top of page

SCHOOL OF KNOWLEDGE














 

Ang synonym o parehong kahulugan ng wisdom ay sapience (remember kaya may sinasabing sapiential est potential na “wisdom is power” sa nakaraan nating paksa) at sagacity (sagacious ka kung marunong ka at full of wisdom). Ito ‘yung kakayahan ng tao na mag-isip at magsagawa ng anumang bagay gamit ang kaniyang alaman at karanasan, pag-unawa, common sense (which is not common sa lahat) at insight o pananaw, hindsight (nasasaloob) at foresight (nakikita sa hinaharap). Lumilitaw ang lahat ng mga ito kung walang kiling (para walang killing) ang pagpapasya, marunong makiramay, mula sa sariling pagkatuto ang nalalaman, may diwang ispirituwal (hindi basta lang pananampalataya) at pagkakaroon ng kabutihan sa pakikitungo sa kapwa. Alam natin dapat na “Intelligent people tend to talk about facts” at ang lagi nilang tinitingnan kung ano ang totoo. Hindi sila basta naniniwala sa sabi-sabi o balita. Lagi silang may benefits of the doubt. As in duda doods!

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741

 

Sa Paaralan ng Kaalaman ang knowledge na sinasabi ay iyung mga facts (totoo) konsepto, toriya o paniniwala, at prinsipyo na natututunan natin sa bawat asignatura ng paaralan gaya halimbawa sa tanong na ‘what is?’ Hindi kabilang dito ang basic skills tulad ng pagbabasa, pagsusulat, pananaliksik (research) na natututunan din sa paaralan bilang mga gawain sa ibayo pang pagkatuto. Walang iniwan sa pandikit ang matututunan kaalaman na magagamit sa pag-aaral ng iba pang paksang pinag-aaralan na kung ganap na mauunawaan ay madaling maikokonekta sa iba pang sangay ng kaalamanan. Kaya may binabanggit na integration sa pagtuturo para sa pagkokonek ng kaalaman. Dahil dito, kapag walang sapat na kaalaman sa isang paksa ang mag-aaral ay mahihirapan siya sa kaniyang pag-aaral. Kailangan maintindihan nila itong mabuti para sa mga susunod na paksang higit na mahirap unawain kung walang prior knowledge o paunang nalalaman.

 

Sa matematikang karunungan ay sinasabing,

“To attain knowledge, add things everyday and to attain wisdom remove thing everyday.”


Halimbawa ng pagpapakahulugan sa knowledge, bakit sa aklat ko tungkol sa ambition ay I Am My Am-Vision? Hindi ba tayo naman talaga sa sarili natin ang gumagawa ng sarili nating ambisyon sa buhay? Kung hahayaan natin ang ibang tao na sila ang mag-ambisyon para sa atin, malamang siguradong hindi tayo magtatagumpay. Makatapos man tayo ng pag-aaral, hindi naman tayo masisiyahan sa gagawin natin sa buhay. Kaya nga may mga taong hindi mapakaling pusa sa kanilang trabaho at palipat-lipat hanggang sa wala na sa kanilang tumanggap at magtiwala. Kasi hindi naman ang trabaho o katrabaho nila ang may problema kundi sila sa sarili nila na hindi nasisiyahan sa ginagawa nila. Ang pasubali sa atin, “The only true wisdom is in knowing you know nothing,” kasi dito ka pa lamang magisismulang alamin ang hindi mo alam. Ang tawag rito ay humility of intelligence. Matuto tayong magpakababa sa taglay nating kaalaman at karunungan. Hindi ikukuda natin marami tayong alam na hindi alam ng iba.

 

Php 275.00 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741


 

May apat na kaalaman ang dapat nating matutunan sa pag-aaral sang-ayon sap ag-aaral ni Krathwol (2002). Una, ang factual knowledge na may kinalaman sa kahulugan ng terminolohiya, ispesipikong detalye, at pangunahing elemento batay sa sangay ng kaalaman. Dapat na matutunan ang mga ito sa pamamagitan ng pag-uulit-ulit, exposure at pagkakabisa. Kung isa kang guro nararapat na bihasa sa teoriya ng pagkatuto para maging epektibong tagapag-turo. Pangalawa, ang conceptual knowledge na may kinalaman naman sa pagkakakaugnay-ugnay ng kaalaman at function o tungkulin nito dahil sa ganitong paraan makabubuo ng teoriya o kuru-kuro, at maging ng generelization o paglalahat.

 

"Bakit ka gagastos sa kuryente ng mahal kung may solar Christmas lights naman?"

Php 400.00 only, 100 bulbs, available in gold, blue, green colors,

send your order to Kris – 639499704741.

 

Kung alam natin ang facts, madali natin itong maisaayos sa organisadong kaalaman. Halibawa, alam mo ang kahulugan ng demand at supply, madali mo na silang mapag-uugnay sa interaksyon ng presyo at dami ng bibilhin at isu-supply alinsunod sa Law of Demand and Supply. Kritikal ang pangatlong kaalaman na procedural knowledge. Nakapaloob dito ang proseso kung ‘paano’ matututunan at mauuunawaan ang isang kaalaman. Hindi nga ba minsan ay natatanong natin sa ating sarili, “Paano nila nagawa iyon?” Ibig sabihin, proseso. Siyempre ka dahil sa constant practice. Hindi ka naman magiging mahusay na manunulat kundi ka basa nang basa at sulat nang sulat. Pang-apat, ang metacognitive knowledge ay kung ano ang nalalaman ng tao sa kanyang sarili bilang taga-prosesos ng kaalaman. Sa maikling salita - gaano niya kakilala ang kanyang sarili sa kakayanan at ugali. Mahalagang pagtuunan ng pansin ang apat na kaalaman upang mapunan kung saan tayo nagkakaroon ng pagkukulang.

 

Ang sabi ko nga:


“Enrolled ka ngayon sa School ng kaalaman,

ang matututunan mo rito ang gagamitin mo pagpasok sa Paaralan ng Buhay.


Either PASSED or FAILED ka sa pag-aaral,

paano naman sa gagawin mo sa iyong buhay kundi mo pinag-aaralan?


Hay Life na naman!



Baka raw pinag-aaralan natin ang kung-ano,

ngunit, ang pinakamahalagang kaalaman dapat malaman hindi natin napag-aaralan.”

“Ano raw ‘yun?”

“Self-knowledge o kaalaman sa sarili,

sapagkat sa sarili natin magmumula ang lahat ng ating pagkatuto.”

 

Mahalagang may kalalaman dahil magagamit ito sa problem solving o case study sa paaralan na pinag-aaralan at pati na sa buhay o karanasan, dahil sa ganitong paraan lamang mangyayari ang pagbabago sa kaisipan at maging sa gawi sa pamumuhay. Halimbawa nito ang sinasabi ni Eistein tungkol sa compound interest. Kung iisipin sa una ay simpleng matemathical formula, ngunit maaari palang magamit na magandang katwiran sa pag-iipon ng pera. Kahit paunti-unti lang ang ipon ay lalago sa takdang panahon at magagamit para sa hindi inaasahang pangangailangan sa hinaharap. Ngunit bakit nga ba sa kabila ng natutunang kaalaman ay hindi pa rin sinusunod ng tao?

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407


Dear Wives/Husbands,

Life Insurance is NOT an EXPENSE. Help your husband/wife make a better decision.

Be an #InsuredMister and #InsuredMisis now. It's one of the best gifts for your family.

Lalo na this time of pandemic, kelangan ng enough protection. Health is wealth! Invest in your health, more than anything.

I can help you set up your insurance policy. Let's meet online!

ctto

 

Ang sabi sa teoriya o palagay at hinuha sa nabasa ko ay nagsasabing kung ibig natin talagang mabago ang ating buhay sa pamamagitan ng kaalaman, kailangang baguhin muna natin ang ating nasa isip at paniniwala. Kung mababago natin ito, mababago rin natin ang gawi, ugali at gagawin. Wala itong iniwan sa quotes ni Ralph Waldo Emmerson na Watch Your Thoughts. Mula ito sa malikhaing isipan ng mga taong natuto sa gitna na kanilang karanasan sa buhay. Kabilang sa gumawa ng bersiyon nito ay sina transcendentalist (mga taong nangingibabaw sa kahusayan dahil sa pambihirang pananaw) si Philosopher Lao-Tzu, supermarket magnate Frank Outlaw, spiritual leader Gautama Buddha at si Alfred Roberts.


READ, LIKE, SUBSCRIBE, and SHARE.

Comments


bottom of page