakit ka gagastos sa kuryente ng mahal kung may solar Christmas lights naman?"

Php 400.00 only, 100 bulbs, available in gold, blue, green colors,

send your order to Kris – 639499704741.




 

Muli, sinasabi kong ang pagbabasa ay tulad sa mabuting pakikinig kung saan itinutuon ang pansin sa mga mahahalagang puntos na itinuturo ng binabasa. Ang problema sa iba, binabasa nila, pero hindi nila pinakikinggan ang sinasabi kaya useless din. Kailangan ini-isip na mabuti ang inilalahad sa mga binabasa at mga bagay na ipinahahayag para sa mahusay na pang-unawa. Pagkaraan nito ay tinitingnan ko kung saan ko magagamit na mahusay sa buhay. Dito nagsisimula ang pagkatuto sa mahahalagang kaalaman at karunungan. Ang wika nga ni Calvin Coolidge, “It takes a great man to be a good listener.” Muli kong sinasabi, kapag nagbabasa ay isiping para din kayong nakikinig sa klase. Nagsasalita ang guro para sa instruksiyon na dapat sundin upang alam ang dapat gawin.

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741


 

Ibig ipaunawa sa atin ng SQP2RS sa Genuine Love for Reading ay Summary, Question, Predict, Read, Respond and Summarize. na ang mahusay na pagkatuto sa pagbabasa at pag-aaral ng tungkol sa buhay ay nasa gagawing pagbubuod, pagtatanong bilang paglilinaw, paghinuha ng maaaring maging kaganapan at pagtugon sa pangangailangan bago ang muling pagbubuod upang magkaroon ng bagong pananaw. Pinakamagandang habit ang pagbabasa para gumaling sa pag-aaral at sa buhay. Ang matatalinong tao ay lagging nagbabasa.

 

Si Warren Buffet mismo na isa sa pinakamayamang tao sa mundo ay 80% nr iskedyul niya ang ginugugol sa pagbabasa ng mga aklat na kailangan niyang matutunan sa pagpapaunlad ng buhay at kung paano magiging mapayapa. Ito ang mga aklat ni binabasa niya: Business Adventures: The Twelve Classic Tales From The World of Wall Street by John Brooks, Security Analysis by David L. Dodd, The Wit and Wisdom of Charles T. Munger, and The Most Important Thing Illumminated by Howard Marks. Ako naman hilig kong basahin ang ginagawa niya sa buhay para matuto sa kaniya. Hilig ko ring basahin araw-araw ang tungkol sa sa health, mga basic laws sa buhay, pag-iipon at pamumuhunan, pakikipag-kapwa tao, contemporary issues at mga sikat na aklat ng mga kilalang manunulat.


ENGAGE IN LEARNING.

READ, LIKE, SUBSCRIBE and SHARE.

1 comment

1 Comment


Catherine Guerrero Santos
Catherine Guerrero Santos
Nov 20, 2020

Marami po akong natutunan sa inyong mga isinusulat Sir na kinapupulutan ko ng aral, mga pamamaraan upang mapaunlad ang sarili hindi lang bilang isang guro bagkos isang ordinaryong taong nagsusumikap para sa pamilya. More Power to you Sir Torres!

Like
bottom of page