top of page

SHARING IS CARING














 

Ang pagkatuto ay pagbabahagi ng kaalaman. Kung nagbabahagi ka ng iyong natutunan, mas lalo kang matututo.

Mula sa mga gawa at karanasang aking nabasa at natunghayan sa mga aklat, diyariyo, magazine at social media ay nahubog ang aking isipan, puso at kalooban sa pambihirang dulot ng karunungan upang ang mga pangyayari sa buhay maging kasangkapan sa pag-aaral at pagtuturo sa blog na ito. Tunay na bantayog ng kadakilaan ang mga manunulat gaya ng sinasabing “The ink of a scholar is equal to a blood of a martyr.” Sila ang nagsisilbing binhi ng tagumpay sa pagpapalaganap ng kaalaman at karunungan na inaasahang magbubunga sa mga mambabasa para sa maayos at magandang pamumuhay.

 

Totoo ang bisa ng “teaching and learning is sharing” kahit na sa paraang pagsusulat. Habang itinuturo natin ang ating napag-aralan o pinag-aaaralan ay lalo natin itong nauunawan. Kaya ang payo ng mathath-alino ay mag-aral at magturo upang lalo pang matuto. Share natin ang ating natututunan sa iba. Pansinin ninyo ang mahuhusay na guro sa mga paaralan, lagi silang nag-aaral at lalong nagiging mahusay dahil hindi lamang estudyante nila ang kanilang natuturuan kundi pati na ang mga anak nila. Binabahagi nila ang kanilang nalalaman. Hindi nga ba marami sa kanila ang may mga anak na nagiging matalino sap ag-aaral? Sad to say lang, ang iba ay hanggang sa academic subjects lamang mahusay, kinulang naman sa galing sa buhay, kaya’t hirap at marami pa rin silang problema sa buhay.

 

Ph 275 worths of ambition

Sir Bojie Torres 09272450838;

Mary Joy Torres - Fernandez 09669300407;

Kris Torres 639499704741


 

Ginawa ko ang blog na ito upang tulad sa aklat ni Ken Blanchard, ang may-akda ng The One Minute Manager ay gumanyak din ng ispirasyon sa mga tao na magsikap at magbigay-hamon sa sinumang mambabasa. Sa ganang katwiran, ito ay upang pagkaraan ng lima, sampu o dalawampung taon mula nang basahin ang nilalaman ng blog na ito ay masasabi din, nakatulong sa kanila nang malaki. May natutunan sila pag-aaral at buhay. Mahalaga ang pagbabasa hindi lamang ng tungkol sa isang paksa kundi ng pati na ng ibang bagay tungkol sa kabuuan ng buhay na may kinalman sa pagpapaunlad sa talino, pangkalusugan, pangkaligtasan at pang-espirtuwal.

 

May mga kaalamang hindi sinasadya natutunan ko noon pa man at hindi ko malay sa isip noon na magsulat ng aklat upang ibahagi ang aking nalalaman, dahil dito bilang may-akda, may mga kaalamang aking ginamit ang hindi ko inaako sa aking sarili na nagmula. Binigyan ko lamang ng bagong bihis ng karunungan sa kakaibang pananaw sa pamamagitan ng pag-uugnay-ugnay para higit na malinaw at maunawaan tulad sa iba’t ibang katangian ng pananaw ng ibang math-alino.

 

Like nang sabihin ni Washington Irving na “Great minds have purposes, others have wishes.” Naisip kong isulat na, “I hope If you don’t mind, this post from the internet … si Galileo Galelie daw, great ang mind, si Albert Einstein, genius ang mind, si Isaac Newton, extraordinary ang mind, at si Bill Gates aybrilliant naman ang mind. Ikaw, ano ang mind mo? HeHehe isip ka ng sa iyo … never mind? Mind you, it should mind!” Ang tunay na math-alino, mindful sa mahalagang bagay.

 

Maging sa mga lathalain o post sa social media na walang tiyak na may-akda ay aking binigyan ng bagong perspektibong angkop na matututunang kaisipan at karanasan, kaya’t sa ganitong kalagayan ay aking ipinahahatid ang paumanhi at permiso. Mangyari pa, higit sa talino sa aklat ng kaalaman ay talino sa pagtuklas ng karunungan sa buhay ang dapat nating pag-aralan at isagawa.

 

Nagmarka sa isipan ko ang sinabi ni Dale Carnegie na ang alinmang sinulat na aklat ay mula sa karunungan ng maraming tao sa iba’t-ibang karanasan na binigyan ng iba’t-ibang pananaw ng mga sumulat. Magkaganito at mula sa isang libong katao ang karunungang binasa mo, pang-isang libo at isa ang katalinuhan mo dahil nakuha mo ang karunungan nilang lahat. Malamang higit na matalino ang pananaw na malilikha sa isipan mo. Sa araling matematika at kaugnay na rin sa konsepto ng educational psychology, “ourselves is the sum/total of our experiences.” Ibig ipaliwanag sa atin, tayo ay ang pangkalahatan nating karanasang nangyari sa ating buhay at natutunan. Mahalagang ibahagi natin ito sa iba.

 

For more information, please contact:

Mary Joy Torres Fernandez 09669300407;

Dharyll Fernandez 09669300407

 

Dahil may math sa pagiging math-alino, naisip kong gumamit ng sarili kong multiplier effect na kaiba sa ginagamit sa economics. Isipin ninyo kung may 20 ang nagbabasa ng blog na ito at ang bawat isa sa kanila ay ibabahagi ito sa 15 kaibigan nila, magkakaroon ng 300 katao na matututo. At kung ang 300 na kataong ito ay magpapalaganap sa 10 katao para magbasa, lalabas na mayroong 3,000 pa ang matututong iba. Samantala kung ang 3,000 ito ay magpapalaganap sa 5 bawat isa, magkakaroon ng 15,000 matututo sa pag-aaral. Kung ang 15,000 ito ay magpapasa din ng karunungang taglay nito sa tatlong katao man lamang, ay magkakaroon ng kabuuang 45,000. Samantala, kung 2 ang papasahan nito, magkakaroon ng 90,000 ang magiging mahusay sa pag-aaral.

 

Sa laki ng bilang na ito ng sharing sa learning, hindi na marahil makukunsumi ang maraming guro at magulang sa pagtuturo dahil tiyak na lalaganap pa ang bilang na ito sa marami sa paglipas ng panahon. I tell you, “sharing is caring - When we share something with someone else it is equal to caring him. Ang blog na ito ay hindi lamang para sa mga nag-aaral kundi pati na sa mga magulang at tagapag-turo upang pare-pareho silang humusay at tumalino pati na sa buhay. Gayundin ang kanilang ututruan. OK? Share na!

ENGAGE IN LEARNING.READ, LIKE, SUBSCRIBE and SHARE.

 

Car Rental Mitsubishi Adventure

Dharyll Fernandez 09669300407; Kris Torres 639499704741


Comments


bottom of page